Chapter [17]

1K 4 0
                                    

"Guys, hot chick at 3 o'clock. And she's lookin' at you dude!" sambit ni Ivan kay Jason. Napatingin naman silang lahat sa babaeng tinutukoy ni Ivan, "she really is hot, hoooo...." singit naman kaagad ni Spencer.

"She is really lookin' at you bro! Do you want to go?" tanong naman ni Andy.

Nang tinignan ni Jason yung babae ay talaga ngang maganda ito, at tumitingin nga ito sa kanya na may ngiti sa kanyang labi, na para bang hinihintay lang siya na lumapit dito. Pero ang pinagtataka niya ay kung bakit wala siyang ganang lapitan ito, at parang hindi siya interesado sa kanya, "nope! Pass!"

"What???" gulat na tanong ng mga kaibigan niya.

Tinignan naman niya ang mga ito habang umiinom ng alak, "what do you mean 'what'?

Nagkatinginan naman ang mga kaibigan niya, "guys, i now confirm that our 'Jason' is now officially in love" sambit ni Patrick na makikita mong patango-tango ang mga kasama niya na sumasang-ayon sa sinabi ni Patrick.

"What?? I'm not!! She's just......not......my type!" pagtatakang sagot ni Jason. Hindi niya alam kung bakit yun ang sinabi niya, kahit na alam niya sa sarili niya na ganung babae ang tipo niya, pero yun pa rin ang sinabi niya.

"Yah right bro!" sagot naman ni Andy na may kasamang pagrolyo ng mata nito sa kaibigan. "She's definitely your type!" dagdag ni Andy.

"Andy's right dude! That's the type of girl that you always hit on." pagsasang-ayon naman ni Ivan.

Alam ni Jason na tama sila. Yan nga ang mga tipo niya, pero kahit rin naman siya ay hindi niya maintindihan kung bakit hindi siya interesado dito, "guys, drop it! I'm not in the mood! Ivan, if you want her, go and get her!"

Nagulat naman ang kaibigan na willing siyang ibigay ito sa kanya. Dahil na rin sa matagal na silang magkaibigan ni Jason ay kahit kailan ay hindi nito ginusto na mag-share  sa kanyang mga gamit, lalong lalo na sa babae, "you mean it?"

Tumango naman si Jason, "yah!"

Pero bago pa ito pumunta sa babae ay tinignan niya muna si Jason, at bigla itong ngumiti dito, "nahhh!"

Nagulat ang lahat at nagkatinginan pa ang magkakaibigan kay Ivan, "what do you mean no?? tanong ni Spencer.

Ngumiti ng malaki si Ivan kay Spencer, "i want someone else."

Nagkatinginan ulit ang magkakaibigan sa kanya, sabay tanong, "who??"

"Marie!" ngiting sagot nito na nakatingin kay Jason.

Hindi naman ito nagustuhan ni Jason. Nang marinig niya ang pangalan ni Marie ay bigla itong lumapit kay Ivan, "say you're kidding...say it!!" inis na sabi nito.

"And why would i do that?" ngiting tanong nito.

Nagulat naman si Jason sa tanong ni Ivan, "because i'll make sure that you won't move anywhere from here, until you say it!!"

Mas lalong ngumiti si Ivan nang makita niya sila Cristine at Marie sa likod ni Jason na papunta sa kanila, "i think i can!"

May sasabihin pa dapat si Jason, pero hindi na niya ito tinuloy nang biglang nagsalita si Cristine, "hey guys! Kanina pa namin kayo hinahanap."

Lumingon naman kaagad si Jason sa likod niya at nagulat ito nang makita niya na kasama pala ni Cristine si Marie.

"Jay-jay are you okay? Para ka namang nagulat dyan." takang tanong ni Cristine.

Pero bago pa makasagot si Jason ay inunahan na ito ni Ivan, "hey Marie! Want some drinks?"

Ikinagulat naman ito ng lahat, dahil hindi basta-basta nanlilibre si Ivan. Ginagawa lamang niya ito kapag type niya ang isang babae. Hindi rin makuha nila Spencer, Patrick at Andy ang gustong ipahiwatig ni Ivan.

My First Romance (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon