Chapter [15]

1.1K 4 1
                                    

Nakarating sila Marie at Jason sa resort na tutuluyan nila. Nanlaki ang mga mata nito nang makita na hindi lang sila sa isang ordinaryong resort napunta, kundi sa Shangrila's Resort pala sila magche-check in. Hindi mapigilang ngumanga ni Marie sa nakikita niya. Hindi siya makapaniwala na may ganitong kaganda na resort sa Bora.

Napansin naman ito ni Jason, at hindi napigilang tumawa ng mahina, "close your mouth, baka biglang may dumapong langaw."

Sinara naman kaagad ni Marie ang bunganga nito, at bigla itong namula, "sorry naman, ngayon lang naman ako nakapunta kasi sa ganitong kagandang resort." 

"Well, wag ka munang mamangha, hintayin mo muna hanggang sa makarating tayo sa kwarto natin." (Jason)

Napatigil si Marie sa pagtingin niya sa paligid at tinignan si Jason, "teka, anong natin?"

"Natin!! Don't tell me Ms. Gonzales, pumupurol na ang utak mo? Tagalog na yun ah!?" (Jason)

"Alam kong -----" (Marie)

"Good Morning Ma'am and Sir! How may i help you?" singit bigla ng receptionist sa kanila.

"I'd like to get our room? Nagpareserve na kami." (Jason)

"Under what name Sir?" 

"Jason DeLa Fuente!" (Jason)

"Here you are Sir, room 24 and your key card Sir, for your room. Enjoy your stay here in Shangrila's Resort and Spa. Have a good day Sir" ngiting bati ng receptionist.

"Thank You" (Jason)

"Teka lang! Ba't iisa lang ang sinabi niyang room?" (Marie)

"Ms. Gonzales, eto lang ang available na room, okay?" iritang sagot nito.

"Hindi pwede yan! Baka naman may available pa." dali-dali itong pumunta ulit sa receptionist at tinanong kung may available pa ba.

Nang lumingon si Jason ay nakita niyang nakikipag-usap na si Marie sa receptionist. Umiling na lang ito at nauna na sa kwarto nila.

======================================================

(after 30mins)

Hindi makapaniwala si Marie na wala na ngang availble na room. Lalo na nung nalaman niya na mahigit 15,000 pesos ang halaga ng room dito. Nanlumo siya lalo, dahil kahit may available ay hindi pa rin niya ito makukuha dahil hindi niya kayang bayaran. Sweldo na niya yun ng isang buwan, kaya ngayon ay wala siyang magawa kundi pumunta sa kwartong pinareserve ni Lea. 

Kaya andito siya at nakatayo sa harapan ng kwarto nila ni Jason. Hindi magawang kumatok nito dahil kinakabahan ito, 'ba't naman kasi hindi man lang nasabi ni Ma'am Lea na magkasama pala kami sa iisang kwarto? hayyy... Ano po ba tong ginagawa niyo sa kin? Lord naman!!!' isip niya.

Kakatok na dapat si Marie nang biglang bumukas ang pinto, "kanina ka pa ba dito?" tanong ni Jason.

"Ha?? Ahhh, hindi kakarating ko lang" hiyang sagot naman nito.

"Sooooo, nakahanap ka?" ngising tanong ni Jason, na nakasandal sa may pinto.

"Sa tingin niyo po Mr. DeLa Fuente, kung nakahanap po ako, andito po kaya ako ngayon sa harapan niyo na dala-dala ang gamit ko? Kung nakahanap ako?" iritang sagot ni Marie.

Tumawa naman ng mahina si Jason, "so tama ako?"

Kung nakakamatay lang ang pagtitig sa isang tao ay marahil asa ilalim na nang lupa si Jason ngayon, "Mr. DeLa Fuente, wala po akong panahon na makipagbiruan sa inyo, dahil katulad niyo po ay gusto ko na rin pong pumasok sa kwarto KO, at magpalit na rin po"

My First Romance (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon