Chapter 18: Folder

173 18 11
                                    

"Maybe you could say that I'm the caller...but definitely,

I'm not."

~Someone

***Candice P.O.V

Uwian na at gaya ng usapan nila ay ililibing nila ang bangkay ni Phire.

Naglalakad na ako palabas ng campus nang may matamaan akong isang babae na nakatayo sa lumang building.

At ano namang ginagawa ni Kayse don?

Hindi na ako nagdalawang isip pa at nilapitan sya saka hinawakan sa braso na ikinagulat nya.

"Ginulat mo naman ako,Candice!" Sabi nya at hinampas ako ng pabiro.

"Ah,pasensya na. Ano ba kasing ginagawa mo dito?" Tanong ko.

Napatingala muli sya sa gusali atsaka umiling at tinignan ako "Uuwi ka na ba? Sabay na tayo!"

"Ahh... May pupuntahan pa kasi ako eh." Sabi ko.

"Ganun ba? Ano ba yan,wala pa man din akong kasama" malungkot nyang sabi ngunit bigla itong ngumiti "Oh sige! Una na ko! Bye!"

Nakatingin lamang ako sa kanya at bahagyang itinaas ang aking kanang kamay at kumaway.

Kayse Villanueva....

Kailangan kong malaman kung ano nga ba ang itinatago mo.

Patalikod na ako ngunit nagulat ako dahil sa pagsulpot ni Sunvein.

"Sunvein,"

"Kilala mo na agad sya?" Tanong nya, ang tinutukoy nya ay si Kayse.

"Sa pangalan pero hindi sa pagkatao." Sagot ko at nagsimulang maglakad.

"Hwag ka ng lalapit pa na kahit kanino,mahirap ng magtiwala ngayon sa mga kaklase natin lalo na't nagpapatayan na din ang mga killer."

Sa puntong iyon ay napahinto ako at nilingon sya.

"Kahit ba sayo?" Nagdadalawang isip kong tanong. Gusto ko sanang bawiin ang sinabi ko pero huli na,

Ngumiti sya sa akin "Kahit na sa akin," pagkatapos non ay nilagpasan na nya ako kaya sinundan ko sya ng tingin.

Kumaway sya sa akin habang nakatalikod hanggang sa mawala na sya sa paningin ko dahil marami na ang lumalabas na estudyante.

Wag akong magtitiwala sa kahit sino .

Mukhang ito ang kailangan kong patandaan sa aking sarili.

-----

"Nandito na po ako," sabi ko pagkapasok ko pa lang sa bahay habang tinatanggal ang aking sapatos at nilagay sa gilid.

Sinalubong naman ako ng katulong namin at yumuko sa akin.

"Wala ho dito ang mga magulang nyo,Mam Candice." Sabi nya

"Ha? Saan naman sila nagpunta?" Tanong ko.

Napatingin sya sa akin sandali at muling yumuko "Ngayon ho kasi ang Death Anniversary ng namayapa nyong kapatid."

Napaisip naman ako.

Oo nga pala, January 13 ngayon.

Napangisi naman ako at nagtungo sa sala.

Kinuha ko ang isang picture frame ni Ate Clarise na nakalagay sa isang maliit na table na may iba pa nyang pictures.

"Sabihin mo nga ate,buhay ka pa ba?" Inis kong tanong at pinanggigilan ang frame.

Death Valley [COMPLETED]  {Unedited}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon