Truths and Promises
Nagkalat ang mga papel sa mesa ni Heneral Cyrus. Ang ilan doon ay mga liham na matagal nang nabuksan ngunit hindi parin naililigpit. Sa gitna ng dilim sa loob ng kaniyang silid, pursigidong nagsusulat ang Heneral sa kaniyang kwarderno. Lahat ng mga bagay na nalaman at natuklasan niya nitong mga nakaraang araw ay maigi at detalyado niyang isinulat doon.
Matagal nang nag umpisang magtala ang Heneral. Paminsan minsan ay nagbabago ang isip nito at gusto na lamang ihagis sa pugon ang kaniyang kuwaderno sa takot na baka manakaw ito sa kaniya. Walang ibang dapat makabasa nito kundi si Amil. Ang lahat ng nakasulat doon ay para sa binata.
Naisip ng Heneral na nasa panganib ang kaniyang sariling buhay kung kaya't mainam lamang na itala niya ang lahat ng kaniyang mga nalalaman bago pa mahuli ang lahat.
Sa kaniyang isip isipan, karapatan ng binata na malaman ang mga ito. Kahit na mahigpit na binilin ni Joaquin na walang ibang dapat makaalam ng kaniyang lihim.
'Patawarin mo ako Joaquin, ngunit karapat dapat lamang na malaman ni Amil ang lahat.' Wika ng Heneral sa kaniyang isip isipan.
Nang matapos siya sa pagsusulat, pinirmahan niya ang huling pahina ng kuwaderno at itinago ito sa ilalim ng kaniyang kama.
Maya maya pa't nakarinig ng katok mula sa pinto ang Heneral. Agad niya itong pinagbuksan at bumungad sa kaniyang harapan si Koronel Tuason.
"Balita." Saad ng Heneral.
"Nakarating na po ang inyong liham sa Barrio Hermano." Tugon ng Koronel.
"Sigurado kang walang ibang nakabasa nito?" Tanong ng Heneral.
"Si Don Danilo Del Rosario mismo ang unang nakatanggap ng liham. Siniguro ko po ng mabuti."
"Kung gayon ay aasahan ko ang kanilang pagdating dito sa Kapital."
"Paumanhin Heneral ngunit gusto ko sanang magtanong kung tungkol saan ang liham?" Tanong ni Tuason.
"Sa lalaking may pilat. Ang lalaking nagtangkang pumatay kay Ginoong Mikhail Del Rosario."
Ang lalaking may pilat ay kasalukuyang nasa poder ni Heneral Cyrus. Malaking tulong ang pagkakadakip nito sapagkat ang mga impormasyong kaniyang nalalaman ay makakatulong sa paglinis ng pangalan ni Amil at siya namang makapagdidiin sa tunay na may sala.
"Siguraduhin ninyong nasa maayos na kalagayan ang lalaking may pilat. Kailangan natin ito ng buhay." Utos ng Heneral.
"Masusunod po, Heneral."
Bago pa man tuluyang lumabas si Tuason sa silid ng Heneral, napahinto muna ito para sa kaniyang huling katanungan.
"Mayroon ka pang kailangan?" Tanong ng Heneral.
"May gusto po sana akong itanong tungkol sa Gobernadorcillo."
Pansin niya sa mukha ni Heneral Cyrus na nagdadalawang isip ito.
"Hindi ko po hangarin ang manghimasok sa buhay ng Gobernadorcillo ngunit mayroon pong bulong bulungan sa mga kalsada."
"Kung tungkol ito sa kaniyang pagbitaw, ikinalulungkot kong sabihin na totoo ang usaping iyon." Saad ni Heneral Cyrus.
Bahagyang napayuko si Koronel Tuason. Ramdam ng Heneral ang kaniyang pagkadismaya.
"Ako'y nalulungkot sa biglaang pagbitaw ni Señor Amil, ngunit ang aking ikinababahala ay ang tungkol sa papalit sa kaniya." Wika ni Tuason.
"Nakapagdesisyon na ang Tribunal ng hindi man lang ipinapaalam sa akin?" Kunot noong tanong ni Heneral Cyrus.
"Iyon nga rin po ang aking ikinababahala. Tila ba masyadong napakabilis ng mga pangyayari. Parang nagmamadali silang palitan si Señor Amil."
BINABASA MO ANG
The Red Moonflower (Estrella Muerta Trilogy #3)
Tarihi KurguIn a town shadowed by age-old secrets, the Villahermosa family's long-standing rivalry has plunged the community into darkness. As vengeance and pride ignite a chain of events, ancient grudges and hidden sins come to light, pushing the town to the b...