Chapter [44]

249 4 1
                                    

Sorry super late update guys... busy busy busy... sino po dito ang nanonood ng BCWMH?? hahaha... baka mamaya at kilala ko po pala kayo hehe... ^____^ ENJOY READERS

===MARIE'S P.O.V===

Nakailang tawag na ko, hindi pa rin niya ko sinasagot!! Asan ba kasi tong taong to?? 

"Hoyyy Marie!! Lika labas tayo, para ma-enjoy natin lalo yung music, tara!!" hila sa kin ni Ruby. 

"Rob, kelangan ko nang umalis eh...pupuntahan ko si Jason sa bahay nila!" malakas na bulong ko sa kanya. Mas malakas ang tugtog kapag asa labas ka pala, hindi ko ata napansin yun ah?! 

"ANO??" tanong niya pabalik sa kin.

"SABI KO, KELANGAN KONG PUNTAHAN SI JASON SA BAHAY NILA!!!!" hayyy, nakakainis talaga kapag ganito nag-uusap, parang kulang na lang eh may mic ka, para lang magkarinigan kayo.

"BAKIT??" sus, naman Rob? Kelangan pa talagang tanungin yan??

"BASTA!!" inis na sagot ko sa kanya.

"BAHALA KA NGA!!" nakakunot na sagot niya sa kin, tapos pumunta na siya kina Cristine, na hindi ko man lang namalayan na asa labas rin pala. 

Papaalis na dapat ako nang biglang may humarang sa king lalake "hey Babe, want some of MEEEE??" tinakpan ko kaagad ang ilong ko, ang lakas kasi ng amoy ng alak eh.

Tinignan kong mabuti ang lalakeng asa harapan ko, sayang gwapo pa naman kaso lasing eh. Ano ka ba Marie, umalis ka na kaya?! 

Iiwasan ko na dapat yung lalake, kaso pinatong niya yung kamay niya sa may veranda, sa kaliwang bahagi malapit sa bewang ko "where do you think your going Babe??"  ano ba naman to??!

"Uhmm, kelangan ko na kasi talagang umalis eh..." sigaw na bulong ko  naman sa kanya.

"Nope, never gonna happen!!!!" sagot naman niya sa kin.

Aalisin ko na dapat ang kamay niya na nakaharang sa kin, pero bigla na lang akong nagulat nang makita kong may kumuha nang kamay niya, sabay bagsak sa sahig. Nang tinignan ko kung sino ay laking gulat ko na lang na si Jason pala yun.

Sinuntok ni Jason yung lalaki tsaka siya sumigaw ng "THAT'S MY GIRLFRIEND YOU IDIOT!! STAY AWAY FROM HER!!!!!" galit na sigaw nito sa lalaking asa sahig na pinupunasan ang labi nito.

Lalapitan ko na dapat si Jason nang biglang hinila naman niya ko palayo sa kinatatayuan ko. 

===JASON'S P.O.V===

Tarantado talaga yung lalaking yun, akala niya pwede niyang gawin ang gusto niya sa girlfriend ko, GIRLFRIEND KO!! Nakakapang-init talaga ng ulo, bwisit!!

"Jason, nasasaktan na yung kamay ko...." shit, nakalimutan kong hawak-hawak ko pala ang kamay niya. 

"Sorry" bigla kong sabi at bitaw na rin nito. Hinarap ko siya, at hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya "are you okay?" alalang tanong ko sa kanya.

Tango lamang na may kasamang ngiti na hindi umabot sa tenga ang sinagot niya sa kin. 

"Good" sabi ko naman, tsaka ko ulit siya hinila papunta sa kotse ko. 

"Ikaw ba okay??" tanong niya sa kin, habang palakad kami.

"Oo, i'm okay..." sa totoo lang, hindi pa! Kung hindi ko pinigilan ang sarili ko kanina, baka napunta na siguro sa hospital yung gagong yun. Kaya ko nga siya hinila na pabalabas eh, baka kung ano pang magawa ko.

Nabigla na lang ako nang bigla siyang huminto, kaya napatingin ako sa kanya "why? is there something wrong??" alalang tanong ko sa kanya.

"Sorry" mahinang sabi niya, na nakayuko.

"Why are you saying sorry my Angel??" hinawakan ko ang baba niya para tignan niya ko sa mata.

"Eh kasi galit ka sa kin" parang bata lang na nahuli na may ginagawang masama ang itsura ni Marie ngayon. Napangiti ako sa kanya dahil na rin sa ang cute cute niyang tignan.  

"Ba't ka nakangiti dyan??" tanong niya sa kin na curious na rin kung bakit.

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya "kasi ang cute cute ng Angel ko eh... Ba't ba ang cute cute mo??"

"Jason, seryoso akooooo..." hinawakan niya ang magkabilang wrist ko rin. Ang cute talaga nito, hehe...

"Bakit?? Seryoso rin naman ako ah?!" sabay nilapit ko ang noo ko sa noo niya. "Ang cute cute mo talaga...."

"Jason, seryoso talaga ako...." inulit niyang sabi, pero hindi ko inintindi, kasi ang gusto ko lang gawin sa kanya ngayon ay halikan siya.

"Okay....." nilapit ko pa lalo ang muka ko, hanggang sa magkadikit na ang ilong namin "pwede na ba kitang halikan??"

Hindi ko na inantay ang sagot niya, at dinampi ko ang ang labi ko sa malalambot niyang labi. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 05, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My First Romance (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon