Chapter [11]

1.2K 5 0
                                    

"Hayyyy salamat nakarating din" bungad ni Jason na may kasamang stretching.

Umalis sila sa manila ng 8:45 ng gabi, hindi makapaniwala si Jason na sa lahat ng pwedeng sakyan nila ay bus pa. Alam naman ng Ate niya na ayaw niya sa mga mahahaba ang byahe, pero ganun pa rin ang nangyari. Pero naiintindihan naman niya dahil sa hindi rin maganda ang panahon, kaya wala na rin siyang nagawa.

"Sir Jason, magkita po tayo ng exactly 9AM po dito sa labas po ng hotel." (Marie)

"Ha?? Hindi ba pwedeng ipagpabukas na lang natin yan? Ang sakit pa kasi ng hita ko at ang leeg ko eh." (Jason)

"Sir, 1 week lang po ang binigay sa tin ni ma'am Lea, kapag hindi po natin natapos baka po tayo pa ang mapahamak yan." (Marie)

"Ganito na lang, magpapahinga na lang muna ako ngayon, at ikaw na lang muna ang umasikaso, tapos, ako naman ang lalabas bukas..... kasama mo." (Jason)

Hindi makapaniwala si Marie sa narinig niya, "Sir, hindi ba parang unfair naman yun sa kin. Kasi hindi ka pupunta ngayon, pero bukas pupunta ka, pero kasama mo pa rin ako? Unfair naman po yun Sir!"

"O sige ganito na lang, ipapaalam ko na lang kay Ate na bukas na lang tayo magsimula. Hindi kaya talaga ng katawan ko, hindi kasi ako nasanay na magbyahe na bus ang sinasakyan. I prefer airplane than bus." (Jason)

"Eh Sir, parang pareho lang naman po ang eroplano sa bus ah!?" (Marie)

"Ms. Gonzales, wala akong panahon para sagutin ang comparison mo sa bus at eroplano. Gusto ko nang magpahinga, okay?" iritang sagot ni Jason. Pagod na siya at wala siyang panahon para sa mga walang kwentang salita ni Marie. 

'May bipolar disorder siguro to!' isip naman ni Marie. "Sige po Sir, mauna na po kayo." pilit na ngiti na sabi ni Marie.

"Thank You" (Jason)

=============================================================

Tinitignan ni Marie ang mga documents na binigay sa kanya ni Lea. Masyadong marami ngang naging problema ang sales department nila. 'Hindi man lang nila inuna ang mga problema ng cliente? Nakakaloka talaga, buti na lang at hindi ako sa sales department nila napunta. Ang gulo-gulo, hayy' napabuntong hininga si Marie. At isa pa hindi naman nakakatulong sa kanya si Jason, 'mayaman naman kasi ang unggoy na yun. Sa tatay naman niya kasi ang kompanya.'  Nakalagay na ang dalawang kamay niya sa muka niya, 'ano ba to? Pinaka-ayoko pa naman ang numbers' isip niya. 

"Musta?" (Jason)

Napatingin si Marie kay Jason, "ganda ng timing mo noh? Okay na sana eh. Mapayapa ang mundo ko dito ng wala ka!" 

"Nagtatanong lang naman ako eh. Kung ayaw mo kong sagutin, sana hindi ka na lang nagsalita." nakakunot na ang noo ni Jason habang sinasabi niya ito kay Marie.

"Sa tingin mo Mr. DeLa Fuente? Kamusta ako? Nakikita mo naman na hindi maganda diba? Nakayuko na nga ako dito, nalilito at namomoblema sa binigay nang Ate mo sa tin, samantalang ikaw, parang wala lang sa'yo!" inis na sabi ni Marie, nakita niya na hindi pa rin kumikibo si Jason kaya pinagpatuloy niya ito. "Kung sabagay nga naman, family mo ang may-ari ng kompanya, malamang wala kang pakealam kasi inaasa mo lahat sa Tatay mo at Ate mo!" pagtatapos ni Marie.

Nagpintig ang tenga ni Jason at hindi na rin napigilang sagutin, "wala kang alam Ms. Gonzales!! So you better shut your mouth!!" tsaka siya umalis.

Napabuntong hininga naman si Marie, 'galing mo talaga Marie, grabe, hi-five! Imbes na magtulungan kayo, pinalala mo pa lalo, galing, hayyy' Nagligpit na si Marie, alam niyang mali ang mga sinabi niya kanina. Wala nga naman siyang alam, binabase niya lang ang mga nalalaman niya sa nakikita niya, at sa ibang naririnig na rin. Natapos na niyang iligpit ang mga documents, tsaka siya ulit biglang umupo, 'Marieeeeeeeee!!! Anong gagawin ko?? Minsan kasi hindi ko rin mapigilan tong bunganga ko, hayyyy!!' 

My First Romance (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon