Chapter [9]

1.1K 6 0
                                    

"So sorry ma'am!! Sorry po talaga" hingal na sabi ni Marie. Na-late kasi siya ng gising kanina, dahil na rin sa late na silang nag-usap ni Clang kagabi. Na-i-kwento niya kay Clang yung nangyari lalo na yung kahiya-hiyang nakita ni Jason na nakabukass ang zipper niya. 

"What did i tell you about being late Ms. Gonzales?" tanong ni Lea na nakatingin sa papers na hinahawakan niya.

"I'm really really sorry ma'am! This will be the first and last time that it will happen, please ma'am, i am really sorry." sagot ni Marie na nakayuko na.

Tinignan ni Lea si Marie, at inobserbahan niya ng matagal, "okay then. But Ms. Gonzales, next time i won't be forgiving, understand?" 

"Yes ma'am!" nakangiting sagot nito. 

Hindi napansin ni Marie na may taong asa gilid na nakaupo at nakangiti ito habang nakatingin sa kanya. Paglingon niya ay si Jason pala. Napatingin ito ng matagal dito, 'jusko naman kasi, ba't naman kasi ang gwapo niya, lalo na sa suot niya.' Naka-pants ito ng itim na naka-puting shirt na may nakalagay na "I'M HOT" sa gitna at pinatungan niya ng itim na leather jacket. Nang mapunta ang mga mata ni Marie sa muka ni Jason, nanlaki ang mga mata nito kasi nakangiting tinitignan rin siya ni Jason. 

"So, do you like what you see?" tanong ni Jason habang naka-ngisi ito. Napayuko ulit si Marie, pero ngayon ay nararamdaman niyang namumula na siya, 'bad Marie, bad' isip naman niya. 

"You look more cute when you blush Ms. Gonzales. I must say that i like it, maybe i should tease you more often." nakangiti pa rin ito habang tinataas baba niya ang dalawang kilay niya kay Marie.

Napatingin siya bigla kay Jason, "are you flirting with me Mr. DeLa Fuente?" tanong nito, na halatang iritable sa sinabi ni Jason. 'Ano bang akala niya? Na porket tinignan ko na siya at gwapo siya at yum-- gawd Marie, shut up!! Tigil!! Bad Marie, Bad!!' 

"Flirting?? hahaha.... yah right Ms. Gonzales, for me, this is not flirting. Kung mag-flir-flirt man ako panigurado andito ka na sa lap ko nakaupo na at hinahalikan ka." sagot nito na may pagka mayabang na ang dating ng mga ngiti niya.

Sasagot na dapat si Marie pero biglang sumigaw naman si Lea, "ENOUGH!! YOU TWO OUT, NOW!!!"

"But ma'am---" hindi na na-i-tuloy ni Marie ang sasabihin dahil bigla ulit sumigaw si Lea, "I'm not gonna repeat myself, NOW!!!"

Dali-daling lumabas naman ang dalawa sa opisina nito at napansin na lang ni Marie na nakatingin ang lahat ng empleyado sa kanilang dalawa. Hindi niya pinansin ang mga mata na nakatutok sa kanila, lumingon na lang ito kay Jason at, "kasalanan mo to eh?!" sabi ni Marie kay Jason.

"AKO?? Bakit?? Eh sinasagot ko lang naman ang tanong mo!" inis na sagot nito sa kanya.

"Ba't kasi hindi ka na lang tumahimik? Imbes na sinagot mo pa ko! Tignan mo tuloy ang nangyari." (Marie)

"Excuse me? Are you forgetting something Ms. Gonzales? And i don't like your tone now!" habang sinasabi ito ni Jason ay palapit siya ng palapit kay Marie, hanggang sa dalawang paa na lang ang pagitan nila.

'Oh shit!' "Sorry Mr. DeLa Fuente!" Yukong sagot nito.

"Good! Iwanan muna natin siya, kilala ko ang Ate ko, mamaya okay na naman siya." (Jason)

Napansin ni Marie na hindi pa rin lumalayo si Jason, masyado pa rin itong malapit sa kanya, "Uhhmmm, Mr. DeLa Fuente?" nakayuko pa rin siya.

"Yes Ms. Gonzales?" (Jason)

"Uhmm, Sir, ahh, Mr. DeLa Fuente Sir, pwede na po ba kayong lumayo sa kin?" mautal-utal na tanong nito.

Alam ni Jason na masyado siyang malapit kay Marie, pero hindi niya maintindihan kung bakit iba ang pakiramdam niya, na para bang gusto niya ang lapit ng katawan niya sa kanya. Dahil na rin sa mas matangkad si Jason kay Marie, binaba niya ang ulo niya at binulong ang sagot nito sa tenga niya, "What if i don't want to? May magagawa ka ba?" 

Hindi napigilan ni Marie na manginig ng konti dahil na rin sa sobrang lapit ni Jason sa kanya at sinamahan pa to ng pagbulong sa tenga niya. Hindi niya nagugustuhan ang epektong binibigay sa kanya ni Jason. Lalo na sa tanong niya, "Sir, lahat po ng mata na andito ay nakatingin na sa atin. Hindi po kasi maganda kung ganito tayo kalapit, baka kung ano pong isipin nila." Bulong rin nito kay Jason.

Nasa harapan na ng mata ni Marie ang muka ni Jason. Magkadikit na ang mga ilong nila, konting konti na lang at pwede nang halikan ni Jason si Marie. Tinitigan lang siya ni Jason, at ganun rin ang ginawa ni Marie, ni walang imikan, hanggang sa si Jason na rin mismo ang lumayo at sinabing, "sorry!! You're not my type Ms. Gonzales" na tamang tama lang na rinig ng mga tao sa paligid nila at may kasama pang kindat.

Biglang napa-nga-nga si Marie na may kasamang gulat na rin. Hindi siya makapaniwala na ganun ang sasabihin niya. Tinignan ni Marie ang paligid niya at nagbubulungan na ang mga empleyado. Sa sobrang hiya nito ay umalis na lamang siya. 'Lagot ka talaga sa kin, Jason DeLa Fuente!'  galit na isip naman nito.

====================================================

(Andy's House "Jason's Best Buddy")

Habang nakaupo si Jason sa garden nila Andy, ay hindi nito mapigilang i-replay ang nangyari sa kanya ngayong araw. Hindi niya makalimutan ang mga mata, labi, kilay, pisngi ni Marie, napapangiti siya tuwing naaalala niya ang ginawa niya kanina. Kahit rin naman siya ay nagulat sa ikinilos niya, parang may sariling utak ang katawan niya at hinayaan na lang niya kontrolin ito ang mga kilos niya. Nang sobrang lapit na ng muka niya kay Marie ay gusto na niyang halikan ito, pero dahil na rin sa maraming nanonood sa kanila ay pinigilan niya ito. Hindi niya man maintindihan ang nangyayari sa kanya ngayon, pero aaminin niya na gusto niya ang araw na to, at dahil yun sa isang babaeng hanggang ngayon ay hindi pa rin siya sigurado kung ano sa kanya ito. 

"EARTH TO JASON, EARTH TO JASON!!" gulat ni Andy sa kaibigan.

Nakangiting tingin naman ito kay Andy, "Yap! Still here!"

"Ano na naman bang iniisip mo? Parang kanina ka pa pagdating mo ah!? Parang wala yung utak mo ngayon bro. May nangyari ba?" tanong nito kay Jason na may hawak na alak sa kanang kamay.

"Wala naman bro. Nagalit lang ulit si Ate sa 'min." (Jason)

"Sa amin?" nalilitong tanong sa kaibigan.

"Me and the girl that i'm talking about. Ms. Helpful, from Tagaytay, remember?" (Jason)

"Ahhh, okay! So what's her name? You didn't tell us, the last time with the guys." (Andy)

"Nah!! You shouldn't! Mas maganda kung hindi niyo alam ang name niya, it's better that way." (Jason)

"Or you just don't want me to know? Afraid that i'll hunt her and have my ways to get her from you?" ngiting tanong niya at tinataas-taas ang kilay niya.

Napailing si Jason, "Whatever bro! Leave it."

"Whatever you say bro! That means, she's special....to you" (Andy)

"Maybe yes, maybe no! But to answer that, i really don't know bro. Well, i'm not denying the fact that i'm a little, just a little bit attracted to her." (Jason)

"Wow!! Is Jason DeLa Fuente now admitting that he likes a girl?" (Andy)

"Still not sure about that bro. Maybe i'm just after one thing." ngiting sagot nito na parang malalim ang iniisip ni Jason.

"BRO!!! Save it! It's for your brain alone, not any of us, or a certain me to know, gross bro!" (Andy)

Dahil sa reaksyon ni Andy ay napatawa ng malakas si Jason, "You should've seen your face bro!"

"But seriously bro, i'm happy for you. Alam ko naging rough ang buhay mo this past two years, after nun, you didn't pay attention to anyone. I know it's hard bro, but i have to thank this girl, who ever she is, because of her, i can now officially say that you already moved on." (Andy)

Hindi na nakaimik si Jason. Para sa kanya, walang pwedeng pumalit kay Anya. Si Anya ang masasabi niyang "First Love". Naging mahirap para kay Jason ang pagtanggap na wala na si Anya, sa loob ng 2 taon, ay wala siyang ibang babae na minahal at inisip kundi si Anya lang. Kaya hindi niya alam kung ano ba talaga ang nararamdaman niya kay Marie. Bakit ganun na lang ang epekto sa kanya nito, basta ang alam niya, sa puso niya, wala pa ring pwedeng pumalit kay Anya.

My First Romance (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon