Chapter [23]

934 6 4
                                    

"Alam mo Mars, mapupunit na yang pisngi mo sa kakangiti!" tingin ni Karla kay Marie.

Napatingin naman si Marie kay Karla, "eh di mapunit na kung mapupunit."

"In love naman kasi Kai, kaya hayaan mo na!" tapik naman ni Shyne kay Karla.

Tinignan na lamang ni Marie si Shyne pero imbes na sagutin niya ito, ay ngiti na lang ang binigay niya. Hindi niya kasi mapigilan ang sarili na hindi ngumiti, dalawang linggo na kasing palagi silang nagdi-dinner sa labas ni Jason. Kahit sabado at linggo ay niyayaya pa rin siya ni Jason na kumain sa labas, "ano ba yan Mars? Exclusively dating na ba kayo?" napatingin bigla si Marie kay Shyne.

"Ha?? Exclusively dating??" takang tanong ni Marie, pero nang mapaisip siya lalo sa tinanong ni Shyne, ay bigla itong napasagot, "HINDI AH?!? Friends lang kami!"

"Friends?? Hello?? May friends bang araw-araw nagkikita at nagdi-dinner?? Na kahit weekends, eh nagkikita pa rin?? Sige nga meron??" pilit na tanong ni Karla.

Hindi naman makasagot kaagad si Marie sa kaibigan. Hindi naman sumagi sa isip niya ang tanong ni Shyne, ang alam niya lang ay ine-enjoy niyang kasama si Jason. Pero para sumagi sa isip niya na date ang ginagawa nila, ay para sa kanya ay isang malaking "?" ito. At dahil na rin sa wala siyang karanasan sa mga ganyang bagay ay hindi niya ito pinag-iiisip.

Dahil na rin sa matagal na hindi nakasagot si Marie, "tignan mo? Eh anong status niyo?"

Napatingin ullit si Marie kay Karla, "status?" takang tanong niya sa kaibigan.

Naparolyo ng mata si Karla, "status!! Just dating, M.U, BF-GF thingy! Ganun!"

"Kai, sinabi naman niya kanina na 'friends' lang sila diba?" singit bigla ni Shyne.

"Eh malay ba natin na M.U sila diba? Hindi naman siguro siya yayayain ni Sir Jason kung kaibigan lang ang turing niya kay Marie diba?" 

Sa sinabi ni Karla ay napaisip si Marie bigla, 'may punto si Kai, hindi nga naman niya ko yayayain kung wala siyang gusto sa kin.....pero baka mali rin naman siya, hayyy....' 

"Kai, magkaibigan lang talaga kami ni Sir Jason. Inaamin ko na nag-e-enjoy ako sa company niya, at sa nakikita ko ganun rin naman siya sa kin. Pero ayokong lagyan ng malisya yun, masaya na ko na nag-e-enjoy rin siya sa company ko." pagtatanggol ni Marie sa sarili.

"Hello Mars?? Nakalimutan mo na ba yung na-kwento mo sa min nung nag-Bora kayo? Hindi pa ba sapat na evidence yun?" nahalata ni Marie na walang balak na i-drop ni Karla ang topic na ito.

"Kai, hayaan na lang muna natin sila. Tutal naman muka namang masaya si Mars na ganun lang muna sila. Ngayon kung gusto pa nilang maging more than that, eh asa kanila na yun, huwag na natin silang pilitin okay?" pagtatanggol naman ni Shyne kay Marie.

Napabuntong hininga naman si Karla, "okay, okay!" bigla itong tumingin kay Marie, "pero tama pa rin ako! Hintayin mo lang at magiging kayo rin" sabi ni Karla na nakatingin ng seryoso kay Marie, ngunit bigla rin itong ngumiti.

Ningitian niya rin si Karla, "at kapag nangyari yun Kai, ikaw ang unang makakaalam."

"Promise yan ah?!" ngiting sabi ni Karla kay Marie na halatang excited sa sinabi niya.

Napatawa naman ng kaunti si Marie, "yap! Promise!"

"Teka, pa'no naman ako?" singit na tanong ni Shyne kay Marie na tinuturo ang sarili.

"Syempre Shyne, kayong lahat!" ngiti niya sa kaibigan.

"Yun nga lang mauuna ako! Diba Mars?" 

Napatawa ulit ito ng mahina, "oo Kai!"

My First Romance (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon