Chapter [7]

1.2K 3 1
                                    

"YOU'RE LATE!!" biglang sigaw ni Lea kay Jason, samantalang nagulat naman si Marie sa kinauupuan niya. "Jason, what time did i tell you to be here?" galit na tanong ni Lea sa kapatid. 'Mental note, huwag gagalitin ang isang Lea DeLa Fuente' isip naman ni Marie, na halatang may konting takot sa inaasta nang kanyang boss. 

"Ahhhh.... 7am?? oh no, 8am...??" sagot ni Jason na ang kanang kamay niya ay nasa likod ng kanyang ulo. Alam niyang galit na ang kanyang Ate, at hindi magandang 'sign' ito. Ibang klase kasing magalit ang kanyang kapatid, para siyang sinasapian kapag nagagalit. Alam naman niyang late na siya, pero hindi niya mapigilan ang sarili niya na hindi lumabas kagabi. Niyaya kasi siya ng kanyang barkada, dahil na rin sa mahilig siyang lumabas, kaya hindi ito maka-hindi. Nasobrahan ang inom niya, at naka-uwi na siya sa condo niya ng mga 2am na. "Sorry ate" Nakayukong pagsabi nito.

Napabuntong hininga na lang si Lea, wala rin namang mangyayari kung pagagalitan niya ito. At wala na rin naman siyang oras para sa sermon, "Mag-uusap tayo after work sa bahay Jay. I can't just let it go. Just please, please, be professional. There are people who are more way important than you." Naiintindihan naman niya ang kapatid niya, pero wala sa lugar ang mga ginagawa nito. 

Si Marie naman ay pinapanood niya ang magkapatid, 'infairness kay Jason, alam niya na mali siya' isip nito. Pero napansin niya rin kay Lea na naiintindihan niya si Jason, kung meron lang sana siyang kapatid, siguro ganito rin ang mararanasan niya. Awayan, galitan, tampuhan, bangayan, kaya lang nag-iisa lamang siyang anak. Wala rin naman siyang magawa kasi hirap na ring magbuntis ang nanay nito. Bumalik sa reyalidad si Marie nang biglang nagsalita si Lea.

"Okay! Let's start the meeting na" 

===========================================================

(after 3hrs)

"That's it for now! Let's discuss this again on friday at 8am. Jason, please don't be late again. I will not tolerate it the second time, and i promise you that dad will know about it. Do i make myself clear?" tanong ni Lea na inaantay ang sagot ni Jason. "Yes ma'am!" ang sagot naman ni Jason. "Good! Well, i better get going, i have a lunch meeting to attend to." tumayo na si Lea, pero bago pa ito umabot sa pinto, "Ms. Gonzales, thank you, and i'll be seeing you as well" ngiting pagtatapos nito at lumabas na nang opisina niya.

Pagkalabas niya ng opisina ay walang nagsalita sa kanilang dalawa. Habang inaayos ni Marie ang mga files nito ay nakahiga naman sa isang mahabang upuan si Jason at nakatingin lang ito sa ceiling. "Sorry" biglang salita nito.

Ikinagulat naman ito ni Marie, "Ha? Ano po ulit yun sir?" pabalik namang tanong nito.

Napabuntong hininga si Jason at tumayo ito at umupo at nakatingin kay Marie, "Sorry..." Seryosong sabi nito kay Marie na inaantay rin ang sagot nito.

Napatingin si Marie kay Jason at mahahalata mo sa muka ni Marie ang gulat at hindi makapaniwala na nagso-sorry siya sa kanya, "para saan po sir?" naguguluhang tanong nito.

"Sa ginawa ko sa'yo nung asa Tagaytay tayo. Hindi lang talaga naging maganda ang gabi ko nun, and i'm not a morning person." na nakatingin pa rin kay Marie habang nagsasalita siya.

Napayuko bigla si Marie, "okay lang po sir."

"Yun lang?? Hindi ka ba magagalit sa kin, hindi mo ba ko sisigawan??" gulat na pagtatanong ni Jason.

"Nag-sorry na naman po kayo sir eh. Okay na po yun" Nakatingin na siya kay Jason.

"Well, okayyy..." wala nang nagsalita pagkatapos ng usapan nila.

"Uhmm, i better go... Uhmm... See you on friday... I guess" Tumayo na si Jason at lumabas na ito.

Napatango na lang si Marie, pero bago pa ito makalabas ng opisina ay biglang bumalik si Jason at, "Ah nga pala, nakalimutan ko na sabihin sa'yo kanina, nakabukas pala yang zipper mo. Nakakahiya kasi kapag lumbas ka at nakita nila yan, baka sabihin kung anong ginawa natin dito, bye" pagtatapos ni Jason na may kindat pa sa huli at tsaka na ito umalis.

Napa-nganga na lang si Marie at namula na lang siya nang tinignan niya ang pantalon niya. 'Nakakahiya'

My First Romance (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon