Chapter [33]

666 5 2
                                    

Iminulat ni Marie unti-unti ang kanyang mata, nang nakakakita na ito ng malinaw ay napansin niya na nakatigil na ang sasakyan nila. Tinignan niya ang driver side at nakita niyang wala na si Jason, bigla siyang napaupo at tinignan ang paligid niya, dun niya lang napansin na asa ibang lugar na sila, at unti-unti nang bumababa ang araw. Binuksan niya ang pinto ng sasakyan, tsaka ito bumaba at tinignan nang mabuti kung asan sila. Nang makita niya ang malaking karatula na nakalagay sa malaking trampulin na may nakalagay na "Flower Farm", ay nagtaka ito, 'anong ginagawa namin dito?' isip niya.

Habang nakatitig pa rin si Marie sa karatula ay hindi niya namamalayan na asa gilid na pala si Jason na papalapit sa kanya "BOO" hawak niya bigla sa balikat ni Marie. 

Napatalon si Marie, na automatic na nilagay ang kanang kamay nito sa dibdib, tsaka niya tinignan ang taong nanggulat sa kanya "JASON!!!" tinignan niya ng masama ito.

"Hahaha...." tumawa si Jason ng malakas dahil sa naging reaksyon ni Marie.

Hindi nagustuhan ni Marie ang ginawa ng binata, nang makita niyang hindi pa niya sinasara ang pinto ng kotse, ay sinara niya ito ng malakas. Nagulat si Jason at napahinto ito sa pagtawa, tsaka niya tinignan si Marie "okay! You got me there!!" napa-ngisi naman ang dalaga "good!!"

Binalik ulit ni Marie ang tingin niya sa karatula "asan tayo?" curious na tanong ni Marie sa kanya.

"Welcome to Flower Farm!" ngiti nito sa kanya habang tinitignan niya si Marie. Napangiti rin si Marie kay Jason "i can see that!" sagot nito kay Jason na nakaturo ang kamay nito sa karatula. "Ang ibig kong sabihin, anong lugar to?"

Lumapit si Jason sa kanya, at hinawakan ang kamay niya "Tagaytay" tanging sagot nito kay Marie.

Sa gulat ni Marie ay napanganga ito "seriously??" tumango naman si Jason. "Let's go!" hila-hila niya ang kamay ni Marie papasok sa loob. Samantalang, hindi pa rin makapaniwala si Marie na nakarating sila sa Tagaytay, "akala ko asa Metro Manila pa rin tayo.." bulong nito sa sarili.

Pagpasok nila ay mas lalo siyang napanganga, "wow!!" habang tinitignan niya ang paligid na punong puno ng iba't ibang klase ng bulaklak, na iba't iba rin ang kulay. Tinitignan ni Jason ang reaksyon ng kanyang girlfriend, at hindi naman siya nabigo, kitang kita sa muka ni Marie na manghang mangha siya dito. 

"You like it?" tanong ni Jason na hinahawakan na ang kamay ni Marie na nakalagay na sa dibdib ng binata.

Tango lang ang tanging naisagot nito kay Jason na tinitignan pa rin ang paligid. Lalong napangiti si Jason sa kanya, tsaka nito hinalikan ang kamay niya na hawak hawak ni Jason. "We're here!" napatingin si Marie kay Jason na nakakunot ang noo na iniisip kung anong ibig niyang sabihin dun. Obvious naman na andun na sila, pero nang ibinaling ni Marie ang tingin nito sa harapan nila ay dun niya naintindihan ang ibig niyang sabihin sa 'we're here' ni Jason.

"Akala ko ba farm to??" tanong ni Marie kay Jason na nakatingin sa lobby nang pinasukan nilang parang bahay.

"Yap! Farm nga, na parang bahay na rin..." sagot nito kay Marie na tinitignan ang paligid nito. "Bakit? May bahay rin naman sa farm diba?" sunod na tanong ni Jason sa kanya.

Napangiti ito kay Jason "alam ko...ang akala ko kasi farm lang siya, yung tipong parang flower shop na may cashier, may mga flowers na binebenta...hmmm...ganun lang...hindi ko naman ine-expect na may bahay talaga siya.."

"Well, not actually bahay, na parang tinitirhan ng isang family, parang mini resort kumbaga...pwede kang mag-stay for a night, or maybe couple of days, just to relax...you know what i mean."

Napatango si Marie sa kanya na binalik ang pagtingin sa paligid niya.

"Good Evening Sir Jason! Kanina pa po namin kayo hinihintay" bati nang isang babae kay Jason.

My First Romance (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon