***Candice P.O.V
PAGKAPASOK NA PAGKAPASOK ko sa campus.
Nakaramdam na naman ako ng kakaiba at mas tumindi pa ito ng makita ko Si Hellea kasama ang barkada nya.
Tumingin sya sakin kaya napaiwas ako ng tingin.
Dire diretso akong nagtungo sa corridor kung saan fun ang direction ng room namin.
"AAAHHHHHH!!!"
Biglang may nagsitakbuhan papunta sa room ng.....
4-D?? Anong meron?
Agad akong pumunta sa room ko at laking gulat ko ng bumungad sa amin ang nakabulantang bangkay... Isang babae... Sya yung sinasabunutan nung Hellea kahapon.... Si Bianca.
Normal ang pagkakaupo nya sa mismo nyang pwesto malapit sa bintana.
Pero....
Nakatali ang mga kamay nya sa likod at puro pasa ito sa ibat ibang parte ng kanyang katawan,punit punit ang kanyang uniporme at... Dugo.
Napatingin ako sa leeg nya.
Halatang ginitilan sya at sobrang lalim nito, kulang na lang ay tuluyan na itong mapugutan
"Grabe noh? Ang saklap ng pagkamatay nya."-rinig na rinig ko ang kanyang pag ngisi.
"Kung hindi lang nya siguro narinig ang tungkol don,hindi sana mangyayari to sa kanya."-bahid ang pagkadismaya ni Hellea habang sinasabi nya ang mga yon bago umalis.
Napalunok ako ng ilang beses habang nakatingin pa rin sa direksyong dinaanan niya.Hindi ko lubos maisip pero siya agad ang pumapasok sa utak ko na sya ang dahilan ng ito. Ang sama niyang tao.
"Masyado naman atang brutal ang gumawa nyan, hindi ba?"
Tiningala ko ang lalaking nagsalita di kalayuan sakin at nakakunot noo ko syang tinignan.
Bigla syang natawa.
"Ako nga pala Si Sunvein" ngumiti sya sakin "Mag-isa ka na naman?" Maya-maya'y tanong nya kaya napamaang ako. Tunawa siya ng bahagya at muling ngumiti sa akin. "Madalas kitang makitang mag isa. Ano nga bang pangalan mo?"-tanong nya at inilapit ang mukha sa akin.
Bigla akong napaatras ng ilang hakbang sa ginawa nya
"C-candice"-nauutal Kong sabi.
Bigla syang tumawa at kinurot ang pisngi ko.
"Ang cute ng pangalan mo, parang ikaw lang." sa pagkakasabi nya nun ay agad akong namula.
Biglang nagring ang phone nya kaya nagmamadali nya itong hinablot sa kanyang bulsa
kasabay nun ang pagkahulog din ng isang puting panyo.
Naagaw nito ang atensyon ko sa kulay pula na tila mukhang sariwa pa—Napatingin naman ako sa kanya ng agad nya itong kunin.
"S-sige Candice! Alis na ko bye!"
Pinagmasdan ko lang syang tumatakbo palayo.
***
Dire diretso akong pumasok at umupo sa upuan ko katabi ng bintana.
Ang ingay.
Parang walang nanyari.
Parang walang namatay sa klase.
Ganito sila.
Ito ang ugali ng bawat isa.
Mga walang pakialam sa mga bagay bagay.
Napatingin ako sa grupo nila Lorraine ng magtawanan ito.Tumayo siya at naglakad patungo sa harapan at hinampas ang teacher's table dahilan para mapatingin ang lahat sa gawi nya.Mas lumapit ang kaniyang mga ngiti sa kanyang labi at prenteng pinagkrus ang braso sa kanyang dibdib.
"Kamusta naman daw yung laro? Naging totoo hindi ba?Ano,gusto nyo pa bang ulitin natin? "-pagkasabi nya nun ay agad akong napakuyom ng palad.
Tumayo Si Xea Min at tumabi sa kanya.
"Gusto nyo pa ba ng isa?"-nakangising tanong nito.
Napatingin kaming lahat Kay Hellea ng tumayo sya at sumigaw.
"Tama na yang larong yan!! Nagkatotoo na yung nanyari bakit nyo pa uulitin?!!"-galit na sigaw nya
"Grave ka naman sis! Bakit naging kj ka kaagad? Di ba nga ikaw ang pasimuno nito?"-sabi ni Lorraine
Biglang nanlaki ang mga Mata Nya at tila bay Hindi makapaniwala sa narinig.
"A-ako?"
"Yes you're right sis. So don't act like you don't know anything ."
Nagsi upuan ang lahat nang dumating Si Ms.Sandy,ang English teacher namin
Sya lang ang madalas na magturo dito at may ganang magtiis sa ugali ng mga student s dito.
"Good morning Class."-nakangiting bungad nya ng makarating sya sa teachers table.
Iilan lang ang bumati, kasama na ako roon.
"I've heard that Bianca is....Dead"- yumuko sya at may kung anong Sinabi na Hindi namin narinig.
Muli nya laking hinarap at ngumiti."Malaki ang bahagi nya sa klase na ito kaya Sana..... Ipanalangin natin na tahimik na sya kung nasaan man ngayon." Ewan ko pero may kakaiba akong naramdaman sa pagkakasabi nya, na para bang ang saya pa nya?
Sandali laking nanalangin at nagdiscuss na Si Ms Sandy sa harap.
Matapos nyang magturo at umalis na sya sa klase.
Wala na namang next subject kaya ang ingay na naman.
Kinuha ko na lang ang bag ko at inayos ang mga laman nito para may mapaglibangan man lang.
Napatigil ako sa pag aayos ng may tumabi sakin.Si Sunvein.
"Bakit ba lagi nang mag isa? Wala ka bang mga kaibigan?" Bugad nitong tanong.
Bigla akong natawa sa isipan ko sa tanong nya."Wala naman kasing may balak na makipagkaibigan sakin. Nonsense kasi akong tao."-sabi ko at tumayo pero nagulat ako ng tumayo sya at akbayan ako.
"Edi ako na lang ang kaibigan mo?" Nakangiti nitong sambit kaya napatigil ako sa kung ano man ang ginagawa ko.
Natulala ako sa sinabi nya.
K-kaibigan?
***Murderer's P.O.V
"Mga wala talaga kayong silbi. Sino naman nagsabi nun sa kaklase natin?!"-galit na sigaw nya.
Umupo sya sa sofa at hinahagod ang kanyang noo.Galit na naman sya.
"Traydor ang gumawa nun."-sa pagkakasabi ng isa sa mga kasama ko ay tumingin sya sakin ng masama.
Ngumiti lang ako na mapang-asar.
Hindi ko naman sinasadyang masabi iyon Kay Candice.
Pero...Nasabi ko lang iyon para Hindi sya maging tanga.
Kahit makasarili sya at walang pakialam sa lahat.
Ma's okay kung malalaman nya ang sikreto ni Hellea.
Ang pumatay kay Bianca
***Ynie-Mini
dedicated kay ____
BINABASA MO ANG
Death Valley [COMPLETED] {Unedited}
Mystery / ThrillerIsang laro na muling binuhay ng klase, sa larong ito, hindi pwedeng takasan ang nakatakda sa iyo. Handa ka na bang... Maging isa na mapupunta sa 'Death Valley'? Thank you for the cool Book Cover @yoshiro_hoshi Written By: Ynie-mini