LUMIPAS ang halos tatlong buwan nang hindi namamalayan ni Eunice at unti-unti na ring nakikita ang paglaki ng kanyang tiyan. Sa loob ng mga nagdaang mga buwan ay unti-unti na siyang nasanay sa pamumuhay bilang isang miyembro ng Salvatore ngunit tanging ang pabago-bagong ugali lang ni Stefan ang hindi niya pa rin nagagawang makasanayan o maunawaan—naroon pa rin ang biglaang pagiging sweet at malamig nito minsan.
Sa mga nakalipas din na mga buwan na iyon, wala siyang ginawa kung 'di ang magbasa ng mga libro at panunuod ng lectures online tungkol sa medisina. Pati panunuod ng mga medical drama ay kanya ring naging libangan. Walang mapaglagyan ang kanyang tuwa sa tuwing nakakabasa o nakakapanuod siya ng may kinalaman sa medisina lalo na sa pag-oopera.
"You really like to be a doctor, aren't you, Hija?" nakangiting tanong ni Doña Divina na sumulpot sa tabi ni Eunice.
Tumango nang mangilang ulit ang dalaga. "Oo naman po!" tuwang-tuwa na sagot ni Eunice. "Kaya po ako narito para magtrabaho para po makapag-ipon sa pag-aaral ko—"
Napatigil si Eunice sa kanyang pagsasalita at unti-unting nawala ang ngiti sa labi nito at napatingin sa kanyang tiyan.
"I'm sorry—"
Mabilis na ibinaling ni Eunice ang kanyang tingin kay Doña Divina sabay wagayway ng kanyang mga kamay. "Naku po, Lola. Huwag po kayo humingi ng sorry. Hindi niyo naman po kasalanan ang nangyari," saad nito para huwag pag-aalalahanin ang lola ni Stefan.
"Pero kung hindi ka pinilit ni Stefan hindi mangyayari," wika ni Doña Divina na biglang makonsensya sa nangyari sa dalaga.
Hinawakan ni Eunice ang mga kamay ni Doña Divina at marahan na hinaplos ito. "Lola, wala po may gusto o nagplano na mangyari ang lahat ng ito," saad ng dalaga at muling napatingin sa kanyang tiyan. "At saka, ayaw niyo po nito? Matutupad na po ang matagal niyong hinihiling na apo kay Stefan?"
"Pero—"
Tumingin si Eunice kay Doña Divina at binigyan ito nang isang matamis na ngiti. "Blessing po ito, Lola, na dapat nating ipagpasalamat at ikatuwa."
Napangiti si Doña Divina sa sinabi ni Eunice bagamat hindi nito gusto ang biglaang pangyayari sa buhay nito ay hindi siya nito sinisi o kinamuhian. Higit sa lahat ay hindi nito dinamay ang batang nasa sinapupunana nito dahilan para mapanatag ang loob niya.
"Hindi ako nagkamali na piliin ko ang batang ito," wika ni Doña Divina sa kanyang isipan at muling binigyan nang maliit na ngiti ang dalaga.
"BRO, what's the matter?" tanong ni Sax kay Stefan na kanina pa pinagmamasdan ang kaibigan na tila wala ito sa sarili.
"Nothing," maikling sagot ni Stefan.
"Are you sure? You have a strange expression on your face today. You're not getting enough sleep, are you?"
Nanatiling nakapikit si Stefan habang sapo niya ang kanyang ulo.
"Stefan—"
Inangat ni Stefan ang kanyang mukha saka tinignan si Sax. "If you're just here to bother me, shut up and leave," malamig na saad nito.
Napahalukipkip si Sax at napasandal sa kinauupuan nito. "Isn't there something that bothers you, is it?" tanong ng binata na siguradong-sigurado sa kanyang hinala.
"Sax, will you just leave me alone?"
Umamba si Sax sa mesa ni Stefan para mapalapit ang mukha nito sa mukha ng kaibigan at makita niya ang mga mata nito.
"Tell me, what's the problem?" tanong ni Sax.
"You do realize how annoying you are, Sax?" saad ni Stefan na binigyan nang tamad na tingin ang kaibigan.
BINABASA MO ANG
Marriage Under Pressure (COMPLETED)
Romance(This story contains violence and obscene plotline. You should read at your own risk. R-18) Stefan Salvatore, the youngest grandson of the largest and most well-known conglomerate-Divina Salvatore of the Salvatore Group of Companies-was the only sur...