Chapter [18]

1.1K 3 0
                                    

“Marie…” mahinang tawag  ng isang boses. “Marie…” ulit ng boses. Unti-unti namang binuksan ang mga mata ni Marie, nung una ay medyo malabo pa ang paningin niya, nang nakapag-adjust na ang paningin niya ay unti-unti na rin itong luminaw. Una niyang  nakita ang nagma-may-ari ng boses.

“Jason?” mahinang tanong nito. Unti-unti na rin siyang bumabangon, dun lang napansin ni Marie na nakatulog pala siya sa study table. “Dito ako nakatulog?”

 Napangiti naman si Jason sa kanya, “oo…ngayon lang kasi ako bumalik dito, kay Andy ako natulog.”

Nang nakaupo na si Marie ay hinawakan nito ang kanyang leeg, at hinilot-hilot ito, “ahhh, ang sakit.”

“Mabuti pa mamaya sumama kay Cristine, magpapa-massage yun. But for now, magbreakfast muna tayo okay?” (Jason)

Tumango naman si Marie at tumayo na ito at pumunta sa banyo. Samantalang, pumunta naman si Jason sa may terrace para ayusin ang lamesa na pagkakainan nila. Nang lumabas na nang bansyo si Marie ay dumiretso na ito sa terrace, nang makita ang laman ng lamesa ay nagulat ito, “wow!! Ang dami naman nito, eh dalawa lang naman tayo” takang sabi ni Marie.

“Ganito talaga dito, sooooo, let’s eat!” (Jason)

===================================================

(After nila kumain)

Tinitignan ni Marie ang mga pagkain, “Sir, pano yung mga hindi natin nagalaw?”

“Hindi na natin problema yan. Problema na yan ng mga maglilinis dito okay? Magbihis ka na, mag-island hopping daw tayo sabi ni Tin. Gusto mo raw kasing makita yung ibang isla dito?” (Jason)

 “Ha? Ah…ehhh…oo!” patuloy pa ring tinitignan ni Marie ang lamesa nila. “Sir, sayang talaga tong mga pagkain eh. Hindi ba pwedeng ipamigay na lang natin sa mga bata sa labas?”

Tinignan rin ni Jason ang mga pagkain, tsaka niya tinignan si Marie, “ikaw ang bahala! Bilisan mo lang, we’ll meet them at 9am at the boat, okay? Mauna na ko sayo maligo.”

Napangiti naman si Marie, “yes Sir!” na may kasamang salute.

Napangiti naman si Jason dito, na may kasamang iling.

Habang sinusupot ni Marie ang mga pagkain ay biglang nag-ring ang CP niya.

[Phone Conversation]

“Hello?” (Marie)

“Uyyyy Mare kamusta ang Boracay??” (Clang)

“Clang??” (Marie)

“Yap!! Oh kamusta?” (Clang)

“Eto okay lang. Maganda naman.” (Marie)

“Maganda ba talaga? Eh ba’t parang hindi naman ata, sa tono ng boses mo parang hindi ka nag-eenjoy.” (Clang)

“Hindi naman sa ganun. Actually, okay naman eh, na-meet ko nga yung mga kababata ni Sir Jason eh.” (Marie)

“Really?? So, wafu rin ba? Kagaya niya??” (Clang)

Napatawa ng mahina si Marie sa tanong ng kaibigan, “Oo Clang, wafung-wafu ang mga friends niyang guys, at maganda ang isa niyang friend na girl.”

“Oh? Eh yun naman pala eh. Asa paraiso ka kaya, tapos may kasama ka pang nag-gwagwapuhang mga lalaki, eh ba’t parang malungkot ka?” (Clang)

“Hindi naman sa malungkot. Wala, hayaan mo na lang ako, alam mo naman ako may pagka-moody.” (Marie)

“Hmmm, ano yan? May something eh…..Teka, may nangyari ba?” (Clang)

My First Romance (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon