LUMIPAS ang mga araw at hindi pinatahimik ng kuryusidad ang isipan ni Eunice—halos bawat sandali na wala siyang ginagawa ay binabagabag siya ng kanyang isipan.
"Bakit iniiyakan ni Nanay si Sir Eduardo?"
Isa iyon sa katanungan na bumabagabag sa kanyang isipan lalo na nang mapagtanto niya kung sino ang lalaki sa larawan na hawak-hawak ng ina niya nang gabing iyon. Maliban doon ay may higit na bumabagabag sa kanyang isipan.
"Sino ang kausap ng nurse ni Lola Divina? At sino ang pinagbabalakan nila at ng taong kausap niya sa cellphone na papatayin?"
Punong-puno ng katanungan ang isipan ni Eunice nang sandaling iyon. Gusto niya ng kasagutan ngunit hindi niya alam kung paano makukuha ang lahat ng iyon. Hindi niya p'wedeng tanungin ang kanyang ina kung bakit nito iniiyakan ang larawan ni Eduardo at mas lalong hindi niya p'wedeng tanungin ang nurse ni Doña Divina kung sino ang gusto nilang patayin ng taong kausap nito sa cellphone ng gabing iyon baka malagay siya sa panganib at ang batang kanyang ipinagbubuntis.
"Ano bang dapat kong gawin para malaman ko ang sagot sa mga katanungan ko?" tanong ni Eunice sa kanyang sarili habang magkasalubong ang kilay at kinakagat ang kanyang labi.
Halos mapalukso si Eunice sa kanyang pagkakaupo nang biglang magsalita si Stefan na ngayon ay nasa kanyang harapan at binibigyan siya ng kakaibang tingin.
"Eunice, you're behaving oddly. Is there anything that bothers you?" tanong ni Stefan kay Eunice na hindi inaalis ang kanyang tingin dito.
"Ano ba! Bakit ka naman nanggugulat? Gusto mo ba akong atakihin sa puso? Pati bata idadamay mo pa!" gulat at sunod-sunod na usal ni Eunice kay Stefan na may panlalaki ng kanyang mga mata.
Napakunot ng noo si Stefan sa kakaibang reaksyon ni Eunice sa kanya. "What's happening you? You don't seem to be in your own body," wika nito na hindi inaalis ang tingin kay Eunice at patuloy na pinagmamasdan ito.
"Ano bang pinagsasabi mo? Ikaw itong bigla-bigla na lang susulpot sa harapan ko nang walang pasintabi tapos ako pa sasabihan mo ng wala sa sarili ko?" saad ni Eunice sabay palatak at ibinaling sa ibang direksyon ang kanyang mukha. "Ikaw ba namang biglain, sinong matutuwa?" mahina niyang dagdag.
Nanatiling tahimik si Stefan at patuloy na pinagmasdan ang kanyang asawa. Hindi niya inalis ang kanyang tingin dito, bawat galaw nito ay kanyang pinagmamasdan. Naramdaman naman iyon ni Eunice dahilan para ibalik niya ang kanyang tingin kay Stefan.
"Ano ba? Bakit mo ba ako tinitignan? Hindi mo ba alam na nakakailang 'yang ginagawa mo?" naiiritang tanong ni Eunice sa kanyang asawa.
Patuloy pa rin siyang pinagmasdan ni Stefan.
"Ano ba? Hindi mo ba 'yan titigilang—"
Hindi nagawang tapusin ni Eunice ang kanyang pagsasalita nang biglang inilapit ni Stefan ang mukha nito sa kanya na siya niyang labis na ikinabigla dahilan para manlaki muli ang kanyang mga mata at makarinig siya nang isang malakas na pagtambo.
"What was that?" gulat na tanong ni Eunice sa kanyang isipan.
Hindi nagawang makapag-isip ni Eunice nang muling ilapit ni Stefan ang mga mukha nito sa kanyang mukha.
"Ano bang sa tingin mo ang ginagawa mo?" tanong ni Eunice na nagsisimula ng mautal.
Tinignan siya ni Stefan sa kanyang mga mata nang ilan pang saglit bago ito nagsalita.
"Do you have trouble sleeping? You have dark circles under your eyes," wika ni Stefan.
"Ha?" turan ni Eunice nang wala sa sarili. "Kaya ba siya ganyan, kasi nag-aalala siya para sa akin?" tanong ng dalaga sa kanyang sarili na nakatingin kay Stefan.
BINABASA MO ANG
Marriage Under Pressure (COMPLETED)
Romance(This story contains violence and obscene plotline. You should read at your own risk. R-18) Stefan Salvatore, the youngest grandson of the largest and most well-known conglomerate-Divina Salvatore of the Salvatore Group of Companies-was the only sur...