Chapter [5]

1.2K 6 0
                                    

"Ahhhhhhh...." Nagising bigla si Jason sa matining na boses na yun. Bago pa siya makabangon ay may humampas na sa kanya ng unan. "awwfff!!! Ano ba? Arayyyy!!!" Bigla itong bumangon at kinuha ang unan , "Ano ba? Hindi ba pwedeng matulog ako ng walang maingay o nanghahampas ng unan sa kin?!?" Iritang sabi ni Jason. 

Nanlaki bigla ang mata ni Clang, at bigla itong yumuko. Wala kasing damit na pang-itaas at nakaboxer shorts lamang siya. "Ba't kasi andito ka? Anong ginagawa mo sa kwarto namin?" Nakatingin na ito kay Jason habang tinatanong niya ito. 

"Anong kwarto niyo? Kwarto ko kaya to?!!" Nang tinignan niya ang paligid ay nagulat na lang ito at dun bumalik ang nangyari kagabi. 'Shit!! Wala akong matandaan kung anong nangyari. Sino namang tao ang nagdala sa kin dito, SHIT!!!' Habang nag-iisip si Jason, bigla naman pumasok si Marie.

"CLANG!! Anong ginagawa mo dito?" gulat na pagbungad ng kaibigan.

Tinignan naman siya ni Clang na sa muka niya ay gusto niyang sabihin na (DUH!! Kwarto ko kaya rin to) na tingin. "Sa tingin mo Marie? Ba't nga ba ako andito? Hmmmm??".

"Ipaliwanag mo na lang sa akin... sa amin pala, kung anong nangyari. At kahit itong lalaking dinala mo dito sa kwarto natin ay walang matandaan." Pagtatapos ni Clang, na wala sa mood para pahabain pa ang nangyayari ngayon. At kwinento nga ni Marie yung nangyari, "Tas yun, dinala na lang kita dito, hindi ko kasi alam kung saan ang kwarto mo eh."

"Eh ba't wala siyang suot?" iritang tanong ni Clang.

"Yan ang hindi ko alam! Basta hindi ko siya ginalaw. Nilagay ko lang siya sa kamay, at yun na!" Pagtatanggol namang sagot ni Marie.

"Well, Thanks anyway. I better get going!" Iritableng sagot ni Jason na halatang bwisit na bwisit siya sa nangyayari ngayon.

"Teka!! Hindi ka ba muna kakain ng breakfast? Binilhan kasi kita eh" Hiyang salita ni Marie.

"Thanks but no thanks!" Galit na sagot nito kay Marie. "Just forget what happened here and last night!! I'd better go, everybody knows me here, and i don't want to be seen getting out of this room!!"

"EH DI UMALIS KA!!!" Biglang sigaw ni Clang. Nagpintig ang tenga nito dahil na rin sa ugali ng lalaking asa harap niya. Hindi siya makapaniwala na siya pa ang may karapatang mag-asta ng ganun, samantalang ang kaibigan niya ang tumulong dito.

"Whatever!! And you" tingin niya kay Marie, "what's your name again?" Tanong nito.

"Ahhh... Marie?" naguguluhang sagot naman ni Marie na hindi niya malaman kung bakit bigla niyang natanong ang pangalan nito.

"Okay, Marie.. If you need anything else, like food or whatever that you need, just say my name on the counter, they'll know it" Biglang sabi ni Jason na habang sinasabi nito ay tapos na rin itong suotin ang damit niya at nagmamadali nang lumabas, pero...

"Excuse me??" Gulat namang sabi ni Marie.

"Are you deaf? You heard what i said. Payment for what you've done" 

"Hindi ko naman kelangan yan eh, kahit Thank You lang, okay na sa kin" 

"Whatever!" Pagkasabi ni Jason nito ay dali-dali rin siyang umalis na ng kwarto. 

Pagkaalis ni Jason ay hindi nakaimik ang dalawang magkaibigan. Hindi kasi sila makapaniwala na matapobre pala ang natulungan ni Marie. Napatingin na lang si Clang kay Marie na nakatalikod sa kanya at nakatingin pa rin sa may pinto. Naawa siya sa kaibigan, dahil alam niya na hindi madali na mag-alaga ng lasing, lalo na at hindi pa niya kilala ito. 

"Naku Marie!! Hindi lang anak ng CEO ng companya ninyo yun, nasuntok ko na yun, ay hindi, baka malala pa!" Nagulat naman si Marie sa biglang pagsalita ni Clang. Nakalimutan niya na andun rin pala ang kaibigan niya.

Napangiti na lang si Marie, "Join ako sa'yo jan" tawa naman ni Marie. Pagkasabi ni Marie nito ay ngumiti na rin si Clang. Sa pagkakakilala kasi ni Clang kay Marie, masyadong sensitive ito, kaya alam niya na kahit papano, nasaktan ito sa pangyayari.

"Huwag na nating alalahanin pa yun! Kalimutan na lang natin ang nangyari ngayon, okay?" Sabi ni Clang na hinahawakan na niya ang kanang kamay ni Marie.

"Okay" Ngiti naman ni Marie, nagpapasalamat naman ito dahil alam na alam ni Clang kung ano ang dapat niyang gawin sa ganung sitwasyon.

My First Romance (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon