'Til Death Finally Found You'
~Someone
***Lorraine's P.O.V
"Shit! Bumalik ka dito!!"
Napalingon ako sa likod ko at nakita ko si Phire na tumatakbo papunta sa akin.
Ma's binilisan ko pa ang pagtakbo ko at lumiko.
Ni hindi ko na alam kung nasaang lupalop na ako napunta, ngunit sa tingin ko ay nasa kalagitnaan na ako ng kagabutan.
"Aaahh!"
Halos masubsob ang mukha ko dahil sa natisod ako.
Pinilit Kong makatayo at tinignan ang tuhod ko.Bwisit! Bakit ngayon pa ako magkakasugat?!
"Humanda ka sa akin Lorraine kapag nakita kita!"
Hindi ko na ininda ang sakit ng sugat ko at nagpatuloy sa pagtakbo.
"Magpakita ka na sa akin!" Rinig Kong sigaw niya di kalayuan.
Takbo lang ako ng takbo hanggang sa huminto ako .
Ilang hakbang na lang ay mahuhulog ay tiyak na sa mahuhulog ako sa bangin na nasa tapat ko.
Umatras ako at tatakbo Sana pabalik ng marinig ko ang mga nakakatakot na pagtawa ni Phire.
"Ano Lorraine? May balak ka pa bang takasan ako?"
Unti unti akong humarap sa kaniya habang nanginginig ang aking katawan.
"P-phire..." Pagbanggit ko sa kaniyang pangalan.
Tumawa naman ito habang nanlalaki ang kaniyang mga Mata."Nakakatawa kayo,ganyan pala ang magiging reaksyon niyo kapag nakilala nyo kami?" Sabi niya sa kalagitnaan ng kaniyang pagtawa.
Nagsimula ng muli ang pagpatak ng luha ko at tinignan siya.
"M-magkaibigan tayo Hindi ba? B-bakit nyo nagagawang patayin ang mga kaibigan natin?" Sambit ko.
Tumawa na naman siya "Kaibigan?" tumigil ito at tinignan ako ng pinanlilisakan ng Mata.
"Kaibigan ba ang tawag sa mga traydor?!"sigaw niya at humakbang palapit sa akin .
"Oo,maski ako tinuring ko kayong kaibigan! Pero ano tong ginawa nyo sa akin?! Bukod sa patayin nyo ang mga magulang namin , maituturing pa din ba kayong kaibigan?!" Galit niyang sigaw. Nagtataka ko naman siyang tinignan dahil sa mga sinabi niya.
"A-anong ibig mong sabihin?"tanong ko.
"Ngayon nagpapanggap kang hindi mo alam?!" Huminto siya at tinuro ako " Ikaw! Ang sabi mo tutulungan mo kami dahil sa gipit na gipit na ang kompanya ng mga magulang ko dahil sa tatay mo! Ang sabi mo kukumbinsihin mo ang tatay mo na itigil ang paghingi ng suhol sa papa ko! Hanggang sa..."
Nagulat ako ng umiyak siya na parang wala ng bukas.
"Pumunta ang tatay mo sa bahay namin ng isang gabi.Pinatay niya ang papa't mama ko mismo sa harapan namin! Sa tingin mo maituturing pa din kitang kaibigan sa mga oras na yon?!"
Nanlaki ang mga Mata ko sa kaniyang sinabi.
P-pinatay ni Dad ang mga magulang ni Phire.
Napatingin ako sa kaniya ng bigla itong ngumisi habang nakatingin sa akin at unti unting kumurba sa kaniyang labi ang nakakalokong ngiti. "Hindi ko na kailangan pang patayin sila." Muli itong humakbang palapit sa akin kaya napaatras ako.
BINABASA MO ANG
Death Valley [COMPLETED] {Unedited}
Mystery / ThrillerIsang laro na muling binuhay ng klase, sa larong ito, hindi pwedeng takasan ang nakatakda sa iyo. Handa ka na bang... Maging isa na mapupunta sa 'Death Valley'? Thank you for the cool Book Cover @yoshiro_hoshi Written By: Ynie-mini