Chapter [36]

575 1 0
                                    

Hello Readers,

            Etong chapter na to, pinaliwanag ko lang nang kaunti about kay Ashley, konti lang, konting konti lang, hehe... feeling ko medyo boring ang chapter na to, hehe... so yun... 

===MARIE'S P.O.V===

Habang kwine-kwento ni Jason ang nangyari sa kanya kanina, ay napansin kong napapadiin ang boses nito tuwing babanggitin ang pangalan ni Ashley, na may kasamang pagpikit nang kanyang mga mata at paghigpit ng kanyang kamay na naka-kamao. Dalawang beses kong hinawakan ang balikat niya, at natutuwa naman ako na humihinahon naman siya tuwing ginagawa ko yun. Isa pang napansin ko ang galit nito kay Ashley, hindi ko naman siya masisisi, dahil na rin sa ginawa nito sa kapatid niyang si Anya. Isa pang nakakagulat, ay ang pagsabi niya sa kin na magkapatid pala sila. Hindi ko akalain na may ganung tao na gagawin ang lahat para lang mapasa kanya ang taong mahal niya, kahit pa sa kadugo niya.

Ang akala ko sa mga teleserye ko lang nakikta ang mga ganyang eksena, nangyayari rin pala sa totoong buhay. Ang hinihiling ko lang ngayon, sana ay nawala na rin ang nararamdaman ni Ashley kay Jason. Hindi ako selosang tao, pero kung malalaman kong may nararamdaman pa rin si Ashley sa kanya, hindi malayong hilingin ko kay Jason na layuan niya ito. 

"Hindi ko pa rin maintindihan kung anong rason ni Andy....i mean, he knows that i don't want to see her, but then, ahhh.... i don't know..." niyuko niya ang ulo niya tsaka niya hinawakan ito.

Hinaplos ko ulit ang balikat niya "tanungin mo siya kapag nagkita kayo.." sa totoo lang hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Lahat na nang pwede kong sabihin para lang kumalma siya ay nasabi ko na. WHAT?? Huwag niyo kong sisisihin, hindi naman kasi ako magaling sa ganitong sitwasyon eh. 

Iniangat niya ang ulo niya tsaka siya tumingin sa kin, na may kasamang ngiti "thanks!"

"Para saan??" alam ko kung para saan yung 'thank you' niya pero syempre gusto kong marinig ang dahilan niya noh?! hehe...okay Marie, focus!!

"For being here...hindi ko alam kung anong ginawa ko kapag wala ka dito..." hinawakan niya ang parehong kamay ko, tsaka siya tumitig sa mga mata ko "thank you!" sabi ko sa inyo eh, oh diba? worth it ang tanong ko! At eto na naman ang puso ko na parang drum na malakas na naman ang pagtibok, hayyy, pasalamat na lang ako at wala akong sakit sa puso, kung hindi, hindi na ko aabutin ng sikat ng araw.

"Marie!! What are you thinking??" ayan ayan Marie, kasi sabing focus eh.

"Wala!!" tinignan ko ang kamay niya na nakahawak pa rin sa kamay ko, tsaka ako ngumiti at binalik ko ulit ang tingin ko sa kanya "you're welcome!"

Lumapit siya sa muka ko at hinalikan ang noo ko "i'm lucky to have you, you know that right??"

"Hmmm.....dahil sa sinabi mo, hmm-mm!" mas lucky naman ako, dahil kahit hindi man ako kasing gaganda, at kayayaman, nang mga naka-date niya, at hindi ko ka-level si Anya o si Ashley, minahal pa rin niya ko, kung anong meron ako, at kung sino ako.

Napansin ko na bigla itong sumimangot ng kaunti "wala ka man lang sasabihin na 'i'm also lucky to have you'..." natawa ako dahil ginawa niyang pambabae ang boses niya.

"Haha....eh sinabi mo na eh...tsaka sinira mo na yung moment eh...." 

