Chapter [35]

655 4 6
                                    

Hello Readers,

                Another update =)) gulat kayo noh? yan, bayad na ko ah!? kagabi at ngayon nakapag-update ako =)) etong chapter na to, trinay (try) ko lang ulit sa sarili nilang POV, kasi napansin ko, yung kauna-unahang chapter nito, sa sariling POV pala nila mismo. Hanggang sa, naging third person POV na ang nangyari, hehe... hindi ko napansin yun, hehe... kaya eto, try ko ulit. UN-EDITED ulit ito, kasi hindi ko na binasa mula sa simula hanggang sa baba nitong chapter. Tuloy-tuloy lang ang pagta-type ko, baka kasi mawala, at baka biglang tamarin ulit ako, kaya tuloy tuloy lang hehe... Yan, sana magustuhan niyo... ^___^ 

===JASON'S P.O.V===

Parang sementeryo ang katahimikan ngayon habang kumakain kami. Ang tanging maririnig mo lang ay ang paghampas ng mga kutsara at tinidor sa plato namin. Well, not actually wala kang maririnig, katulad nga nang sabi ko, yun lang ang maririnig mo. Nakakabinging katahimikan, ni wala man lang nagsasalita sa min, at lahat ay naka-concentrate lang sa pagkain nila. 

Hindi ako makapaniwala na dinala ni Andy si Ashley mismo dito sa bahay namin. Hindi ko rin alam kung anong sumapi sa kaibigan kong to kung bakit niya naisip na isama siya dito?? After namin siyang makita nila Ivan kanina, ay wala man lang nag-try para mag-start ng conversation sa kanya. Well, hindi niyo rin naman kami masisisi, dahil na rin sa mga ginawa niya sa amin ni Anya nun, at sa sarili pa niyang kapatid. 

Yap, narinig niyo ko, magkapatid sina Anya at Ashley. Mas matanda nga lang si Ashley ng 1 taon sa min ni Anya. At katulad rin ni Anya, magkakilala na kami ni Ashley magmula pa nung mga bata kami. Hindi ko alam kung kelan nagsimula ang pagkagusto niya sa kin, pero magmula nung nalaman niya na kami na ni Anya, dun na siya kumilos nang kakaiba. In other words, nag-iba siya nung sinabi namin kina Andy at sa family namin na kami na. 

Nung una ang akala namin ni Anya, dahil lang sa impluwensya nang boyfriend niya, pero hindi nagtagal nalaman rin namin ang dahilan kung bakit bigla na lang nag-iba ang ugali niya. Gets niyo ba kung bakit?? Yap! Dahil sa kin! Matagal na pala siyang may gusto sa kin, at sa simpleng crush lang ay naging love, magmula sa love naging obssession. 

Nung sinabi sa kin ni Ashley ang dahilan, nagulat ako, at hindi makapaniwala na ang tinuturing kong kaibigan ay may hidden desire pala sa kin. Nung araw na nalaman ko yun, hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin kay Anya, dahil alam kong gagawin niya lahat para sa kapatid niya kahit makipaghiwalay pa sa kin, ay kayang niyang isakripisyo para kay Ashley. Kaya wala akong lakas ng loob nun na sabihin sa kanya. 

But, after the day that she confesses her love to me, akala ko nun, okay na, dahil sinabi ko sa kanya na hanggang kaibigan lang ang kaya kong ibigay, na mahal ko si Anya, mali ako! After nang araw na yun, dun nagsimula lahat ng plano niya sa relationship namin ni Anya. Nung araw ng birthday ni Ashley sa bar, yun yung araw na muntik nang mawala sa kin si Anya, kung hindi dahil kay Cristine siguro ay nasira na nang tuluyan ni Ashley ang relasyon namin.

"Jay-jay!! Jason!! HOYY!" napatingin ako kay Ivan na katabi ko lang, at napatingin sa mga taong kasama ko sa table. Kanina pa ba nila ako tinatawag?? 

"Bakit??"

"Tinatanong ka ni Tito kung kamusta raw yung business mo?? Okay ka lang ba??" eto talagang si Ivan kahit na may pagka-tanga minsan, pero kapag may problema ang bawat isa sa min, maaasahan mo naman. Mukang concern sa kin to habang nakatingin pa rin sa kin.

"Yah! I'm fine! Don't worry dude!!" tinapik ko ang balikat niya tsaka siya ngumiti at ibinalik ang tingin sa pagkain niya. 

Tumingin ako kay Dad "okay naman Dad, siguro next month tapos na rin" tumango lang ang tatay ko sa kin.

My First Romance (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon