-CHYLENE HERA
Katatapos lang namin mag-picnic ni Reen at ang dami kong nalaman sa kaniya. Nagkuwento rin sʼya tungkol sa course niya. Habang nakikinig pa lang ako sa mga scientific names, scientific family, mga fertilizer ay nahihilo na ako.
Ang hirap bigkasin tapos ang unfamiliar words pa. Lalo na rin sa solving ay may tinuro na tips sa akin si Reen, lalo na sa shortcut sa GEC104 na Geometry. Okay sa akin ang Math pero ibang usapan sa akin ang Sciences. Ang naalala ko lang yata sa Science ay table of elements, plate tectonics, planets, mga types of rocks, types of laws, at iba pa.
Ang pinaka-hindi ko naitindihan ay ʼyong Skeletal System at Golgi Aparatus. Ang medyo naitindihan ko sa System ay Nervous System. Interesado kasi ako lalo na pagdating sa ulo dahil may vertigo ang nanay ko.
Kaya iniiwasan ko rin na ma-stress sʼya lalo na overthinker pa naman sʼya. Mabilis sʼya mag-worry sa mga bagay-bagay. Habang si papa naman ay may fatty liver at pneumonia.
Noong bata pa si papa ay may katabaan sʼya kasi mahilig sʼya sa mga pagkain na pampataba, kaya sʼya nagkaroon ng fatty liver. Habang ang pneumonia nʼya ay nakuha nʼya lang ngayong may sideline sʼya na triycle driver.
Hindi malaki ang kita nʼya sa pamamasada pero ayos naman sa amin dahil natustusan ang pangangailangan namin. Lalo na matipid kaming pamilya pagdating sa pera. Pinalaki ako nina mama sa magandang asal, kaya natatakot ako sa pagsuway sa unang rules nila sa akin.
Pero gusto ko lang naman maranasan ito at maging masaya. Hindi ko naman papabayaan ang pag-aaral ko kahit pumasok ako sa buhay pag-ibig.
Naglalakad kami pauwi sa dorm ko dahil ihahatid nʼya ako roon. Saka sa mansion daw sʼya uuwi dahil may pag-uusapan daw sila ng family nʼya.
"Magiging busy ako this sem, maraming project sa school at sa mga subject ko," sabi ni Reen habang naglalakad kami sa side walk.
Papunta na kasi kami sa dorm. Kaunti lamang ang kasabayan namin na naglalakad sa side walk.
"Ako nga rin, busy rin ako sa mga subject ko lalo na sa minor subject ko," sabi ko habang nakatingin sa langit.
Dala-dala ni Reen ang kaniyang guitar na dinaanan namin kanina sa music room. Saka dala nʼya rin ang black bag pack niya.
"Magiging busy ako pero hindi ka mawawala sa priority ko. Ikaw pa rin ang isa top priority ko. Hindi ka kailanman naging temporary sa akin," sabi nito habang nakangiti.
Hindi ko mapigilan na mapangiti rin. "Liligawan kita kahit anong mangyari at handa akong maghintay, kung kailan mo ako sasagutin," dagdag nʼyang sambit.
Medyo dumidilim na pero hindi ako nakaramdam ng takot dahil kasama ko si Reen. Nandito ang taong nagpapasaya sa akin sa mismong tabi ko. Heʼs my comfort zone.
"Aasahan ko ang mga sinasabi mo. Kapag akoʼy nasaktan ay hindi kita mapapatawad. Hindi ako madaling suyuin at magpatawad, Reen. Kaya huwag mo ako lokohin at paglaruan," seryoso kong sambit at tumigil sʼya sa paglalakad.
Humarap sʼya sa puwesto ko at tiningnan ako sa mata. "Kahit kailan talaga ay never pumasok sa utak ko na paglaruan ka at lokohin. Seryoso ako pagdating sa ʼyo, Hera. Tulad ng sinabi ko ay ikaw ang rainbow sa walang kulay na buhay ko," sabi nito at hinawakan ang kanan kong kamay.
Tiningnan ko rin sʼya sa mga mata at doon ko nakita na seryoso siya sa akin. Wala akong mababakas na pagbibiro sa kaniyang mukha. Sa mga oras na ito ay ang naiisip ko lamang ay kaming dalawa lamang ang nasa lugar na ito.
Na special ang nangyayari ngayon. Pinipilit ko ang aking sarili na huwag ngumiti masyado sa kaniya. Hindi ko ipapakita na kinikilig ako sa simpleng sinabi nʼya.
BINABASA MO ANG
INVADING YOUR CAPACITY
Romance[STUDENT COUNCIL SERIES #1] Chylene Hera Aragon ay isang babae na pag-aaral lang ang inaantupag, introvert, at mahilig magsulat ng mga nobela. Dahil para sa kaniya ang mga fictional characters ang gusto nʼya lang makasama. Para sa kaniya ang mga fic...