"Ah ganun? So dahil sa sinira ko ang moment, hindi mo na sasabihin??" lumayo ito ng kaunti sa akin, tsaka ito tumayo sa harapan ko, habang nakaupo pa rin ako.

"Wala na eh!! Nawala na yung mood ko!!" biro ko sa kanya.

"Ah ganun ah?!?" nabigla na lang ako nang biglang kiniliti ako sa bandang bewang ko. At ang worst pa yan ay eksaktong dun ang kiliti ko.

"Say it!! Say it!!" kinikiliti pa rin niya ko habang may sinasabi siya sa kin. Yun nga lang ay hindi ko alam kung anong sasabihin ko. 

"Hahahaha-----a--no?? hahahaha"

"Say that 'i'm also lucky to have you' and that 'you're the only one that i will love forever and ever' say it!!" dahil na rin sa walang tigil ang pagkiliti niya sa kin, syempre, sasabihin ko na noh? Hindi na nga ako makahinga sa kakatawa eh. Kaya bigla akong tumayo at lumayo ng kaunti sa kanya "okay okay!! Sasabihin ko na!" 

"I'm waiting!!" he said in a sing-song voice.

Napabuntong hininga ako, at tinignan ko siya sa mata "i'm lucky to have you......and i will always love you....for-ever and ever.....oh ano? Okay na??" sa totoo lang, sasagutin ko naman siya kanina eh, kaso sinira niya lang talaga ang moment namin.

Lumapit siya sa kin at sabay niyakap niya ko, at sabay bulong sa tenga ko "satisfied!" napangiti ako at niyakap ko rin siya ng mahigpit.

Hindi ko alam kung ilang minuto kaming nagyakapan, pero siya ang unang humiwalay sa yakap namin, habang nakapalupot pa rin ang kamay niya sa bewang ko. Tinitignan niya lang ako at hindi siya nagsasalita, kaya ako na ang naunang nagsalita "okay ka na ba talaga??"

Ngumiti siya sa kin "yah, don't worry, i'm fine na!! i just hope hindi siya pinatulog ni Mommy sa bahay..."

"Gusto ba siya ng Mommy mo??" base kasi sa pagkaka-kwento niya kanina, parang gusto siya nang Mommy niya. Pero hindi ko pa rin ma-gets, kung nanay ko siguro yun, hindi yun papayag, at magagalit pa yun, dahil sinaktan niya ang anak niya, pero iba lang siguro ang mga nanay.

"Maawain si Mommy...asa nature na talaga niya yun....isa pa, naging close rin naman sila ni Ashley nun, kahit before pa kami naging mag-on ni Anya....i don't know, i guess, there's something about Ashley na nagustuhan niya.......kaya nung time na pina-rehab siya, Mom was sad about it....and honestly, hindi ko pa rin maintindihan kung anong nagustuhan niya kay Ashley...." nabanggit rin ni Jason na may sakit si Ashley, 'schizophrenia' kung tawagin ito. Isang sakit na naghahallucinate at natutulala kung minsan, pero nakukuha pa rin ito sa gamot. Yun ang nangyari kay Ashley, hindi na masyadong dinetalye pa ni Jason kung pa'no niya nakuha ito, kaya hanggang dito lang ang alam ko.

"Hindi ba niya gusto si Anya??" tinanong ko ulit siya.

"Gusto rin naman niya kaso, espesyal pa rin ang turing niya kay Ashley, i don't know!!" sinagot ni Jason ang tanong ko na parang wala lang sa kanya.

"Hmmm...."

"Why??"

"Wala, nagtataka lang kasi ako....base kasi sa kwento mo sa kin, hindi ko rin kasi maisip kung anong nakita niya kay Ashley..."

"Yah me too...although, before pa nangyari lahat nang yun, okay naman si Ashley, just like Anya, mabait rin naman siya....so, yeah!" at dahil dito hindi na ko nagtanong ulit. Halata rin naman sa muka ni Jason na ayaw na niyang pag-usapan pa ang tungkol kay Ashley. 

My First Romance (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon