Chapter [4]

1.3K 4 0
                                    

Hindi umuwi si Jason pagkatapos ng sagutan nila ni Lea. Naisip niyang lumayo na muna, na pwede siyang makalimot, kahit sandali lang, kalimutan ang lahat. Gusto niyang tumakas sa mundong alam naman niyang wala nang saysay para sa kanya, lalo na't wala na Siya. 

"Welcome to Taal Vista Hotel" Sambit ng isang lady sa counter. Na makikita mong nakatingin lang sa kanya. 'Hmm, bago lang ba siya dito? Pwede na!' isip naman niya. "How may I help you sir?" habang nakangiting tanong nito kay Jason, na kulang na lang ay lamunin na niya sa mga tingin nito.

"I already made a reservation yesterday?"

"Under what name sir?"

"Jason DeLa Fuente"

"Here it is! Your room is at West Wing Diamond Suite. Here's your card key and you may follow the room boy sir. If there's anything you want, please don't hesitate to ask sir"

"There is something, i'll just call you later" sabay kindat sa babae. Para kay Jason ay hindi na bago ang ganitong pagkakataon. Sa kanyang itsura, kahit naman talaga sinong babae ay sa isang pitik lang ng kanyang daliri ay makukuha na niya kaagad, at ang maganda pa nito, deretso kaagad sa kama. Wala sa vokabularyo niya ang salitang "commitment", tama na sa kanya ang one-night stand. Mas madali kasi ang buhay niya kapag ganun klaseng relasyon lang ang meron siya, ayaw niyang gawing komplikado ang buhay niya. 'Mga babae talaga' Nakangiting isip nito.    

===============================================================

"Welcome to Taal Vista Hotel" Bungad ng lady sa counter.

"Hindi pa rin ako makapaniwala na dito mo kami dinala Clang! Ang ganda-ganda, siguro mahal dito noh!?" Tanong ni Shyne sa kaibigan, habang tinitignan ang paligid. Ganun rin ang ginagawa ng iba niyang kasama.

"Guys, syempre, ngayon na maganda ang sales ko, at sa laki ng kinita ko ngayong month na to, gusto ko naman kayong i-libre." Sagot ni Clang.

Si Marie naman ay patingin tingin rin sa paligid, hindi rin kasi makapaniwala na dito sila dinala ni Clang. Ang akala lang niya ay sa motel sila dadalhin nito, pero nagpapasalamat na rin siya at dito sila dinala, kahit papano ay maganda ang lugar at eleganteng tignan. 'Susulitin ko ang pag-stay ko dito' isip naman niya. Hindi namalayan ni Marie na napapalayo na pala siya sa mga kasama niya. Nagulat na lang siya na asa pool side na pala siya. Napapaligiran ng mga pine trees, at makikita mo ang view ng Taal Lake habang nagswi-swimming ka. 'Ang ganda talaga, para akong nasa paraiso.' Napabuntong hininga na lang ito habang napikit. Hanggang sa --- "Miss okay ka lang?" Biglang minulat ni Marie ang kanyang mata at nagulat ito na napatingin sa may-ari ng boses. "Ha? Ahh...Ehh.. Okay lang" Sagot naman nito. 'Ba't siya andito? Anong ginagawa niya dito? Sa lahat naman pwedeng lugar na pwede ko siyang makita, bakit dito pa?!' isip naman niya bigla.

"Pasensya na kung ginulat kita, akala ko kasi kung ano na ang nangyayari sa'yo eh" sabi ni Jason na parang pamilyar ang muka ng babaeng kaharap niya ngayon. "Miss kilala ba kita?" hindi napigilan ni Jason na magtanong.

"Hindi, ba't mo naman naitanong yan?" 

"You look familiar. Maybe i know someone that looks like you. Sorry again miss" 

"Okay" mahinang sabi ni Marie.

"Oh and by the way miss, you might want to step away a little? One more step and you're going to get wet" Habang papalayong sabi ni Jason kay Marie.

Napatingin naman si Marie sa baba, at tama nga ang sabi ni Jason, isang hakbang na lang at mahuhulog na nga siya sa pool. 'Hay Marie naman kasi, sa sobrang enganyo mo sa lugar nakakalimot ka na rin minsan' na sa isip niya ay sinasampal niya ang kanyang sarili sa katangahan niya. Buti na lang pala at nagsalita si Jason kung hindi basa na siya ngayon. Nakakahiya pa namang maglakad sa lobby kapag ganun. 

"MARIE!! Anong ginagawa mo diyan? Halika na! Dalhin na natin yung mga gamit natin sa kwarto. Nauna na yung iba" Patakbong pagsabi ni Clang sa kaibigan. "Kanina ka pa kaya namin hinahanap, lika na"

"Eto na, papunta na!" 

===================================================================

(Pub Area)

Nakailang tagay na rin si Jason sa iniinom niyang tequilla, habang malayo ang tingin nito at malalim ang iniisip. Tatlong taon(3yrs) na ang nakakaraan, magmula nung iniwan siya ng babaeng yun. Hindi pa rin siya makapaniwala hanggang ngayon na wala na Siya. 'Ba't kelangan mo kong iwan? Dahil sa'yo kaya ako ganito ngayon. Walang kwenta ang buhay ko ngayon. Ba't kelangang dumating ka sa buhay ko, pero sisirain mo lang pala sa huli. Bakit???' Sa sobrang lalim ng iniisip niya ay hindi niya narinig ang tawag ng bar tender sa kanya.

"Sir Jason, Sir Jason? Okay lang po ba kayo? Gusto niyo po ba tawagan ko po si Paeng para iuwi na po kayo?" tanong ng bar tender na halata mong nag-aalala sa taong asa harapan niya. 

"Okay lang ako Rick. Isa pang shot please" Halos nakapikit na ang mga mata nito.

"Sir, hindi niyo na po kaya. Tatawagan ko na po si Paeng para dalhin na po kayo sa kwarto niyo" agad naman itong tinawagan sa telepono si Paeng. Habang kinakausap niya ay palingon-lingon ito kay Jason, na akala mo ay mawawala na lang bigla kapag hiniwalayan niya ng tingin.

Si Jason naman ay nakahiga na ang kayang muka sa mesa. Hindi na rin niya nakayanan ang epekto ng alak sa kanya. 

===========================================================

"Happy Birthday Shynie, Happy Birthday Shynie, Happy Birthday Happy Birthday, HAPPY BIRTHDAY SHYNIE!!!" pagtatapos nang kanta ng magkakaibigan.

"Thanks guys! At lalo na kay Clang, hindi ko ine-expect na dito mo kami dadalhin sa hotel na to. Kaya pala gusto mong ikaw ang mag-plano ah?!" nakangiting sabi ni Shyne na nakatingin kay Clang.

Natawa naman si Clang, "Syempre, regalo ko to sa'yo. At para na rin sa inyong lahat to, nung time na kelangan ko kayo, andyan naman kasi kayong lahat sa kin eh, kaya eto na yun."

"Ang drama mo Clang!" Sambit naman ni Cathee na nakangiti. "Hahaha" tawanan naman ang lahat.

"Tama Clang ma-drama ka nga! Mag-enjoy na lang tayo, kasi kinabukasan uuwi na rin tayo, kaya tagay na!" Biglang singit naman ni Ruby, habang tinataas ang baso.

"Tagay!!! Wooohhhh!!" 

(after 30mins)

"Guys labas lang muna ako ah? Lilibot lang" Tumatayo na si Marie habang sinasabi niya ito. Tumango naman ang mga kasama niya. Naglalakad si Marie sa hallway nang may nakita siyang lalaki na nakaupo sa may pader. Hahayaan na lang sana niya ang lalaki ngunit bigla naman itong tumayo at pagewang gewang ito. 'Lasing ba to?' Isip naman niya, "Ah, kuya okay ka lang ba?" tanong nito. Tutulungan na dapat niya ito pero natatakot siya baka bigla siyang hilain nito at dalhin siya kung saan. Inulit na lang niya ang tanong, "Kuya, okay ka lang po ba?" tanong na naman niya habang tinitignan niya ang lalaki na kapag hinawakan niya ito ay bigla itong matumba. Dahil sa nakikita niya ay mukang hindi na kaya ng lalaki ang tumayo pa dahil na rin sa sobrang kalasingan.

"Anya! Anya! Hindi mo dapat ako iniwan" Biglang sabi nito habang pinipilit niyang tumayo ulit. 

'Anya!! Sino naman yun?' "Uhmm, Kuya tutulungan ko po kayo tumayo ah?!" napakamot ng ulo si Marie, "Ba't nga pala kita kinakausap eh lasing ka nga pala, tanga Marie." sabay batok nito sa noo niya. Nagulat na lang si Marie nang makita na niya ang muka ng lalaki. "Sir Jason?" Nanlaki ang mga mata niya, hindi siya makapaniwala na ang lalaking kanina pa niya kinakausap ay si Jason DeLa Fuente pala. "naku Sir, ano pong nangyari sa inyo? Ba't naman po kasi kayo uminom ng sobra? At ano ba tong ginagawa ko at kinakausap pa kita, malamang hindi mo na to matatandaan bukas." Napabuntong hininga na lamaang si Marie. "May isa nga lang tayong problema Sir. Hindi ko alam kung asan ang kwarto mo." Habang sinasabi ito, tinutulungan na niyang tumayo si Jason. "Alangan namang dalhin kita sa kwarto ko, aggghhhh, grabe Sir, ang bigat mo!! Sana lang alam ko, aggghhh, kung san ang kwarto mo, ahhhh, Jusko kung eto po ang parusa ko sa mga kasalanan ko, patawarin niyo po ako, hindi ko na po uulitin talaga, aggghhhh, ibang klase po talaga ang parusa niyo rin po sa akin noh!? Agggghhh, no choice talaga tayo Sir, sa kwarto ko na lang po kayo dadalhin, agghhhh" Hirap na hirap si Marie sa pag-akay dito. Hindi niya talaga maintindihan ang mga lalaki, iinom inom pero di naman pala nila kaya. Pero isang katanungan paa rin ang umiikot sa utak niya, 'sino si Anya?'

My First Romance (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon