NANG makita ni Eduardo ang tila kamukha ng kanyang anak na si Stefan sa ospital ay walang araw na ginagalugad niya ang ospital nagbabakasakaling makita niyang muli ito at makumpirma kung anak niya ba talaga ito.
"Where are you going, Dad?" tanong ni Damon na tila napapansin ang palaging pag-alis ng kanyang ama sa kanilang k'warto sa mga nakalipas na mga araw.
"Diyan lang, anak. Magpapahangin-hangin lang ako," tugon ni Eduardo at kinuha ang crutches nito.
"Are you not going to use your wheelchair, Dad?"
"Hindi, mas makakabuti kung ito ang gagamitin para mapadali ang rehabilitation ng mga binti at paa ako nang sa gayon ay makapaglakad na ako ng hindi gumagamit ng wheelchair at crutches," nakangiting saad nito.
"But don't you think you shouldn't put too much pressure on yourself?"
"Damon, I'm not pushing myself. All I want to do is walk like I used to." At nang maayos na ni Eduardo ang kanyang saklay ay humarap sa kanyang anak para magpaalam. "Sige, maiwan na muna kita."
Hindi na lang umimik si Damon at sinundan na lamang ng tingin ang kanyang ama. Nang mawala na ito sa kanyang paningin ay ibinaling niya ang kanyang tingin sa cellphone na hawak nito. Dahil kapwa walang cellphone silang mag-ama ay nanghiram siya ng cellphone sa isang nurse na nagkakagusto sa kanya. Wala namang pakialam si Damon sa bagay na iyon dahil ang gusto niyang malaman ay kung buhay pa ba ang kanyang kapatid at Lola Divina at kung bakit hindi man lang dumalaw ang mga ito ngayong nagkaroon na silang malay ilang linggo na ang nakakaraan.
"I need to know where they are," mahina niyang saad sa kanyang sarili.
Nagsimula siyang tumipa ng numero at sinubukang tawagan ang numbero sa kanilang mansyon at tulad ng dati ay nag-ri-ring pa rin ito ngunit kahit ilang beses ito mag-ring ay walang sumasagot. Sinubukang muli ni Damon na i-dial ang numero ngunit wala pa ring sumasagot.
"Are they not at home?" kunot-noong tanong ni Damon.
Dahil sa walang sumasagot ay sinubukan niyang mag-browse sa mga internet kung tungkol sa kanilang kompanya at sa kanyang kapatid at sa kanyang lola. Nagsimula siyang maghanap sa lahat na social media platforms kung may nag-e-exist na mga account ngunit ang tanging nakita niya ang lumang account ni Stefan. Sinubukan niyang tignan ito ngunit matagal ng panahon na ang huli nitong post—iyon ang taon kung saan magkakasama sila matapos noon ay wala ng bago.
"You've never changed," saad ni Damon sa kanyang sarili habang isa-isang tinignan ang mga post ni Stefan na magkakasama sila.
Matapos ang ilang pag-scroll ay sinubukan niyang tumingin ng mga post hanggang sa nakita may nakaagaw ng kanyang pansin. Isang post kung saan may video link kung ng kasal ng Stefan Salvatore, kaparehong pangalan ng kanyang kapatid kung kaya ay sinubukan niyang buksan iyon sa labis na kuryusidad kung iyon ba talaga ang kanyang kapatid at laking gulat niya nang makita na kapatid nga niya iyon.
"And now, let us all congratulate the newlywed couple! Mr. and Mrs. Salvatore!"
Nakatutok ang mga mata ni Damon sa kanyang pinapanuod hanggang sa itutok ang focus ng camera sa pagpasok ng bagong kasal na mag-asawa. Habang papalapit nang papalapit ang mag-asawa sa kinalulugaran ng kumukuha ng video ay nagiging malinaw sa kanyang paningin ang imahe ng dalawa hanggang sa ilang hakbang papalapit pa ay tuluyan niyang nakita ang kabuuhan ng kanyang kapatid.
"Stefan..." mahina niyang usal.
"Woah! The bride is incredibly lovely. To whom does she belong in her family?"
"I don't know, either."
"Didn't you know there's a rumor going around about that girl?"
BINABASA MO ANG
Marriage Under Pressure (COMPLETED)
Romance(This story contains violence and obscene plotline. You should read at your own risk. R-18) Stefan Salvatore, the youngest grandson of the largest and most well-known conglomerate-Divina Salvatore of the Salvatore Group of Companies-was the only sur...