Nagising si Rafaelita na pawisan sa loob ng isang bahay kubo. Napabalikwas sa sindak ang dalaga nang hindi niya makita ang kaibigang si Mikhail. Pinainom ng isang matandang baba ng maligamgam na tubig ang dalaga upang mahimasmasan ito ngunit tinanggihan ito ni Rafaelita. Agad siyang tumayo at hinanap si Mikhail.
Sa kabilang silid nakaratay ang walang malay na binata. Mayroon itong benda sa kaniyang kaliwang braso kung saan siya tinamaan ng bala at kasalukuyan namang tinatahi ng isang matandang lalaki ang sugat niya sa tagiliran.
Maputlang maputla ang binata sapagkat napakaraming dugo ang nawala sa kaniya. Napakalaki rin ng mga butil ng pawis sa kaniyang noo. Hinawakan ni Rafaelita ang kamay ng binata at bahagya itong pinisil. Mainit si Mikhail at nanginginig ang kaniyang buong katawan.
Pinaupo ng matandang babae si Rafaelita sa isang maliit na silya. Doon tahimik na pinanuod ng dalaga ang kalagayan ng kaniyang kaibigan. Bigla na lamang siyang napaluha ng maalala ang huling imahe ng kaniyang kapatid na si Juan Nikolas. Nanikip ang dibdib ng dalaga habang tahimik na humihikbi.
"Huwag kang mag alala, hija. Magiging maayos din ang kalagayan ng iyong kaibigan." Wika ng matandang babae.
"Ang aking kapatid." Wika naman ng dalaga.
"Wala na ang aking kapatid." Dagdag niya.
Niyakap ng matandang babae si Rafaelita habang humihikbi.
"Kilala mo ba ang maygawa nito sa inyo?" Tanong ng matandang babae.
Napailing na lamang ang dalaga habang nakayakap sa baywang ng matanda.
Nang matapos na ng matandang lalaki ang pagtatahi sa sugat ni Mikhail dinamitan niya ito at tinakluban ng kumot ang buong katawan upang hindi ito lamigin.
"Siguradong hinahanap parin kayo ng mga salarin." Wika ng matandang lalaki.
"Hindi kayo ligtas dito." Dagdag pa niya.
Walang ibang mapupuntahan si Rafaelita. Wala naman siyang ibang kakilala sa Las Nieves maliban kay Mikhail, Flabio at Sergio. Hindi rin siya maaaring bumalik sa Dormitorio sapagkat siguradong doon sila unang hahanapin ng mga salarin.
"Maaari namin kayong isama sa bukid. Ligtas kayo doon." Wika ng matandang lalaki.
"Hindi ba't delikado pa ang kalagayan ng binata? Hintayin nalang muna natin na maghilom ang kaniyang mga sugat." Giit naman ng matandang babae.
"Matatagalan pa iyon, hahayaan pa ba nating matunton sila dito ng mga salarin, Martina?" Wika ng matandang lalaki.
"Pwes, hayaan mo na munang makapagpahinga ang Binibini kahit saglit. Pupwede nating isakay sa karo ang binata bukas at dalhin sa bukid. Hindi kakayanin ng Binibini ang ganoon kalayong paglalakbay kung hindi siya makakapagpahinga, Miguel." Wika ni Martina sa kaniyang asawa.
Pumayag naman si Miguel. "Bukas ng madaling araw maglalakbay tayo patungo sa aming bukid. Sa ngayon magpahinga ka na muna, Binibini. Magbabantay muna ako sa labas kung mayroong kahina hinalang tao na umaaligid sa atin." Wika niya at saka nagtungo sa labas ng bahay kubo.
Iniwan muna ni Martina si Rafaelita sa silid kung nasaan nakaratay si Mikhail. Hindi mapilit ng dalaga ang kaniyang sarili na maidlip kahit saglit sapagkat sa tuwing ipipikit niya ang kaniyang mga mata ay naaalala niya ang kinahinatnan ng kaniyang Kuya Juan Nikolas. Tahimik lamang na nagtangis sa gilid ang dalaga habang yakap yakap ang kaniyang sarili.
Maya maya pa pumasok ulit sa silid si Martina at dinalhan siya ng mainit na gatas at malambot na tinapay. Hindi na tumanggi ang dalaga sapagkat kumakalam narin ang kaniyang sikmura.
BINABASA MO ANG
The Red Moonflower (Estrella Muerta Trilogy #3)
Fiksi SejarahIn a town shadowed by age-old secrets, the Villahermosa family's long-standing rivalry has plunged the community into darkness. As vengeance and pride ignite a chain of events, ancient grudges and hidden sins come to light, pushing the town to the b...