Chapter 8: He Remember

290 25 3
                                    

'People fear death even more than pain.Its strange that they fear death.Life hurts a lot more than death. At the point of death, the pain is over '

~Jim Morrison

***XeaMin's P.O.V

Humithit muna ako ng sigarilyo na hawak ko bago itapon kung saan.

Umayos ako ng pagkakatayo ng makita ko si Lorraine na papalapit na sa pwesto ko.

"Xea,bakit ata ang aga mo ngayon?" Nagtataka niyang tanong ng makapasok kami pareho sa kotse ko.

Lumapit ako sa kaniya at sinuot ang seatbelt pagkatapos nun ay tinignan ko siya at ngumiti.
Bumalik na ako sa pwesto ko at inayos rin ang seatbelt ko saka ko sinagot ang tanong niya.

"Its already 8'o clock, we're late." Sabi ko at pinaandar ang kotse.

"Ahh." Tugon naman niya at nanahimik sandali.

Binuksan ko naman ang mp3 para malibang man lang ng bigla siyang magsalita.

"Sa tingin mo.... Ako ba talaga ang may kasalanan ng lahat, Xea ?"

Tumingin ako sa kaniya sandali at muling binaling ang tingin sa daan.

"Huwag mo silang problemahin,basta ang mahalaga ay buhay ka pa at may pag asa pa tayong pigilan sila." Sabi ko naman.

Nakarinig ako ng ilang hikbi mula sa kaniya.

Napahawak ako ng mahigpit sa manebela.
Hindi to manyayari kung hindi namatay si Bianca.

Siya ang may kasalanan ng lahat ngayon.

Naghihiganti na sila.

***Sunvein's P.O.V

Sabay kaming napatingin sa labas ng pintuan ng biglang may kumalabog banda sa labas ng room.

Kinuha ko muli ang kutsilyo na naihagis ko kanina lang at naglakad papunta sa pintuan.

"Sunvein."

"Sshh. Jan ka lang." Sabi ko Kay Candice kaya nanatili naman siya sa kaniyang inuupuan.

Nagsimula na muli akong maglakad patungo sa labas hanggang sa makarating ako sa tapat ng pintuan.

Dahan dahan Kong pinihit ang door knob habang ang hawak ko namang kutsilyo ay nakatutok na sakaling biglang may umatake.

Nang tuluyan ko na itong mabuksan ay unti unti akong sumilip sa labas.

Wala namang tao sa corridor kaya lumabas ako ng tuluyan.

Napatingin ako sa Paso na nasa sahig malapit sa terrace.
May naghulog nito.

Maglalakad na Sana ako pabalik ng biglang may sumigaw.

"Kyàaaaaaaaaaaah!!!"

Boses ni Candice yon mula sa loob!
Patakbo na ako pabalik sa room ng may kung Anong matigas na tumama sa aking ulo hanggang sa makaramdam ako ng hilo at unti unti na akong nawalan ng Malay.

----*
Dahan dahan Kong iminulat ang aking Mata at natagpuan ko ang sarili ko na nakatali ang mga kamay ko sa isang silya habang ang mga paa ko naman ay ganun din.

Nilibot ko ang tingin ko at nakita si Candice na walang Malay na nakahiga sa sahig.
Hindi siya nakatali at malayang Malaya ang kaniyang katawan.
Bigla akong nakahinga ng maluwag na mapagtanto Kong wala siyang kahit na Anong natamong sugat.

Death Valley [COMPLETED]  {Unedited}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon