Chapter [14]

1.1K 3 0
                                    

Naging busy sila Jason at Marie sa mga sumunod na araw. Hindi masyadong nakita ni Marie si Jason dahil na rin sa wala pa namang inuutos si Lea sa kanila after nung pinapunta sila sa ilocos. Kaya balik normal siya sa trabaho niya dati. Minsan ay hindi mapigilan ni Marie na hindi maisip si Jason, kahit siya ay nagtataka, siguro dahil kahit sobrang nakakaasar siya minsan, ay namimiss ito ni Marie. Nung isang gabi nga ay napanaginipan pa niya ito, weird para sa kanya ang panaginip na yun, pero yun ang nagbigay ng ngiti sa muka niya nung isang araw. 

Hindi mapigilang tanungin si Karla na asa kabilang cubicle lang tungkol kay Jason. Alam niya na may pagka-gossip girl ang kaibigan, kaya alam niya ang nangyayari sa buong company. "Kai, pwede ka bang ma-istorbo sandali?" 

"Sige! Ano yun?" sagot naman ni Karla na nakatingin sa monitor niya na hindi man lang tumingin kay Marie.

"Ahhh... may balita ka ba kay Jason?" mahinang tanong nito sa kaibigan.

Napatingin naman bigla si Karla kay Marie nang narinig niya ang pangalan na Jason, "bakit?" 

"Wala lang! Baka kasi kako, may alam kang nangyayari sa kanya ngayon, alam mo na?!" (Marie)

Napatigil si Karla sa ginagawa niya at nag-isip kung ano nga ba ang latest na chismis ngayon,"hmmm.... wala naman!.... Ayun!! May naalala ako!" 

"Ano yun?" excited na tanong ni Marie.

Nahalata naman ito ni Karla, at bigla itong napangiti kay Marie, "teka, baa't parang excited ka atang malaman kung anong chismax ang sasabihin ko sa'yo..?" 

"Hindi ah? Ba't naman ako ma-e-excite?? Matagal lang kasi kaming hindi nagkita eh, one week na ata." (Marie)

Natawa na lang ng maikli si Karla, "sige, sabi mo eh!"

"Karla, yung chismis?" (Marie)

"Ay, oo nga pala.. May nakakita raw kay Sir Jason na may kasamang babae, maganda siya at matangkad. Ang sabi ng source ko, nakita silang naghahalikan sa parking lot." (Karla)

Nakasimangot na si Marie nang marinig niya ito, hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman. Pero naisip naman ni Marie kung bakit kelangan dapat na may maramdaman siya, hindi naman niya maituturing na kaibigan ang lalaking yun. Hindi man niya sabihin pero nag-expect siya na may 'something' ring nararamdaman si Jason sa kanya.

Napuna naman ito ni Karla, "pero chismis lang naman yun, alam mo na, pwedeng totoo, pwedeng hindi."

Napangiti ng konti si Marie, pero makikita mo pa rin ang lungkot sa mga mata nito, "salamat Kai. SIge na, bumalik ka na ulit sa ginagawa mo, nakakahiya na sa'yo. Salamat ulit ah?!"

Bago makabalik sa upuan si Marie, "Mars, wag mo masyadong isipin yun okay? Alam mo naman ang chismis, pwedeng dagdag at bawas yan. At tsaka isa pa, hindi ka istorbo, basta para sa'yo" ngiting pagtatapos ni Karla.

=======================================

Lumipas ang mga araw na walang nasisilayan si Marie na Jason. Kahit ngumingiti siya at tumatawa kasama ang mga kaibigan ay hindi pa rin siya nakaligtas sa mga ito. Alam nila na malungkot siya sa mga nagdaang araw. Tuwing tatanungin siya ng mga ito, palaging 'wala' ang sagot nito sa kanila. Magdadalwang linggo nang hindi nakikita ni Marie si Jason, pero kahit ganun hindi pa rin maisip ni Marie kung ano nga ba tong nararamdaman niya. Para sa kanya, nasanay kasi siya nun na palagi silang magkasama, yun lang ang tanging sagot niya sa sarili tuwing maaalala niya ito.

 "Marie? Marie? MARIE!!" sigaw ni Karla na may kasamang wagayway ng kamay sa harapan ni Marie.

Nagulat naman si Marie, at tinignan ang kaibigan, "bakit?" 

My First Romance (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon