Chapter [21]

1K 6 0
                                    

Masaya.....Yan ang nararamdaman ni Marie ngayon. Pagkatapos nang nangyari sa kanila nung gabi na yun, ay hindi na ma-i-alis ni Marie ang ngiti nito sa kanyang muka. Nakabalik na sila galing Boracay, at hanggang ngayon ay napapangiti pa rin siya ng sinabi ni Jason ang mga salitang yun, "I want to spend my time.....with you....alone" para sa iba siguro ay bale wala ito, pero para sa kanya, na unti-unti nang may nararamdaman para sa binata, ay big deal ito. 

Pagkatapos niyang sabihin yun ay hindi na muna sila bumalik sa kwarto nila, kundi, nagkwentuhan na lang sila, at dun na rin sila kumain. Hindi nila alam kung anong oras na sila nakabalik, ang ine-expect nila ay nakabalik na ang lahat sa kani-kanilang kwarto, ngunit pagdating nila dun, ay nakita nilang nakatulog na ang lahat. Kaya ang ginawa nila ay kinuha na lang ang kwarto ni Andy, at dun na lang sila nagpalipas ng gabi. 

Masaya, ang pakiramdam niya pag-gising niya pa lang sa umaga. Kahit ang kanyang kapatid at pinsan na kasama niya sa bahay nila ay napansin rin ito, "ba't parang ang saya-saya mo ngayon Ate?" takang tanong ng kapatid niyang si Angeline. "Oo nga po Ate, kakaiba ang aura mo ngayon" singit ng pinsan niyang si Enna, ngiti lamang ang naisagot ni Marie sa kanila.

Kahit pagpasok niya ng opisina ay nahalata na rin ito ng guard, "Mam Marie, mukang masaya po tayo ngayon ah?" ngiting sabi nito kay Marie. Pati na rin ang mga ka-office mate niya sa department nila ay napansin rin ito. Hanggang sa makarating siya sa cubicle niya, kahit na present siya sa opisina, ay hindi niya magawang simulan ang trabaho. Nakatingin lamang ito sa monitor niya, habang iniisip ang mga nangyari sa kanila ni Jason sa Bora.

Napansin ito ni Karla, sa kabilang cubicle. "Marie!!! Marie!!! MARIEEE!!!" sigaw niya sa huli.

Nagulat naman si Marie, at bigla itong napatingin kay Karla, na nakahawak sa kanyang dibdib, "ANO??" 

Ngumiti naman ito sa kanya, "eh kasi parang wala ka sa katawan mo ngayon"

Hinahawakan pa rin ni Marie ang kanyang dibdib, at nakakunot na ang kanyang noo, "Ha?? Anong wala ako sa katawan ko ngayon?" inis na tanong nito.

"What i mean is, andito ka, pero yung utak mo at kaluluwa mo, eh wala rito." 

Napabuntong hininga naman ito bago sumagot kay Karla, "alam mo Kai, minsan ang weird ng mga sinasabi mo! Ba't hindi mo na lang sabihin na andito ako, pero wala ang utak ko, kelangan talaga pati kaluluwa kasama?!?"

“Eh kasi sa nakikita ko” tinignan ni Karla ang kaibigan mula ulo hanggang paa “kanina ka pa hindi gumagalaw sa kinauupuan mo! Nakatingin ka lang sa monitor mo, magmula nung dumating ka, hanggang ngayon, wala kang ginagawa kundi titigan yang monitor, na may kasama pang ngiti!” pagtatapos ni Karla na may kasamang pagngingisi. “Siguro may nangyari noh?”

“WALA NOH!?” pasigaw na sagot ni Marie na hindi namalayan na napatayo pala siya. Napatingin naman ito sa iba pa niyang ka-officemate, tsaka ito tumingin ng masama kay Karla at umupo ng dahan-dahan.

Napatawa naman ng mahina si Karla, “wala nga!! Pero kung makapag-react naman, parang meron” patuloy na pangungutya ng kaibigan.

“Alam mo Kai, kapag hindi ka pa tumigil dyan, hindi ko ikwe-kwento sayo ang nangyari!!” mahinang sabi ni Marie sa kanya.

Napangiti ng malaki si Karla, “okay!!”

Umiling na lang si Marie kay Karla, at bumalik na ito sa trabaho. Hindi naman makapaniwala si Marie na ganung kabilis ang oras. ‘Ganun ba ko katagal na nakatitig lang sa monitor ko??’ isip niya. Napapikit ng mata si Marie, at pinaguuntog ng mahina ang kanyang noo sa lamesa.

“Marie, okay ka lang?” tanong ni Karla.

Napatigil sa paguuntog ng ulo si Marie, at tumingin ito kay Karla “okay lang Kai” tumingin na siya sa monitor niya, at sinimulan na niya ang mag-type.

My First Romance (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon