CHAPTER 27

2K 25 1
                                        

-CHYLENE HERA

Halos wala akong pahinga sa puspusan na pagsusunog ng kilay dahil sa mga paparating namin na activities at quizzes. Dapat ay hindi ako matanggal sa scholar kasi baka magalit sa akin sina mama.

Kinusot ko ang aking mata at hinilot ang noo ko dahil hindi ko maitindihan ang librong binabasa ko. Nahihirapan ako sa CPA Review Examination. Maagang naibigay sa amin ang subject na ito dahil para ready na raw kami.

Tapos may oral recitation din kami sa GEC104 Geometry na related sa math. Binabasa ko ang libro dahil dito kukunin ni maʼam ang mga tanong. Marami pa naman akong mga kaklase na competitive lalo na sa mga psychology at biology student.

Karamihan sa mga classmate ko ay galing sa CSSH na college at matatalino sila lalo na ang mga BA Mathematics at BS Statistical. Ang talino nila lalo na sa mga formula at solving. Kaunti pa nababasa ko sa book at kaunti pa lang naitindihan ko sa solving.

Napahilamos ako sa aking mukha at napatingin kay Lay na busy sa pag-drawing sa canvas. Mukhang project nʼya sa Media Literary Arts. Napansin naman nʼya ang pagtitig ko sa kaniya ng matagal kaya nilingon nʼya ako.

“May problema ba?” mahinang tanong nito at binalik ang tingin sa kaniyang canvas.

Kumuha sʼya ng tumblr nʼya at uminom. “Kumusta na kayo ni Sky? May progress na ba?” nakangiti kong tanong at naibuga nʼya ang kaniyang iniinom.

Nilapag ni Lay ang kaniyang tumblr sa table, at pinunasan nʼya ang kaniyang labi gamit ang tissue. Nakagugulat ba ang tanong ko? Gusto ko lang naman kung ano na ang update sa kanila ni Sky.

Napansin ko ang pamumula ng pisnge kaya mas gaganahan ako na asarin ito. “A-ano bang sinasabi mo? Syempre tutor ko pa rin sʼya at hanggang doon lang,” nauutal nʼyang sabi at nag-iwas tingin.

Mukhang may progress na sa kanila. Ayaw lang aminin nitong si Lay.

“Weh?”

Ngumuso ito. “Hanggang kapatid lang turing nʼya sa akin ʼno,” nakanguso nitong sambit.

“ʼDi mo sure,” pang-aasar ko sa kaniya.

Humarap sʼya sa akin at ngumisi. “Kayo ni Asther? May progress na ba? O baka naman kayo na?” sunod-sunod nʼyang tanong at mabuti na lang na kami lang tao sa room namin.

This time ay naramdaman ko ang pamumula ng pisnge ko. Napayuko habang naalala ang huling pag-uusap namin ni Asther.

“Namumula ka, ibig sabihin mayroʼn nga. Kayo na ʼno?” tanong ulit ni Lay na nahihimigan ko sa boses nʼya ang pang-aasar.

“Hindi pa kami,” sagot ko at nag-iwas ng tingin.

“Hindi pa? Ibig sabihin may pag-asa na maging kayo. Mukhang umaangat na ang ship ko,” sambit ni Lay habang tumatawa.

Napakamot na lang ako sa aking batok at bumukas ang pinto. Niluwa nito si Mandy na nakangisi. Mukhang maganda ang mood ng isang ʼto. Tapos sa akin nakatingin.

Sinara nito ang pinto at umupo sa kama malapit sa kinauupuan ni Lay.

“Hera, may nag-aabang na prince charming sa entrance ng dorm,” nang-aasar na sabi ni Mandy.

Mabuti pala wala rito si Leigh kasi iyon ang grabe mang-asar basta usapan lovelife. “Seryoso? Sinong prince charming ang tinutukoy mo?” nagtataka kong tanong.

Napangiwi si Mandy habang si Lay ay napatanga. Malay ko ba kung sino ang tinutukoy ng bruha na ito. Wala naman akong prince charming.

“Malamang si kaps ang tinutukoy ko, si Asther. Bakit may iba ka bang prince charming maliban sa kaniya?” naiinis na tanong ni Mandy at pinanlakihan pa ako ng mata.

INVADING YOUR CAPACITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon