Chapter [3]

1.4K 5 0
                                    

Nagkayayaan ang barkada na pumunta sa Tagaytay, dahil na rin sa birthday ni Shyne kaya naisip nilang tama lang na mag out-of-town naman sila para na rin mawala ang stress nila sa work. Habang si Clang ang nagdra-drive ang iba naman ay nagkwekwentuhan tungkol sa nangyari sa parking lot.

"Owver naman pala ang nangyari sa inyo ni Clang kagabi Marie. Akalain mong mukang anghel ang mukang yun, samantalang hayok naman pala sa kama" Nagtawanan ang magkakaibigan sa sinabi ni Cathee.

"Pero grabe talaga guys, as in F na F ang kiss nila, as in, kulang na lang lamunin nila ang isa't isa" Sabay salita naman ni Clang. "Hindi ko lang maintindihan kung bakit sa lahat lahat pa ng lugar na pribado eh dun pa sila nagkakalamunan."

"Clang, syempre tawag yan ng kalikasan, kumbaga sa tae, kung kinakailangan nang lumabas eh kelangan talagang ilabas" Sambit naman ni Eden.

"EWW!!" Sabay-sabay namang sabi ng mgakakaibigan.

"Eden!! Sa lahat naman ng pwede mong ma-i-kumpara sa tae pa! Kaloka ka!" Bulyaw naman ni Marie. Pero biglang nagsalita si Karla na ikinatahimik ng lahat.

"May nasagap kaya akong tsismis kahapon lang rin. Alam niyo ba na sobrang dami nang napaiyak nang Jason na yan? At ang balita ko kaya siya nagkaganyan dahil na rin sa first love niya." Kwento naman ni Karla, na habang nagkwekwento ay tahimik at nakikinig ang lahat.

"Sabi na nga ba eh, may pinanggagalingan yan kaya ganyan siya. Hindi naman pwedeng basta-basta na lang siyang naging playboy, may dahilan naman ang lahat" Singit naman ni Clang.

"At eto pa, niloko siya ng first love niya. Nakita nga raw niyang nakikipaghalikan siya sa ibang lalaki. Grabe diba?" Pagtatapos ni Karla.

"Pero hindi pa rin naman yun sapat na dahilan para paglaruan niya rin ang mga babae noh?" Sagot naman ni Marie na mukang galit na rin.

"Marie, may mga ganyang tao talaga. At tsaka hindi rin naman natin masisisi yung tao eh, first love niya yun, FIRST LOVE!" Sagot naman ni Eden kay Marie, na maalumanay ang pagpapaliwanag dito.

"At gusto rin naman ng mga babaeng ginagamit niya eh. Kasalanan rin naman nila yun, imposibleng hindi nila alam ang pinapasok nila diba?" Tuloy namang sagot ni Shyne.

"Kahit ano pang sabihin niyo, maling-mali pa rin ang ginagawa niya. Kaya siguro siya niloko ng first love niya kasi hindi kuntento yung babae sa kanya, o may ginawa rin siyang mali kaya ganun ang nangyari." Pagtatanggol naman ni Marie. Hindi maintindihan ni Marie kung bakit ganun na lamang ang galit niya bigla kay Jason samantalang kahapon parang crush na crush pa niya ito. Pero dahil na rin sa na-kwento ni Karla sa kanila, nawalan na ito ng gana. Ang pinaka-ayaw pa naman ni Marie ay mga playboy type, at hindi kayang ibigay ang sarili sa iisang tao lang.

"Tama na nga yan, dapat magsaya tayo ngayon, kasi ANDITO NA TAYO!!" Sigaw naman ni Clang.

"YEAH!! WOOOHHHH!!!" Napasigaw na rin ang lahat pwera lang si Marie. Nang dahil sa lalaking yun nasira tuloy ang mood niya.

 =======================================================

Jason DeLa Fuente, isang mayaman at playboy, kilalang kilala ang pangalan na yan, lalo na sa mga clubs at pub. Isang taong nasugatan na minsan dahil sa pag-ibig. Pag-ibig rin ang naging dahilan kung bakit siya naging playboy. Mababaw na dahilan? Para sa iba siguro, pero para sa kanya, malaking bagay ang nawala at nasira nang dahil sa "word" na yan. At hindi na niya nanaisin pang maulit muli yun, at kahit sa pangarap ayaw na rin niyang maramdaman ulit yun. Tama na para sa kanya na minsan ay nagmahal siya ng totoo. Kahit nga sabihin ang letrang "L" ay hindi pa niya masabi. Ang gusto niya lang ngayon, magsaya at maglaro....ng mga babae.

 Unang araw niya sa companya ng kanilang pamilya. Ayaw niya sanang magtrabaho sa pag-aari ng kanyang magulang, pero dahil na rin sa ginawa niyang iskandalo, at sa sobrang galit ni Mr. DeLa Fuente dito, ay kelangan niyang magtrabaho, kahit wala siyang masyadong alam sa pinapasukan niya. Pero simple lang rin naman ang binigay sa kanya na trabaho, ang maging P.A ni Lea DeLa Fuente. Tama, ang kapatid niyang babae. Simple lang diba? MALI! Para kay Jason mahirap na task yun, dahil hindi siya sanay na inuutusan siya, lalo na pagdating sa "Ate" niya. Ibang klaseng tao ang Ate niya kapag trabaho ang pinag-uusapan, parang sinasapian siya, na hindi niya maintindihan. Pero kapag asa bahay naman sila, dun lumalabas ang pagkamalambing niya. 

"Jason nakikinig ka ba?" Tanong bigla ni Lea sa kapatid. "Kanina pa ko nagsasalita dito ah?! Ine-explain ko ang gagawin mo ngayong araw na to, para hindi ka malito at para hindi rin ako mapahamak sa mga cliente natin, at lalong lalo na para hindi ako ma-late sa mga meetings ko".

"Ate, kilala mo ko, malamang hindi ko naririnig ang sinasabi mo. Isa pa, ang sakit ng ulo ko para makinig pa sa mga sinasabi mo. Mabuti pa, isulat mo na lang at babasahin ko na lang okay?" Sagot naman ni Jason, na nakahiga ang ulo sa mesa ng Ate niya. 

"JASON MARK DELA FUENTE!!" sigaw nito. "Gusto mo bang makarating to kay Dad? Alam mo ba kung gaano nag-aalala ang mga magulang natin dahil sa'yo? Jason, hindi ka ganito, anong nangyari sa'yo? Anong nangyari sa Jason na nakilala ko?" Napatayong sabi nito. Makikita mo sa muka ni Lea na hindi niya gusto ang ang nangyayari ngayon sa kapatid niya.

Hindi na lang nakaimik si Jason, na ngayon ay nakayuko na. 'Matagal na siyang wala, magmula nung iniwan niya ko' Isip naman niya. "Aalis na muna ako" biglang sabi nito at tumayo na sa kinauupuan niya. Hindi na niya kaya pang marinig ang mga susunod na sasabihin pa ng Ate niya. 

"Jason, anong nangyari sa'yo?" bulong na sabi nito.

My First Romance (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon