Chapter 14: The Transfer...?

217 25 6
                                    

'I've told my children that when I die, to release balloons in the sky to celebrate that I graduate.For Me,
Death is graduation'

~Elizabeth Kubler-Rose

***Candice P.O.V

Patago akong sumulyap Kay Landynn ngunit nagulat ako nang mahuli ko siyang nakatitig sa akin.Ngumiti siya gayon din ako.
Naglalakad kami ng sabay sa hallway dahil break time naman.

"Nagugutom ka na ba?" Nakangiti niyang tanong.
Tumango naman ako.
Pumunta kami sa cafeteria at nag bili ng makakain.

"Anong sayo?"
"Burger lang saka choco juice." Sagot ko.
Nang makuha na namin ang order ay naupo kami sa vacant table.

"Ano na nga pala balita Kayla Tito at tita?" Tanong niya muli at sumubo.

Uminom naman ako at tumingin sa kaniya "Ayos naman sila. Tinatanong pa nga ni Papa kung bakit di ka na nadalaw sa bahay." Sagot ko.

"Ay ganon ba? Paki sabi gwapo pa din ako."

Natatawa ko naman siyang hinampas pabiro sa braso niya. "Ikaw talaga." Bigkas ko.

Napatingin ako sa likod niya at nakita ko ang isang babaeng estudyante na nakatingin sa gawi namin.
Nang namalayan niya atang nakatingin na rin ako sa kaniya ay umiwas siya at tumayo saka umalis.

"Bakit Candice?" Tanong ni Landynn at lumingon niya.

"W-wala. Una na ako." Sabi ko at tumayo ngunit hinawakan niya ang kamay ko kaya napahinto ako.

"Sama na ako." Sabi niya at akmang tatayo pero umiling ako.

"Kumain ka na lang dyan.Sayang oh." Sabi ko at tinuro ang kinakain niya.
Napatingin naman siya saglit don at napailing. "Okay, see you."

Ngiti lang ang aking naging tugon at naglakad paalis.
Sinundan ko ang pinuntahan na direksyon ng babae at Hindi naman ay nakita ko agad siya.

Nakatayo lang siya at nakasandal sa gilid ng registrar habang nakatingin sa akin na may ngisi sa kaniyang labi.

Dadaanan ko na lang Sana siya nang magsalita siya ng nasa tapat na ako.

"Sabi na, susundan mo din ako." Napahinto ako at napatingin sa kaniya.
Umayos naman siya ng tayo at humakbang palapit sa akin.

"Ikaw si Candice di'ba?" Bigla akong kinabahan.

P-paano niya nalaman ang pangalan ko?

May kung ano siyang tinuro sa akin at napagtanto Kong I.d ko pala iyon.

Napatingin ako sa kaniya at naiilang na ngumiti.

"Ah Oo, class 4-D." Pagkasabi ko non ay bahagya siyang nagulat na ipinagtaka ko "Bakit? May nasabi ba akong Mali?"

Napatingin siya sa akin at ngumiti "Wala. By the way, I'm Kayse Villanueva, transfer lang ako ngayon lang and I remember na sa Class 4-D din ako." Sabi niya at at nilahad ang kamay.

Tinanggap ko naman ito at nagtanong "Bakit Hindi ka pa pumasok kanina?"

"Hindi ko kasi alam kung saan eh. Nakarating na nga lang ako don sa building na iyon." Sabi niya at tinuro ang lumang building "Ang weird nga eh, akala ko ako lang ang estudyante don. Pero nakita ko rin yun kanina don sa labas ng faculty." Sabi niya muli at tinuro ang nasa likod ko.

Death Valley [COMPLETED]  {Unedited}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon