Chapter [2]

1.6K 5 0
                                    

'Grabe, ang bango-bango niya, amoy baby. Ibang klase talaga tong lalaking to, and grabe ah?! Super tangkad niya.' Isip ni Marie. 'Buti na lang pala at nakasabay siya dito, salamat po' tingin ni Marie sa taas. Nasa loob pa rin sila ng elevator, at nagpapasalamat si Marie dahil rush hour at masikip ang elevator kapag ganitong oras. Nakatingin pa rin si Marie sa lalaking asa harapan niya na nakatalikod sa kanya. 'May GF na kaya siya? Siguro meron na, sa sobrang gwapo ba naman niya, imposibleng wala, hayy...' 

"Marie!!!.... Marie!!! MARIE!!!" Sigaw ni Karla sa kaibigan.

"ANO??" Sigaw rin nito.

"Ano ba? Kanina ka pa nakatunganga diyan." 

"Kanina pa ba?" Nalilitong sagot ni Marie. Nang tinignan niya ang paligid ay sila na lang pa lang dalawa ang asa loob. "Anong floor lumabas yung lalaki?" Tanong nito kay Karla.

"15th Floor pa! Teka nga muna, ba't parang interesado ka ata ha? ha?" biglang tanong naman ni Karla.

"AKO?? pffttt... Hindi ah?" Deny naman ni Marie. "Tinatanong ko lang kasi nga... kasi... Hay naku, halika na nga, floor na natin oh?!" Biglang hila naman nito sa kaibigan.

 ======================================================

(Lunch Time)

"Alam niyo ba? Habang nakapila ako, puro yung gwapong lalaki ang pinag-uusapan nila?! Grabe ah? sikat na siya, ngayong araw lang siya pumasok. At eto pa, siya pala ang anak ng nag-iisang may-ari ng companya na to!" Kwento ni Karla habang papaupo ito.

"Talaga?? That's explains everything then!" Tugon naman ni Shyne.

"WOW!! What do we expect? Sa itsurang ganun, malamang, imposibleng ordinaryong empleyado lang siya dito." Bulalas naman ni Cathee na isa rin sa mga nakaupo sa mesa.

Napatango na lamang si Marie, habang nakikinig sa mga kaibigan. 

======================================================

 (Uwian Time)

"Guys, ingat kayo sa pag-uwi ah?" Sigaw ni Marie habang papunta ito sa parking lot. Kasama niya ang isa pa niyang kaibigan na si Clang.

"Marie ano tong naririnig rinig ko kanina kina Shyne habang nagkwekwentuhan kayo na may isang cute na guy na bago sa company ninyo?" tanong ni Clang kay Marie na makikita mong interesado rin sa misteryosong gwapong lalaki.

"Ah! Bago lang kasi siya at ang masasabi ko sayo, hindi siya cute Clang, GWAPO siya!" sagot naman nito.

"Hindi ko pa kasi siya nakikita noh?! Halika na nga baka mamaya ma-traffic tayo." Habang papalapit sila sa kotse ni Clang ay may narinig sila, hindi lang nila marawi kung anong klaseng tunog yon. Hanggang sa may nakita silang dalawang tao na asa gilid na nakasandal sa isang puting kotse. Yung babae ay nakasandal sa kotse samantalang ang lalaki naman ay nakapatong sa kanya, na ang kamay niya ay asa baywang ng babae. At ang kanang kamay naman ng babae ay asa likod ng ulo ng lalaki. Nanlaki ang mga mata nila Clang at Marie dahil naghahalikan pala ang mga ito.

"Hmm... Gawd Jason!! Hmm...You're killing me with your sweet and tasty kisses. Hmm... Sabi ng babae habang hinahalikan niya ang lalaki. We can go to my place...Hmm...C'mon" Sagot naman ni Jason na binuksan na ang pinto ng kotse, na halata mong nagmamadali na. At nang makaalis na..

"O.M.G!! Siya yung guy na sinasabi namin Clang, siya!" Hindi makapaniwala si Marie na siya yung lalaking hindi matanggal tanggal sa isip niya, at nakikipaghalikan pa siya. âWowâ isip na lang nito.

"Siya ba? Naku Marie, sa sobrang gwapo pala nung lalaking yun, hindi na dapat tayo magulat. At halatang hindi na niya kayang pigilan ang kanyang kapitan" Biglang tawa naman ni Clang.

"Kapitan?? Clang anong --- Ahhhh... Okay, gets ko na"

'Ibang klase talaga, teka baât nga ba ako nagugulat? Eh sa estadong niyang yun, malamang marami na rin siyang nailagay sa kama niya. At bakit ko pa rin siya iniisip? Marie!! Ano ka ba? Tama na ang kakaisip sa lalaking yun, tignan mo nga, mukang playboy pa pala ang taong yun, kaya tama na, marami pa diyang iba' Habang nakatanaw siya sa bintana ng kotse.    

My First Romance (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon