DON TIBURCIO
Nasa entrada ng Hacienda Villahermosa si Don Tiburcio Amarillo kasama ang kaniyang anak na si Francesco. Bihis na bihis ang binata at napakaayos ng buhok. Nagtataka namang tinitigan ng Don ang kaniyang unico hijo. Sa totoo lang hindi sila malapit sa isa't isa sapagkat lagi itong abala sa kaniyang tungkulin bilang tagapayo ni Don Joaquin noon. Ngayon namang wala na si Don Joaquin kailangan naman niyang gabayan ang nakababatang kapatid nito na si Amil. Simula pagkabata ay ang kaniyang asawa ang laging kasa kasama ni Franceso. Marahil iyon ang dahilan kung bakit halos magkaparehong magkapareho sila ng pag uugali.
"Si Binibining Juli na naman ba ang pakay mo?" Tanong ni Don Tiburcio sa kaniyang anak.
"Nagbabakasakali lamang na papayag siyang mamasyal kasama ako." Wika ng binata.
Sa loob ng ilang segundo hindi umimik ang mag ama. Tila ba hindi sila sanay sa presensya ng isa't isa. Panay ang lingon ni Francesco sa tuwing makakarinig siya ng yapak mula sa salas ngunit labis naman siyang nadidismaya sa tuwing malalamang mga kasambahay lamang ito.
"Alam na ba ng iyong ina?"
Biglang nakaramdam ng kaba si Francesco. Hindi niya magawang titigan sa mga mata ang kaniyang ama.
"Hindi pa."
Sa pagkakataong iyon naisipan ni Don Tiburcio na kausapin ng masinsinan ang kaniyang nag iisang anak.
"Makinig sa akin, Francesco. Malapit sa puso ng Gobernadorcillo ang babaeng pinupunterya mo. Sa oras na magkamali ka, hindi ko alam kung papaano kita matutulungan." Wika niya.
"Hindi ko magagawang saktan ang binibini."
"Hindi ikaw ang tinutukoy ko. Sa tingin mo ba magugustuhan siya ng iyong ina? Umaasa ang iyong ina na magpapari ka. Sa oras na malaman niyang si Juli ang dahilan kung bakit ayaw mo ng ituloy ang pagpapari-" Napapikit na lamang sa inis si Don Tiburcio.
"Maghanap ka na lamang ng ibang babae." Dagdag pa nito.
"Hindi." Tugon naman ni Francesco.
"Si Juli ang gusto kong pakasalan." Nanggagalaiti nitong wika.
Maya maya pa ay nakarinig ulit ng mga yapak si Francesco. Pababa pa lamang ng hagdan ay namukhaan na niya si Juli. Ang kaniyang galit ay napalitan ng saya. Napangiti siya sa dalaga gaya ng madalas niyang ginagawa ngunit sinalubong siya nito ng walang emosyong pagmumukha.
"Magandang araw, Juli." Bati ni Francesco.
"Magandang araw rin sa iyo, Francesco."
"Magandang araw rin po sa inyo, Don Tiburcio." Wika ni Juli ng may paggalang.
Hindi naman tumugon ang Don. Saglit lamang itong napangiti at saka muling nanumbalik ang seryoso nitong pagmumukha.
"Nais ko sanang mamasyal ngayon sa Plaza. Ikaw ang unang pumasok sa aking isipan. Nabanggit sa akin ng isang tagapagsilbi na wala ka raw ginagawa ngayon, maaari mo ba akong samahan?" Tanong ni Francesco habang nakangiti.
Kung nangyari ito noon siguradong nagwawala na ang puso ni Juli sa mga oras na iyon. Ngunit nagbago na ang lahat, naalala ni Juli ang tungkol kay Andres. Kung papaano ito minaltrato ni Francesco sa loob ng simbahan. Kahit na ano pa man ang maging dahilan ni Francesco, hindi parin ito sapat upang saktan niya ang isang walang kalaban-labang bata. Dahil doon bigla na lamang nawala ang pagtingin sa kaniya ni Juli. Doon napagtanto ng dalaga na hindi niya lubusang kilala si Francesco.
"P-pasensya ka na, Francesco ngunit-"
"Saglit lang naman tayo. Pangako, ihahatid kita rito bago lumubog ang araw." Wika ni Francesco.
BINABASA MO ANG
The Red Moonflower (Estrella Muerta Trilogy #3)
Ficción históricaIn a town shadowed by age-old secrets, the Villahermosa family's long-standing rivalry has plunged the community into darkness. As vengeance and pride ignite a chain of events, ancient grudges and hidden sins come to light, pushing the town to the b...