Chapter [37]

573 7 1
                                    

Dear Readers,

          Pasensya na ulit at ngayon lang po naka-UD...syempre bizi-bizihan tayo nitong mga nakaraang araw, at nga pala BELATED MERRY CHRISTMAS to all!! Hindi ko alam kung okay ba tong chapter na to, pero sana magustuhan niyo pa rin... enjoy =))

===MARIE'S P.O.V===

 Ano na nga ba yung movie na ipapakilala mo yung fiance mo sa parents mo?? Ahhhh!!!! Ayun!! 'Meet The Parents'!! Ba't ko tinatanong?? Kasi yun ang eksena namin ngayon ni Jason....hindi nga lang sa harapan ng parents ko, or niya.....sa harapan lang naman ng mga kaibigan ko! Yap, tama ang pagkakarinig niyo, sa harapan ng mga kaibigan ko.

Eh yung ninenerbyos ka kasi finally ipapakilala mo na yung pinaka-importanteng tao sa buhay mo sa harapan ng magulang mo?? Well, yun ang nangyayari ngayon, yun nga lang, hindi nerbyos ang nararamdaman ko, kundi hiya at konting irita lang naman. Matagal na rin kasing nire-request nila Clang na makilala ng personal si Jason, at dahil sa naging maluwag yung schedule niya these past few days, ay nakahanap rin kami ng perfect date para makilala na nila officially ang boyfriend ko.

"So, Mr. DeLa Fuente, hanggang anong base ka na ba sa kaibigan namin??" nanlaki ang mga mata ko kay Clang. Sa lahat ba naman ng pwedeng tanungin bakit yun pa ang naisip niyang itanong?? Kahit sina Karla ay napatingin rin kay Clang, yun nga lang naka-ngisi si Karla, hayyy....

Napatawa ng maikli si Jason nang mapatingin ako sa kanya "hmmm.....let's see!.." ha?? anong 'let's see, let's see' ang sinasabi niya??

Napatingin si Jason sa kin "first base....for now..." ngisi nito sa kin. Syempre, ako naman, nanlaki ang mga mata ko sa kanya.

"Oooohhhh....so, may balak ka pa lang maka-second base?? Likey likey!!" napatingin ako kay Karla na naka-open ang bunganga ko. Anong nangyayari?? Ba't parang biglang napunta sa base base na yan ang  usapan namin?

Okay, rewind tayo ng kaunti ha? Kanina ay maganda pa ang flow ng usapan. Actually, nagulat nga ako sa kanila kasi napaka-mature nila kung makipag-usap kay Jason kanina. Aakalain mong sinaniban sila, well, syempre, matagal ko na rin silang kasama, kaya para magsabi sila nang mga gusto kong gawin at puntahan kay Jason, yung mga advice nila sa min about sa relationship, well, more about sa akin, at sa mga may sense na usapan, eh talagang nakaka-proud diba? Pwede rin pa lang magseryoso ang mga to eh.

Hanggang sa napunta ang usapan sa ilang babae na ang.....alam niyo na... ang tanong nila kay Jason. Hindi ko maintindihan kung bakit napunta ang usapan dun? Hanggang sa eto umabot na kami sa base-base na yan. Minsan naiisip ko kung nagawa na ba nila yun, ang dami kasi nilang alam eh.

Okay, fast forward na tayo. Ngayon naman ay bigla kong narinig ang tawa ng mga kaibigan ko. Napatingin ako sa kanila, tsaka ko sila inirapan isa-isa. Aba, masisisi niyo ba ko? Eh nakakahiya kayang pag-usapan ang ganyang bagay, lalo na sa harapan ng boyfriend ko. Kinikilig talaga ako tuwing sasabihin kong ‘boyfriend ko’ yiiieeee…. Okay Marie, focus!!!

Nakita kong bumuka ang bunganga ni Jason, muka atang may sasabihin rin, pero inunahan ko na siya “pwede ba? Change topic na tayo?? Nagiging awkward na for me ang ganyang usapan….” Nang makita kong mukang may sasabihin si Karla, “at pwede? Virgin pa tong kaharap niyo noh?” irap ko kay Karla.

“Excuse me!! Virgin rin po kami!! Yun nga lang mas open lang kami sa sex, kesa sa’yo!” singit ni Karla.

“And besides, para namang hindi pa nagagawa yan ni Jason eh” sunod na sabi ni Clang. Hinawakan ko ang ulo ko, tsaka ako tumingin sa kanila “kapag hindi pa kayo huminto sa pag-uusap tungkol dyan, aalis na talaga kami” diing sabi ko.

My First Romance (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon