Chapter [26]

857 6 1
                                    

"Grabe ah? Ang baduy niya ah?!" makikita sa muka ni Karla ang hindi pagka-gusto sa pet name na binigay sa kanya ni Jason. "As in, 'My Angel' talaga??" dugtong pa ng kaibigan niya.

"Kai, ang sweet kaya at ang cute!!" singit bigla ni Cathee, with a dreamy face.

"Excuse me noh? Hindi kaya!! Ewww, ang baduy talaga!!" diin ulit ni Karla.

"Baduy, baduy ka dyan!! Ikaw kaya noh? Ang tawag sa'yo ng bf mo, 'BABE', mas wala namang originality yun noh!?" singit naman ni Shyne.

"Ang cute kaya nun?" pagtatanggol ni Karla.

"CUTE?? Ano namang cute dun?" sambit ulit ni Shyne kay Karla.

Magmula nang nai-kwento ni Marie sa mga kaibigan niya ang mga ginawa nila sa date nila ni Jason ay hindi na tumigil sa pagbibigay ng iba't ibang opinyon ang mga kaibigan nito. Pinapakinggan na lamang niya ang bangayan ng mga ito. Lalo na nung kwinento niya sa kanila kung anong pet name ang binigay sa kanya ni Jason, na hanggang ngayon ay hindi pa rin tumitigil sa pagbabangayan.

Hindi pa rin niya makalimutan ang first date niya kay Jason, hindi niya talaga ine-expect na ganun ang gagawin ng binata. Dinala rin siya sa mga lugar na hindi niya alam na meron rin pala sa metro manila. Nag-enjoy talaga siya sa limang araw na nag-date sila, kahit nga ang mga kaibigan niya ay natutuwa rin para sa kanya, at gusto nila ang ginagawa ni Jason para sa kanya.

"Alam niyo, pareho lang namang baduy yun eh!" singit bigla ni Mia kina Shyne at Karla. Nagkatinginan sila Karla at Shyne tsaka sila tumingin kay Mia, "kasi pareho kayong in love ni Marie....diba ganun naman talaga pagdating sa love?" dagdag pa ni Mia.

Napatango ang lahat sa sinabi ni Mia, "alam niyo, para kayong mga sira ulo!!" pagrorolyo ng mata ni Cathee.

Tinignan ng masama nila Karla at Shyne si Cathee, napansin naman ito ni Marie, "tama na nga yan! Dahil lang sa pet name na yan, nagkakaganyan na kayo! Parehong espesyal ang pet name na binigay ng bf ni Karla sa kanya, at nang binigay sa kin ni Jason, okayyy??" 

"So inamin mo rin na type mo nga ang binigay sayo ni Jason!!?!" ngiting sabi ni Shyne.

Napatingin si Marie kay Shyne, "wala akong sinasabi ah!?"

Nagkatinginan ulit ang mga kaibigan nito, tsaka sila nagtawanan, "sus!! Wala raw oh!? Aminin mo na kasi na gusto mong tinatawag kang 'My Angel'" 

"Ewan ko sa inyo!" sagot ni Marie na may kasamang pagrorolyo ng mata.

Lalong tumawa ang mga kaibigan niya,"wushuuuu!! Aminin mo na kasi Mars!! Wala naman siya dito eh" pang-aasar na panunukso ni Shyne.

"Oo nga naman Marie!! Promise! Hindi namin sasabihin!!" paniningit naman ni Cathee.

"Pwede ba? Change topic na nga lang tayo, pwede?" nahihiya na si Marie sa mga panunukso nang kaibigan.

"Sige! Change topic tayo, kelan mo siya sasagutin?" hindi na nagpa-tumpik tumpik pa si Karla.

Hindi naman ine-expect ni Marie ang tanong ni Karla sa kanya. Hindi pa pumapasok sa isip niya kung kelan niya sasagutin si Jason. Sa totoo lang, gustong gusto niya ang ginagawa ni Jason sa kanya, dahil na rin sa 1st time niyang ma-experience ang ganito, kaya nag-e-enjoy siya. "Hindi ko pa alam eh!" ang tanging naisagot niya kay Karla.

"Anong hindi mo alam? Hello?? Mars, don't tell us na patatagalin mo pa ang panliligaw niya sayo.." hindi makapaniwala ang mga kaibigan niya na hindi man lang niya naisip na sagutin si Jason.

"Hindi naman sa ganun...kaya lang kasi, ano....siguro sa nag-e-enjoy ako sa atensyon na binibigay niya sa kin...ehhhhh, alam niyo naman na 1st time ko lang na makaranas nang ganito diba?" pagtatanggol na sagot ni Marie.

My First Romance (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon