Chapter [43]

520 6 1
                                    

===JASON'S P.O.V===

As usual marami tao ngayon sa bar, hindi ko na matandaan kung kelan ang huling punta ko dito. Magmula kasi nung nagka-interest ako sa kanya, hindi na ko nagpupunta dito. I agree, na siya ang dahilan kung bakit naging maayos ulit ang buhay ko. Ini-scan ko ang paligid ko, grabe talaga minsan ang mga tao, kung makasayaw sila, akala mo asa private place sila, kulang na lang magsex sila in public. Wait! Gawain ko nga rin pala yan, pero kagaya nga nang sabi ko, matagal na yun.

"Hey Jay, here's your whiskey Bro" binigay sa kin ni Andy ang alak at inabot ko naman, sabay inom ko dito.

"Any sign of them??" tanong ni Andy na tinitignan rin ang paligid.

"With this kind of crowd?? Bro, hindi natin sila makikita"

"Well, we can go to their VIP Room ----" oo nga naman pwede kaming pumunta kaso sa sobrang inis ko kay Marie, ayoko muna siyang makita. Ni hindi ko nga siya tinawagan, or tinext man lang ngayong araw na to eh. Yeah, i'm that pissed!

"Nah!" simpleng sagot ko lang sa kanya.

"Bro, ba't ka pa pumunta dito kung ayaw mo rin pala siyang makita or makausap??" 

"I just want to make sure na she's okay.." oo nga, naiinis pa rin ako sa kanya, dahil hindi ko talaga ma-gets kung bakit siya pumayag na pumunta dito. "I'm pissed but i still care Bro.." dagdag na sabi ko kay Andy.

"I know Bro...but you know what's funny?"

Napatingin ako kay Andy "what??"

"Why did we even asked Ivan for a disguise?? Eh tignan mo naman na sobrang dilim dito! Obviously hindi tayo kaagad agad makikita... What are we thinking???" maikling tawa nito.

Napatawa rin ako ng kaunti "honestly Bro, i dunno..." 

===MARIE'S P.O.V===

Ba't ganun?? Ba't hindi niya sinasagot yung tawag ko?? Naiinis nga siguro sa kin yun, or baka naman nagalit? Napabuntong hininga ako, ano ba to? Kasi naman Marie, ano ba naman kasing naisip mo, at um-oo ka?? Ha?? Ayan tignan mo, yung boyfriend mo, hindi ka man lang tine-text at tinatawagan, ayan, ayan!!!

"Sus, parang hindi ka lang tinawagan ngayong araw na to eh, ganyan ka na maka-react" napatingin ako kay Ruby.

"Ha??" napakunot ang noo ko sa kanya.

"Narinig kaya namin ang sinasabi mo noh?" singit bigla ni Mia na asa tabi ni Ruby.

Napasandal ulit ako sa kinauupuan ko, "eh kasi naman, hindi ko alam kung ba't hindi niya ko tinatawagan eh."

"Ano ka ba? Okay lang yan Girl!! Hindi pa katapusan nang mundo noh!? At tsaka hello, ngayon ka nga lang nakapasok sa bar eh..." rason ni Ruby habang iniinom ang alak na hawak niya.

"Alam mo Rob, hindi ka nakakatulong kay Mars!" saway ni Mia kay Ruby.

"Anong hindi?? Nakakatulong kaya ako! Hello? ang OA lang ni Jason noh? Parang ngayon lang naman na pupunta dito si Marie, maka-arte naman siya, parang tatay niya lang... Ang OA lang!!" napatingin ako kay Ruby, na nakaharap naman kay Mia. 

"Ni hindi mo man lang naisip na baka nag-aalala lang siya, kaya ganun ang naging reaction nung tao.." depensa naman ni Mia.

Binalik ko ang tingin ko sa cellphone ko, narinig kong may sinagot ulit si Ruby pero masyado akong nag-aalala para intindihin pa sila. Ang focus ko ngayon ay si Jason, hayyy, ano ba naman kasi to?! Siguro kung nakakatunaw lang ang tingin, kanina pa nalusay ang cellphone ko, mabuti pa, i-try ko ulit, ngayon kapag hindi pa rin siya sumagot, pupuntahan ko na lang siya sa bahay nila, tama, ganun na lang.

===JASON'S P.O.V===

"Hey handsome, alone??" hay, ano ba to, pang-ilan na bang babae tong lumapit sa kin? Siguro kung wala pang nagmamay-ari ng puso ko, papatulan ko talaga to, wow Jay, ang cheesy mo na ngayon, nagmamay-ari talaga ng puso??? Ganito siguro kapag in love noh?!

"Hey..." she purred "i'm talking to you..." ang lakas talaga ng loob nitong babaeng to, hawakan ba naman ang braso ko, at kung makalapit parang sa kin lang naka-depende ang buhay niya.

Tinanggal ko ang kamay niya, tsaka ko siya tinignan ng masama "look slut, you better ran along, because obviously, i'm not interested!!" 

Nagulat siya sa sinabi ko, sabay irap sa kin at tsaka tumayo at umalis, salamat naman. 

"Wow Bro, nakailan ka na??" napatingin ako kay Andy na mukang amuse na amuse sa ginawa ko.

"Di ko alam, and i don't care" diing sagot ko sa kanya, sabay inom ng alak na kanina ko pa hinahawakan.

"Wooaahhh, chill Bro! Ba't hindi na lang natin sila puntahan, imbes na magdrama ka dyan. Ayun lang oh? Asa taas lang sila Bro, anytime, pwede natin silang puntahan."

Hindi ko na lang siya pinansin at uminom na lang ulit ako.

"Jay, hindi naman ganung kalaki ang kasalanan sayo ni Marie diba? What's wrong Bro?"

"Just pissed!" 

"Yun lang??"

"You know me Ands, when i'm pissed, i'm pissed, end of discussion!"

"Ano ba talagang pinagpuputok ng butchi mo dyan Bro? Yung pagpunta niya dito? Or dahil sa wala siyang naging violent reaction nung nalaman niyang may nangyari sa inyo ni Ashley??"

Sa totoo lang, nafru-frustrate(frustration i mean, iba kasi ang meaning ng 'frustrate' but i have to use it kasi mas bagay sa tagalog hehe... ) ako, hindi ko kasi alam kung ano bang iniisip ni Marie. Mas gugustuhin ko pang magwala siya, kesa sa wala man lang siyang sabihin, at least alam ko kung ano talaga ang nararamdaman niya diba? Mababaw ba? Eh ganun naman talaga kapag in love eh, kahit yung kaliit-liitan napag-aawayan pa rin ng ibang mag-GF-BF diba? Ayyy ewan!!

"I just want to know kung anong nararamdaman niya or iniisip man lang, yun lang, eh kaso hindi eh! Tapos bigla na lang siyang um-oo kay Tin na pumunta dito? Now tell me, yun ba ang "OKAY" sayo??"  sagot ko kay Andy.

"Then talk to her Bro! Alamin mo, hindi yung andito ka... eh parang nakikisabay ka na rin eh.."

Nang hindi na ko kumibo ay "mabuti pa, puntahan na natin sila....sige ka, baka mamaya, kung sino-sino ring lalake ang pumupunta sa kanya at nag-aaya..." napatigil ako sa pag-inom, tsaka ko tinignan nang masama si Andy.

"What?? Don't look at me like that! And if i'm not mistaken, pinahiram siya ni Tin ng isusuot niya, and we both know kung ano ang style na sinusuot ni Tin kapag pumupunta siya sa bar, right??" hindi ko namamalayan na humihigpit na ang hawak ko sa baso na hinahawakan ko.

"Your forgetting something Ands, asa VIP Room sila....Sino naman sa tingin mo ang papasok na lang dun??" pinipigilan ko ang sarili ko na hindi magalit sa mokong na to, dahil hindi magiging maganda ang kalalabasan kapag nagalit ako.

"Are you sure??" ngisi nito sa kin, at tumingin ito sa taas.

Napatingin rin ako sa tinitignan niya sa taas, nang makita ko ang tinitignan ni Andy, nakita kong asa labas silang lahat, well, si Crisitne, at ang iba pang kaibigan ni Marie na na-recognize ko. Pero mas lalong humigpit ang hawak ko sa baso nung makita kong may kausap si Marie na lalake. Nakasandal ito sa bakal na parang veranda, na may hawak na bote, at masyadong malapit ito sa girlfriend ko.

Napatayo ako bigla, tsaka ko binagsak ang baso, "shit!" rinig ko na sabi ni Andy. Pero hindi ko na siya nilingon at tutuloy lang ako sa paglalakad papunta sa girlfriend ko.   

My First Romance (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon