-CHYLENE
Umaga na naman at may pasok ako sa CWTS kapag Sunday. Sana naman walang pasok para makapagpahinga na naman ako. Hindi kasi ako nakatulog kagabi dahil sa mga sinabi ni Reen at nag-aalala ako kung ano ang magiging reaction ni papa.
Hindi sila tumawag kagabi kaya mas lalo akong kinabahan. Hindi naman ako makatawag sa kanila kasi wala akong load, hindi rin ako maka-utang sa smart dahil may utang na ako sa kanila.
Diretso unli kasi ang ginagawa ko kapag nagpapa-load ako para hindi mabawasan. Mabuti pa si Mandy naka-post paid kaya lagi sʼyang may load. Minsan nakiki-hotspot lang ako sa kaniya kapag may ipapasa ako na requirements at assignments.
Napapahikab ako habang nilalakad ang grandstand ng school. Isa itong lugar na may track and field at bleachers sa unahan. May basketball at volleyball court sa gilid ng track and field. Nadaanan ko ang admission ng school dahil malapit lamang ito sa dorm namin.
As usual, walang tao kapag Sunday. CTWS lang kasi ang klase kapag Sunday kasi rest day ito ng mga student at professor/instructor/staffs. Hindi nagtagal ay nakarating ako sa may room namin na bleacher. May meeting daw kaya rito raw muna kami mag-meeting kasi to be arrange pa ang room namin.
Umupo ako sa may bleacher sa itaas dahil hindi nasisikatan ng araw kasi mainit sa ibaba. Wala pang tao kasi maaga akong nakarating. 8:30 ang meeting namin at 7:45 pa lamang ay nandito na ako. Ayaw ko rin kasi ma-late kaya maaga akong dumadating sa mga klase ko.
Napangiwi ako dahil nakita ko na may umupo na couple sa ibaba. Nilalambing ng lalaki iyong babae at dinig na dinig ko ang usapan nila. Hindi ko na lang sila pinansin at mas pinili na mag-open ng messenger para tingnan kung may announcement sa group chat.
Bakit kasi second semester ko pa nakuha ang CWTS NSTP? Mabuti pa si Mandy at Leigh dahil tapos na nila. Mahina akong napasinghap dahil walang signal ang cellphone ko kaya pinatay ko na lang ang data.
“Babe, walang tao rito,” sabi ng babae habang nagpapa-cute sa lalaki.
Napailing na lang ako at mas pinili pagmasdan ang track and field. Malinis ito at walang mga basura. Mukhang kalilinis lang nila kanina. Tumingin ako sa gilid ko at may nakita akong lalaki na kararating lang.
Nanlaki ang mata ko noʼng nakilala ko ito. Kung hindi ako nagkakamali ay sʼya si Sky. Iyong crush ni Lay at tutor nʼya. Napansin nʼya na nakatitig ako sa kaniya ng matagal kaya tumayo sʼya saka tumabi sa akin.
“Hi, classmate ba kita sa CWTS NSTP?” nakangiti nʼyang tanong na nakalaglag panga.
Now I know kung bakit crush sʼya ni Lay. Dahil sa malawak nʼyang ngiti at malambing na boses.
“Ano pala section mo? Section LlMm ako,” tipid kong sagot dahil nahihiya ako sa kaniya.
Vice President ito sa Student Council at Prime Minister sa College of Engineering. Napatingin ako sa ID nʼya at nakita ko na Civil Engineering ang course nʼya. Nakita ko rin ang ID nʼya sa college nila na malaki.
Nakasabit kasi ito sa ID lace nʼya. “Same tayo ng section. Mabuti na lang may kilala pa ako rito. Na-late ko kasi makuha ang CWTS dahil laging nauubusan ng slot,” natatawa nʼyang sambit.
Oo nga pala, pinag-aagawan ang CWTS at ROTC. “Pero ayon sa nalaman ko ay ROTC ang para sa lalaki?” mahina kong tanong.
“ROTC nga ang para sa lalaki pero exception naman lalo na sa may sakit sa puso at anemic,” sambit nito at nahiya tuloy ako sa kaputian nʼya.
Ang puti at maputla kasi ang kutis nʼya. Tapos parang feminine ang galawan nʼya pero nahahalata ko naman na lalaki talaga sʼya. Looks can be deceiving nga.
BINABASA MO ANG
INVADING YOUR CAPACITY
Romance[STUDENT COUNCIL SERIES #1] Chylene Hera Aragon ay isang babae na pag-aaral lang ang inaantupag, introvert, at mahilig magsulat ng mga nobela. Dahil para sa kaniya ang mga fictional characters ang gusto nʼya lang makasama. Para sa kaniya ang mga fic...
