Kabanata 19

21 5 0
                                    

ISANG LINGGO ANG NAKALIPAS

Tanging mga yapak ni Lucio ang nagbibigay ng ingay sa loob ng bulwagan. Lahat ng mga tao roon ay napahinto sa kani kanilang mga gawain ng makita siya. Hindi nila inaasahang magpapakita doon ang binata. Hawak hawak ni Lucio sa kaniyang kanang kamay ang mga papeles na kakailanganin niya mamaya. Handa na ang lahat sapagkat siniguro niyang hindi siya papalpak.

Ramdam niya ang mga tingin nila. Nangingilatis, nagtataka. Sa pagkakataong iyon hindi niya kasama si Don Danilo. Hindi niya alam kung nasaan ito at wala rin siyang balak na alamin.

Nang marating na niya ang tanggapan ng hukuman inilapag niya ng maayos sa mesa nito ang kaniyang mga papeles.

"Kailangan kong makausap ang Gobernadorcillo." Wika ng binata.

Tinitigan ng tagapangasiwa ang papeles sa kaniyang harapan. "Maaari ko bang malaman kung ano ang iyong sadya?" Tanong nito.

"Importanteng bagay." Tipid na tugon ni Lucio. Halatang wala itong balak na makipagusap ng matagal sa tagapangasiwa.

"Sa pagkakaalam ko Ginoo, lahat ng importanteng bagay ay dumadaan muna sa amin bago ito nakakarating sa Gobernadorcillo." Saad ng tagapangasiwa.

Napairap si Lucio at kinuha ang kaniyang mga papeles saka naglakad patungo sa opisina ng Gobernadorcillo. Natataranta namang tumayo ang tagapangasiwa at humingi ng tulong sa mga guwardiya sibil.

Binalaan nila ito na huminto ngunit hindi nagpatinag ang binata. Napakalapit na nito sa opisina ni Amil kung saan mayroong dalawang guwardiya sibil na nakabantay. Bago paman siya makalapit ay naramdaman niya ang mahigpit na pagkakahawak ng mga guwardiya sibil sa kaniyang mga braso. Pilit siyang inilalayo ng mga ito sa opisina.

Habang pilit na kumakawala sa mga ito napansin niya ang mga pinto na bahagyang nakabukas upang makiusisa sa pangyayari. Tanging ang pinto ng opisina ni Amil ang nanatiling nakasara. Mahigpit parin ang pagkakahawak niya sa mga papeles kahit na nahihirapan na siyang lumaban sa mga guwardiya sibil.

Maya maya pa nakita niya ang unti unting pagbukas ng pinto sa opisina ng Gobernadorcillo. Lumabas mula doon si Amil na nagitla sa kaniyang natunghayan. Napahinto ito saglit habang nakatitig sa kaguluhang nagaganap sa kaniyang harapan. Gumalaw lamang ito ng maramdaman niyang nakasilip sa kaniyang likuran si Don Tiburcio.

"Anong nangyayari dito?" Tanong ng don sa mga guwardiya sibil at sa tagapangasiwa na hindi alam kung saan uumpisahan ang kaniyang paliwanag.

Pilit na pinapaluhod ng mga guwardiya sibil si Lucio ngunit hindi parin ito nagpapatalo. Nakatitig ito ng masama kay Amil.

Babalik na sana ang dalawa sa Hacienda Villahermosa upang katagpuin doon si Heneral Cyrus ngunit mukhang matatagalan sila. Pinabalik ni Don Tiburcio si Amil sa loob ng opisina at isinara ang pinto. Siya ang humarap kay Lucio upang malaman kung ano ang kailangan nito.

Sinenyasan niya ang mga guwardiya sibil na bitawan ang binata. Papadyak namang tumayo si Lucio at inayos ang kaniyang gusot na kasuotan. Inilahad niya ang mga papeles na kanina pa niya hawak hawak.

"Mayroon kaming dapat pagusapan." Wika nito habang hinahabol ang sariling hininga.

Kukunin sana ni Don Tiburcio ang papeles ngunit binawi ito ni Lucio. "Ako lang ang dapat na magpaliwanag nito kay Ginoong Amil." Giit niya.

Napahinga ng malalim ang Don.

"Paumanhin Ginoong Lucio ngunit kailangan ko munang suriin ang mga papeles na iyan upang siguraduhing karapat dapat itong bigyang pansin ng Gobernadorcillo." Sa kaloob looban ng Don alam niyang mahalaga ang nilalaman ng mga papeles na iyon sapagkat hindi magaaksaya ng oras si Lucio na magtungo sa hukuman upang personal na makausap si Amil para lamang sa wala.

The Red Moonflower  (Estrella Muerta Trilogy #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon