CHAPTER 30

1.3K 12 3
                                        

-CHYLENE HERA

Halos hindi ako mapakali sa aking kama. Tipong gusto ko kumalma pero hindi gusto ng sistema ko. Until now, hindi pumapasok sa isipan ko na umamin ako kay Reen at nasa dating stage na kami.

Hindi rin pumapasok sa isipan ko na may nagkagusto sa akin. Isa pang captain ng volleyball, student council president, president ng college nila, president lister at vocalist ng banda. Sʼya nga rin ang vocalist ng banda.

Nakauwi na ako sa dorm namin at nandito ako sa room namin. Nakahiga sa kama habang nasa tabi ang cellphone ko. Hindi ko nga rin akalain na mabilis ko na-familiar ang lalabas sa exam.

Ganito ba talaga kapag inspired?

Sisipag ka bigla tapos lahat ng ginagawa mo ay matutuwa ka. Nakatingin ako sa kisame at hindi mapigilan na ngumiti. Sa kalagitnaan ng aking pagmumuni-muni ay tumunog ang aking cellphone.

Nanibago ako sa aking sarili dahil hindi ko man lang sinita si Mandy sa paulit-ulit na pagkanta. Dati kasi sinisita ko sʼya dahil paulit-ulit ang kinakanta nʼya. Tapos broken pa ang kanta kahit hindi naman broken.

Saka wala na rin akong update sa lovelife nʼya kasi wala naman sʼyang binabahagi. Same ni Leigh na dati halos magtalon-talon dahil sa kilig kay Adrian.

Tanging si Lay lang ang panay ngiti habang hawak ang gamit na binigay noʼng crush nʼya. Tumunog ulit ang cellphone ko kaya dali-dali kong kinuha ito.

Nakadalawang message na pala si Reen sa akin. Napangiti ako agad ʼpag pindot ko rito.

From: Reen
My Hera, yayain sana kita bukas na pumunta sa hilltop. Kung okay lang naman sa ʼyo at may free time ka.

Niyaya nʼya ba ako sa date? Napahawak ang kaliwa kong kamay sa kaliwa kong pisnge dahil umiinit ito. Saka nahihiya akong humarap sa kaniya kasi pagkatapos ko umamin kahapon ay tulala lang sʼya.

Dahil nakaramdam ako ng hiya ay tumakbo ako papasok sa dorm ng hindi nagpapaalam. Dinaig ko pa high school sa ginagawa ko.

From: Reen
My Hera, matulog ka ng mahimbing at magpahinga rin. Priority pa rin ang health at studies mo. Goodluck

Ang suwerte ko talaga sa kaniya dahil lagi nʼyang paalala sa akin ang pag-aaral ko. Sʼya nga rin nagbibigay ng tips o advice sa akin tungkol sa mga topic sa accounting.

To: Reen
Okay, wala akong gagawin bukas.

Pagka-send ko sa mensahe ko para sa kaniya ay ilang beses ko inulit basa ang text ko. Chine-check ko paulit-ulit ang spelling kahit alam ko naman na tama.

From: Reen
Masaya ako na tinanggap mo ang alok ko. Susunduin kita bukas sa dorm nʼyo. Around 9 am.

Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko at pasado 10:33 na. Napansin ko rin tulog na ang mga kasama ko sa room.

To: Reen
Okay, matutulog na ako. Gabi na rin kasi at tulog na mga roomate ko.

Nakatitig ako sa ceiling habang hawak ang aking cellphone. Hinihintay ko lang ang reply ni Reen sa akin.

From: Reen
Naitindihan ko, matulog ka ng mahimbing. Goodnight and I love you, My Hera. See you tomorrow.

Bumangon ako at nilagay ang cellphone sa bag nasa paanan ng aking higaan. Agad akong bumalik sa pagkakahiga at hindi mapigilan na ngumiti. Pumikit ang dalawang mata ko at hinintay na dalawin ng antok.

INVADING YOUR CAPACITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon