Chapter [29]

773 5 8
                                    

Hello Readers,

            Pasensya na at maikli lang ang chapter na to... This week, medyo naging busy at hindi masyadong maganda ang mood ko. Tapos kanina, ilang ulit kong pinalitan ang chapter na to, kasi hindi ko talaga alam, kung ano ba ang magiging senaryo nang chapter na to, hehe... Pasensya na po talaga... Hopefully, kapag ginanahan ulit na magsulat bukas, at matapos rin bukas, eh mag-a-upload po ulit ako... Yun lang po, SALAMAT!!

==============================================

Walang nagsasalita kina Jason at Marie, habang nakaupo sila sa mini garden. Hindi alam ni Jason kung ano ang sasabihin niya. Nagpapasalamat na lang siya at naaabutan pa niyang gising si Marie dahil ayaw na rin naman niyang ipagpa-bukas pa ang dapat na niyang sabihin. Kahit nung nagmamaneho siya papunta sa bahay nila Marie ay nag-iisip na rin siya ng sasabihin niya, pero nagdedecide rin kaagad na hindi sabihin. Hanggang sa umabot na siya sa bahay ng dalaga ay wala pa rin itong naiisip.

Laking gulat ni Marie nang biglang naisipan ng binata na bisitahin siya sa ganitong oras ng gabi. Alam na niya kung ano ang pinakay ni Jason, pero ayaw niya lang pangunahan ang binata. Habang tinitignan ni Marie si Jason na katapat niya sa kinauupuan niya, ay halatang kabado ito, at hindi alam ang sasabihin sa kanya. Kahit rin naman siya ay hindi rin naman alam ang sasabihin if ever na may tanungin si Jason sa kanya about sa nangyari.

Nakaupo sila ngayon sa garden nila Marie. Isang maliit at simpleng garden lamang ito na asa kaliwang bahagi ng kanilang bahay. May upuan at lamesa sila na naka-semento pero nakapinta ito na itsurang kahoy. Napapalibutan sila ng mga halaman at ang isa sa paborito ng kapatid niya ay ang red roses. May isang malaking puno sa kaliwang bahagi ng lamesa nila. Tuwing pagod na pagod si Marie ay sa garden siya nagpapalipas ng oras, lalo kapag gabi, mahilig kasi siyang mag-star gazing. 

Ilang minuto na rin ang lumilipas ngunit hindi pa rin nagsasalita si Jason. Nagwo-worry na rin si Marie dahil magmula nang dumating siya ay wala pa rin itong imik. Habang tinitignan niya ang binata ay inobserbahan niya rin ang suot nitong damit. Naka-white shirt lamang ito, na naka-light loose na pants at naka-sandals lamang ito. 'Wow, ang simple lang ng damit, pero parang pang-super model lang ang outcome niya...Ibang klase talaga... Kung ako, siguro ang magsusuot ng ganyan, baka magmuka lang akong pupuntang palengke...' isip niya.

Si Jason naman ay nag-iisip pa rin kung pa'no niya sisimulan ang conversation niya kay Marie. Yuyuko ito, tapos ay ia-angat ang ulo nito ngunit hindi nakatingin sa dalaga. Alam niyang hindi na rin maganda na pinaghihintay niya si Marie, lalo na't anong oras na rin. Napabuntong hininga ito, tsaka siya tumingin kay Marie, "i'm sorry...."

Nagtaka naman ang dalaga kung bakit ito nagso-sorry sa kanya, "ba't ka nagso-sorry?" 

"Kasi hindi man lang kita kinausap after nung nangyari..."

"Yun lang??" 

"Hindi ka galit? Or nagtatampo? Or what....." 

"Ba't naman ako magagalit at magtatampo??"

"Eh kasi.....kasi....hinalikan kita.....tapos ni hindi man lang kita kinausap after nun..."

"Hindi" maikling sagot ni Marie na makikita sa muka niya na hindi makapaniwala na yun ang outcome ng hindi pagkausap sa kanya ni Jason.

"Hindi??...As in, hindi....Wala kang naramdaman, after nun??"

"Well..... nag-worry lang ako..baka kasi hindi mo nagustuhan yung.....uhmm....halik ko....sa'yo.... baka na-realize mo na hindi pala ganun yung nararamdaman mo sa kin...ganun lang..."

Napangiti ng konti si Jason, "actually, nagworry rin naman ako...baka kung anong isipin mo sa kin eh..."

"Ibang klase talaga noh? Nang dahil lang sa hindi tayo nagkausap after nun, pareho tayong bothered sa iisipin natin sa isa't isa..." mahinang tawa ni Marie.

Nagkatinginan sila at parehong nakangiti, "sooo?? Okay tayo??" tanong ni Jason na gumaan na rin ang pakiramdam niya.

"Okay na okay tayo....Mr. DeLa Fuente!" panunukso ni Marie sa kanya sa huli.

"Mabuti naman Ms. Gonzales...kasi hindi ko alam ang gagawin ko kapag may galit ka sa kin..." sinserong sabi ni Jason kay Marie.

Hindi nakapagsalita si Marie, dahil hindi niya rin naman alam ang sasabihin niya. Nakita ni Marie sa mga mata ng binata na importante ang siya sa kanya, at seryoso talaga siya sa kanya. Ningitian na lamang  niya si Jason.

"Ayyy teka, wait lang ah? Huwag kang gagalaw!" biglang sabi nito.

Tumayo si Jason at dali-dali itong pumunta sa kotse niya. Pagbalik niya ay nakita ni Marie na may dala na itong isang dosenang white roses. Lumapit ito sa dalaga at binigay niya ito, "medyo lanta na rin... Nakalimutan kong ibigay sa'yo kanina eh... Alam mo na...." hiyang sabi ni Jason sa dalaga.

Napangiti si Marie habang tinitignan ang bulaklak na asa kamay na niya, "thank you" sabay tingin niya kay Jason.

Ngumiti naman ang binata sa kanya, "you're welcome"

Bumalik sa upuan si Jason, "soooo, can we have a date again tomorrow night?" 

"I would love to Mr. DeLa Fuente..."

====================================

"YOU WHAT???" sigaw ni Cristine kay Andy. 

Napatingin sila Patrick, Ivan, Spencer at Andy sa kanya, "i said, i saw her!" ulit na sabi ni Andy.

Napaupo si Cristine sa kinauupuan niya. Hindi man lang niya namalayan na napatayo siya, "this can't be good..." tinignan niya ulit si Andy, "are you really sure?? Baka mamaya, nagkamali ka lang..."

"Sinundan ko siya, para lang makasigurado ako na hindi siya yung nakita ko sa grocery kahapon...And guess what? She's really back!!" pagkumpirma ni Andy sa kanya.

"Nasabi niyo na ba kay Jason?" tanong ulit ni Cristine.

"Sasabihin na sana kanina, kaso pagdating niya dito kanina, wala naman siya sa ulirat niya...At isa pa, masaya siya ngayon, ayaw naman naming sirain ang mood niya.." sagot ni Andy.

"You really should tell him sooner... We all know, she's bad news!!" 

"Kinakabahan lang ako for Marie...." singit ni Patrick.

"Me too...Well, we just hope na hindi siya manggulo this time..." 

My First Romance (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon