'Me...I'm the only one who killed you,'
°°°
***Xeamin's P.O.V
"Anong...sinabi mo?" Tanong ko. Imposible... Hindi ito maaari.
"Patay na si Lorraine Kuya," pag ulit ni Yuno sa sinabi nya kanina lang.
Napaupo ako sa sofa at napakuyom ng palad.
Hindi ko...sya nailigtas...paano na ako ngayon?..
"Kuya Yukki,wala naman syang epekto sa Plano natin kung mamatay man sya o hindi pero mas mabuti na maayos ang lahat bago ito matapos," pagpapaliwanag sa akin ni Yuno bagamat ay lutang ang aking isipan sa mga nanyayari.
Tiningala ko sya at diretsong tinignan sa kanyang mata "Sino ang gumawa non?"
"Yukki,ano ka ba!—"
"SABIHIN MO SA AKIN KUNG SINO ANG PUMATAY SA KANYA!!" sigaw ko sabay ng pagtayo ko.Mahigpit ko syang hinawakan sa magkabila nyang balikat ngunit mabilis nya akong tinulak palayo sa kanya.
"Ano bang nanyayari sayo Yukki?!Ng dahil lang sa babaeng yon nagkakaganyan ka na?!"
Muli akong napaupo at tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko.
"Mahal ko sya...sya na lang ang meron ako..." Mahinang sambit ko at napayuko.
Ni hindi ko man lang nasabi sa kanya ang nararamdaman ko...ang tanga ko..naiinis ako sa sarili ko!
"Paano ako,Yukki?" Napatingala ako sa kanya. "Wala lang ba ako sayo?" Malungkot nyang sabi na mas ikinatahimik ko.
"Simula ba ng mawala si Bianca satin wala na lang ako sayo?!" Galit nyang sigaw. Nakonsensya ako bigla dahil nasasaktan sya sa sinabi ko,hindi ko naman ibig sabihin yon sa harap nya. Nagpadala agad ako sa emosyon ko,magagalit sya sa akin lalo.
Hindi na lang ako kumibo,mas minabuti ko na lang makinig sa ipinaparatang nya sa akin.
"Si Bianca...bakit mo nga ba pinatay si Yuri?!Ano bang dahilan mo ha?! Sabihin mo sakin!"
Sa pagkakataon na yon ay agad akong napatingin sa kanya.
"Kapatid natin sya..bakit mo ginawa yon??" Mahina nyang tanong kasabay non ang pagpatak ng luha nya.
"Hindi ako ang pumatay sa kanya." Madiin kong sabi.
"Sinungaling!"
Laking gulat ko ng hablutin nya ang baseball bat na nakalapag lang sa mesa na katabi nya at hinampas sakin.
Mabuti at nakatayo ako agad at mabilis na tumakbo sa likod ng sofa.
"Yuno!"
"Sinabi sakin ni Abi ang tungkol don! Na ikaw ang pumatay sa kanya! Wala kang kwenta Kuya!" Sigaw nya at muling sumagod sa akin.
Sinalo ko naman ito gamit ang dalawa kong kamay at mahigpit itong hinawakan.Ngunit sinipa nya ako ng pagkalakas lakas sa hita ko kaya napabitaw ako dahilan ng pagkakataon nya para hampasin ako sa kanang braso ko.
Napahiga naman ako at namilipit sa sakit.
Mukhang napuruhan ata.
Narinig ko ang pagtawa nya at paghakbang nya patungo sakin.
"Hey,is your right arm broken properly?" Narinig kong ngisi nya.
Nakatalikod ako mula sa kanya kaya hindi ko makita ang emosyon ng mukha nya at...
Natatakot akong masilayan iyon.
"Magpapatayan din lang naman tayo sa huli,bakit hindi na natin simulan ngayon tama?"
***Kayse's P.O.V
Kinuha ko ang puting jacket na nasa cabinet pagkauwi na pagkauwi ko palang sa bahay.
Nagpalit na ako ng damit at nagsuot ng itim na pantalon bago lumabas ng kwarto.
"Ano pa bang gusto mong palabasin ha?! Na nambabae ako?!"
Napahinto ako sa at napatingin sa sala kung saan nag aaway na naman ang mga magulang ko.
"Bakit hindi ba totoo?! Puta ka! Nakita kita na kasama yong kabit mo! Hindi pa ba sapat na dahilan yon?!" Sigaw naman ng mama ko.
"Sawang sawa na ako dyan sa ugali mo! Mas mabuti pa siguro na maghiwalay na lang tayo!" Napalingon naman ako sa gawi ni papa at napakuyom ng palad.
"Sige! Wala akong paki sayo! Hwag mo lang kukunin si Abi sa akin!"
"Aba!Sige magsama kayong mga walang kwenta!" At padabog na umalis si papa sa harap ni mama.
Napabuntong hininga na lang ako ng marinig ko ang pagtangis nya.
Nakakaimbyerna. Kakauwi ko pa lang,hindi man lang ako naging handa sa sorpresa nila.tsk.
Sinuot ko na ang jacket na dala ko bago lumabas ng bahay.
Kailangan ko ng patayin si Candice.Alam kong sa mga oras ngayon ay alam na nya kung sino ako , wala na akong pakialam kung sisirain ko ang plano nila. Basta ang mahalaga sa akin ay mapatay ko na sya ngayon.
Kinuha ko ang phone ko sabay tawag kay Hevenlline.
"Babae,nasan ka?" Bungad ko.
[Shit! Not this time!I have to go!] Tila hiningal na sagot nya.Teka? Tumatakbo ba sya?
"Anong nanyayari?! Nasan ka ba ha?!" Pasigaw ko ng tanong.
[I'm on the---AACK!!]
"Heven!!" Pagtawag ko ngunit hindi sya sumagot.
Naramdaman ko ang pagbagsak ng phone nya.[Fuck you!!] Narinig kong mura nya sa kabilang linya.
[Yeah,I Already know it] Teka,sino yun?
[Walang hiya ka!Pinagkatiwalaan ka namin!]
[Tss.Tumahimik ka na lang,]
Naramdaman kong may kumuha ng phone kaya nagsalita uli ako.
"Hevenlline!Sino yong kausap mo?!"
[Hi,]
Bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko.
Ang boses na ito..
"I-ikaw si.. —"
[AACK!!]
"Heven!" Tanging nasigaw ko na lang. Muli ko na namang narinig ang kanyang mga nakakarinding paghalakhak.
Nakakainis.Hindi ko man lang na subaybayan ang mga balak nya! Hindi ko alam na tataraydurin nya rin pala kami! Napakawalang hita ng halimaw na to! Hindi dapat ako nagpadalos-dalos sa katahimikang pinaplano nya! Isa syang halimaw!
[Dalhin mo sa akin si Clarise kung gusto mo pang makitang buhay ang babaeng ito] kahit sa phone ay ramdam ko pa rin ang napakalamig nyang boses. Paano pa kaya kung kaharap ko sya ngayon? Paniguradong hindi ako makakagalaw o makahinga man lang. Pero hindi ko kailangang maduwag sa kanya! Tama,ako lang ang may karapatang na pumaslang sa kanila!
"Sige,pumapayag ako." Ngumiti ako ng napakalapad. At sa pagkakataong ito ay papatayin ko na kayong lahat.
°°°
Shorrry. Sabaw ako eh. Haha!thank you agin for the awesome book cover mommt! Love yah!***Ym
BINABASA MO ANG
Death Valley [COMPLETED] {Unedited}
Mystery / ThrillerIsang laro na muling binuhay ng klase, sa larong ito, hindi pwedeng takasan ang nakatakda sa iyo. Handa ka na bang... Maging isa na mapupunta sa 'Death Valley'? Thank you for the cool Book Cover @yoshiro_hoshi Written By: Ynie-mini