Chapter [42]

663 4 0
                                    

Hanggang ngayon ay hindi alam ni Marie kung bakit siya um-oo kay Crisitne na sumama sa bar, lalo na't ayaw niya sa mga lugar na maraming tao. Nakaupo siya ngayon sa kanilang sofa, habang hinihintay sina Clang. Napa-buntong hininga na lamang ito, habang tinitignan ang cellphone nito, 'ba't ang tagal naman nila Clang mag-text??' isip nito. Napatayo siya at pumunta sa harapan nang salamin, tinignan kung okay lang ba ang suot niya. (pakitignan na lang ang kanang bahagi nang inyong screen, andun ang kanyang suot na damit) Walang duda na marunong pumili nang damit si Cristine. Buti na lang at hindi dress or kahit anong maiiksi ang binigay niyang outfit sa kanya.

Habang tinitignan pa rin niya ang sarili niya sa salamin ay biglang may nag-text sa kanya. Nang makita niya kung sino ay agad itong kinuha ang shoulder bag niya na silver gray ang kulay at dali-dali itong lumabas sa bahay nila. At dun niya nakita ang kotse ni Clang na naka-park sa harapan nang bahay nila. 

Pagkasara ni Marie nang pinto ng kotse "ba't ngayon ka lang??"

"Pasensya naman noh!? Kung hindi lang kasi sa mga asa likod ko, malamang kanina pa ko andito!" hinarap ni Clang sila Shyne sa likod niya at tsaka niya nirolyo ang mata nito sa kanila.

"Eh biglaan ba naman kasi kayong mag-aya eh..." biglang sagot ni Shyne sa kanilang dalawa.

"Bigla rin kasing nag-text si Cristine na wala pala siyang isasama na kaibigan niya, kaya late ko na kayo tinext rin" nagtataka tuloy si Marie kung bakit hindi na ata masyadong nakikipag-hang out si Cristine sa mga kaibigan niya.

"Okay lang yan!! Let's just have some fun!!" napatawa naman ang lahat sa biglang sigaw ni Ruby.

"Ohhhhhh......" sigaw naman nang lahat, habang tinakpan ni Marie ang kanyang dalawang tenga na may kasamang ngiti.

===========================

"Ivan.....this is stupid!!" Andy said with irritation in his voice.

"Seriously Ives, sa'ng movie mo na naman ba to napanood??" biglang tanong ni Jason kay Ivan.

"What??" tinignan ni Ivan ang mga suot nila "it's great!!"

Nagkatinginan sina Jason at Andy sa isa't isa "NO!!" sabay na sabi nang dalawa.

"I'm not wearing this!!!" tinatanggal na ni Andy ang jacket na pang-clown.

"Me too!!" ganun din ang ginawa ni Jason.

"Heyyyy!! You both said that you need some disguise remember??.....at sinabi niyo rin na yung tipong hindi kayo mare-recognize nila Cristine diba?? Eto na yun!!" sinabi nga nila Jason yun kay Ivan, pero ang hindi nila inaasahan ay yung idea-ng pang-clown na damit ang ibibigay niya sa kanila.

"Yah!! A disguise!! We didn't tell you to bring these clown clothes!! We're not going to a children's party!! We're going to a bar ---- BARRRR!!" iritang sagot ni Andy kay Ivan.

"Jeezzz, okay!! Calm down!!" kinuha na ni Ivan sa kanila ang damit.

"Anyway, let's just forget about the disguise Ands.... madilim naman run, we can hide you know!" (Jason)

"Fine!" sagot naman ni Andy. Buti na lang at may suot na silang damit, nang ibinigay ni Ivan ang mga damit na dinala niya, kaya hindi na nila kelangan pang magpalit.

"Can i come??" tinignan nila pareho si Ivan.

"NO!!" sabay na sagot nila kay Ivan habang binubuksan na nila ang pinto.

======================

 "Ang galing lang ng friend mo Marie ah? Biruin mo? Andito tayo sa VIP room!! Alam mo ba kung ga'no kamahal dito sa bar na to??" tumango lamang si Marie sa sinabi ni Shyne. Alam naman niya na sosyalin ang bar na pinuntahan nila, kaya hindi na nabigla pa si Marie.

"Buti na lang kamo Shyne, eh asa VIP room tayo, at least makakapag-usap pa rin tayo nang hindi nagsisigawan" singit bigla ni Mia. 

Tinignan ni Marie ang mga kaibigan niya, asa gilid sina Clang, Karla at Cristine na masyang nag-uusap. Habang sina Cathee at Mia naman ay busy naman sa pagtetext, at sina Shyne at Eden naman ay nagkwekwentuhan rin sa tabi ni Marie. Sa hindi niya alam na dahilan, hindi siya masaya na asa bar siya. 

Isa pa, kanina pa rin niya hinihintay ang text o tawag man lang ni Jason. Buong araw siyang hindi tinext nito o tinawagan man lang. 'Hindi naman siguro siya galit sa kin diba?' she shakes her head a little bit to let go of the thought. Nilabas niya ang cellphone niya sa bag niya at tinignan kung may nagtext na sa kanya. Napabuntong hininga ito nang makitang, ni kahit isang text ay wala itong nakita.

'Siguro nagtatampo yun??' napasandal siya ng ulo sa kinauupuan niya at nakatingin ito sa ceiling. 'Eh ba't kasi hindi mo na lang siya i-text? o tawagan Marie??' tinaas niya ang cellphone niya, at nagdedecide kung dapat ba na siya na lang ang mauna, 'pero baka naman hindi sumagot yun?' 

 "Ba't kasi hindi mo na lang siya tawagan??" napalingon si Marie kay Shyne. 

"Baka kasi magalit lang sa kin yun eh.....o baka, hindi niya ko sagutin, o baka...." hindi na naituloy ni Marie ang sasabihin dahil na rin sa inunahan na siya ni Shyne.

"Baka, baka ka dyan??!! Malalaman mo ba ang mga sagot sa mga 'baka' na yan kung hindi mo susubukan??" tanong ni Shyne kay Marie.

Tinignan ulit ni Marie ang cellphone niya 'bahala na nga'

***************************************************************

not the best i know!! pasensya na po... hehe... 

My First Romance (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon