***Lorraine's P.O.V
''Hoy Xea! samahan mo nga ako sa principal office!" sigaw ko at lumapit sa kanya
''Anong gagawin mo dun? " salubong nyang tanong
''Hindi pwedeng wala silang gawin sa namatay nating kaklase!Ano yun? nanggago sila at hahayaan tayo ang susunod na mamatay dito sa mismo nating klase? hindi ako makapapayag!""Di ba ikaw na rin ang nagsabi sa laro? na mamatay ang mapiling taya?" sabat ng isa sa mga kaklase ko, sisigawan ko na sana sya kaso may nagsalita uli.
''Oo nga, ikaw ang may kasalanan Lorraine!" sigaw pa ng isa sa akin''Oh baka ikaw na rin ang pumatay sa kanya ha?!"
''Tumigil kayo!!!" suway ko pero hindi sila nagpadaig
''Dapat ikaw ang mamatay dahil ikaw ang pasimuno !!" sigaw ni Phire na mas lalong kinainis ko
''Pwede ba !! Wala akong kinalaman sa pagpatay sa kanya! Oo! ako nga ang pasimuno pero hindi ko kayang pumatay! wag nyo akong ituturing sa mga taong kagaya nila!!" sigaw ko kasabay nun ang pagtulo ng luha ko
Hinawakan naman ni Xea ang kamay ko at niyakap sa kanya
''Mga p*tang *na nyo pala eh!! kung makapanghusga kayo parang hindi nyo nagustuhan!!" narinig kong sigaw nya
Umiyak ako sa kanyang dibdib.
''Wala akong ginawa..... hindi ko rin ginusto ang manyayari.'' ungol ko
''Sssshh. wag mo silang pansinin, wala kang kasalanan.''
Nakita kong lumabas si Phire at padabog na sinara ang pinto.Hindi.... hindi ako ganun kasamang tao para gawin ang bagay na yon.Oo, ako at si Hellea ang pasimuno ng pambubully kay Bianca pero tang*na hindi ako ganun kasama! hindi ko kayang pumatay ng tao!
*BLAM* Napatingin kaming lahat sa pinto.
''G-guys!! s-sa second floor.... sa C.R ng b-babae! may nakitang bangkay ng isa sa mga kaklase natin!!" hingal na sabi nito.
Nagmadali kaming pumunta sa Cr sa second floor.
Pagkarating namin ay may mga naki isyoso na taga second floor.
Nagsigilid naman sila ng makita kami. Nasa pinto pa lang ako ay may kakaiba akong naamoy kaya mabilis kong tinakpan ang ilong ko gamit ang panyo ko.
Pagkapasok ko pa lang ay nakita ko agad ang dugo na walang tigil sa pag agos mula sa cubicle.Natatakot man ay nilakasan ko pa rin ang loob ko at pumunta sa cubicle.
Nanlaki ang mga mata ko ng bumulagta sa akin ang malamig na bangkay ni Hellea.
Halos masuka ako sa hitsura nya at posisyon.
Nakabukas ang kanyang butones ng kanyang uniform at nakalaylay sa sahig ang kanyang lamang loob,nakatirik ang kanyang mata at may nakabaon na kutsilyo sa kanyang noo.
Hindi ko na napigilang masuka at maiyak.Bakit?....bakit to nanyayari sa klase namin?
***Phire's P.O.V
Ang kapal talaga ng babaeng yun para sugudin ako sa classroom ni Phantom! Hah! kung akala nya magpapatalo ako sa kanya , pwes! hinding hindi ako titigil.
Pero ang totoo ay hindi naman talaga sya ang pumatay eh.Pinalabas ko na sya dahil matagal na akong naiirita sa ugali nya,pasalamat sya ay nasa panig sya nila Lorraine dahil kung hindi ay kanina ko pa sya ihinulog mula sa 4th floor.''Oh? Bakit magkasalubong ata yang kilay mo? May nakaaway ka na naman ba?" sulpot niya sa harap ko.Ngumiti ako sa kanya at umupo sa bench
''Buti ka pa lagi ka nandyan kapag nabubwisit ako.'' gigil konh sabi.Tumapat sya sa akin at tinaasan ako ng kilay.Hindi naman sya mataray at suplada, hobby nya lang yan.
''Oh? bakit naman naging madrama ata ang tema mo?'' natatawa nitong sabi.
''Kung tumiwalag na kaya tayo sa grupo nila? Ayoko ng gawin toh,ayoko pumatay ng isang inosenteng tao.'' sabi ko at napayuko.Nag iba ang kanyang itsura at napalitan ito ng nakakatakot na aura. ''Alam mong hindi natin pwedeng gawin.Papatayin nila tayo.'' napabuntong hininga ako
''Tama ka, dapat ipagpatuloy natin ang laro,dapat sumang ayon sa atin ang agos, at kapag nagawa na nating patayin silang lahat,sila naman ang isusunod natin''
lumapit sya sakin at umupo sa tabi ko'' Kailangan muna natin silang gamitin bago tayo tuluyang makapaghiganti''Ngumiti ako at dahan dahang tumawa na akala mo ay nababaliw.
Ganito ako kasama,at wala ng atrasan sa laro na pinalaro nila sa amin.
Hindi na ako makapaghintay na patayin silang lahat.Nasasabik na ako sa mga araw na lilipas....
----------------------------------------------------------------------------------------------------
Okay,kilala nyo na kung sino ang isa sa mga murderers.
Bakit maaga ko silang pinakilala?
dahil may plano ako!
And yep! Si Phire ang 'She Laugh'
Ifaflashback ko na lang next chapter kung paano nila napatay si Hellea.Alangan naman kasi na nagmagic si Hellea tapos boom! Patay agad? tsk!
So wag po kayong mandidiri ah? kung wala po kayong balak basahin ang part na yon, iforward nyo na.Bala kayo kung ano trip nyo haha'***Ynie-mini
BINABASA MO ANG
Death Valley [COMPLETED] {Unedited}
Mystery / ThrillerIsang laro na muling binuhay ng klase, sa larong ito, hindi pwedeng takasan ang nakatakda sa iyo. Handa ka na bang... Maging isa na mapupunta sa 'Death Valley'? Thank you for the cool Book Cover @yoshiro_hoshi Written By: Ynie-mini