NANIGAS si Eunice sa kanyang pagkakatayo at gumapang ang kaba dibdib nito nang marinig niya ang seryosong tanong ni Stefan sa kanya.
"Eunice, I'm asking you. Who is Iñigo Eliseo?" pag-uulit na tanong ni Stefan sa kanyang asawa.
Nanatiling nakatayo si Eunice at walang imik.
"Eunice," muling tawag ni Stefan kay Eunice.
Napalunok si Eunice nang malalim ng marinig niya ang pagtawag ni Stefan sa kanya gamit ang buo niyang pangalan at ibig sabihin noon ay either sumunod ka sa sinasabi nito or sagutin mo ang tanong niya. In short, galit ito.
Inayos ni Eunice ang kanyang sarili saka hinarap ang kanyang asawa nang buong lakas. "Kababata ko si Iñigo," sagot niya.
"Kababata?"
"Oo, kababata ko siya—" Napatigil sa pagsasalita si Eunice nang maalala niya ang nakalagay sa kontrata nilang dalawa ni Stefan. "Teka—"
Tumingin siya sa nang diretso sa mga mata ni Stefan. "Bakit pakiramdam ko hina-harass mo ako?"
Napakunot ng noo si Stefan sa sinabi ng kanyang asawa. "Harass?"
"Oo! Hindi ba't nasa kontrata na napag-usapan natin na malaya tayo na magkaroon ng sariling relasyon at walang pakialaman? Bakit kung tanungin mo ako parang kakainin mo na ako ng buhay? Bakit kailangan—"
Pinutol ni Stefan ang pagsasalita ni Eunice.
"It makes no difference to me if you have feelings for someone. Even though it's stated in our contract, I'll remind you that you should take extra precautions. I don't care if you have a relationship with that man, but if Lola finds out and her life is adversely affected, I won't let this one go. As a reminder, be careful and aware of your actions," seryosong saad ni Stefan at umalis nang hindi na hinihintay ang magiging tugon ni Eunice.
Isang mabigat na pagbuga ang pinakawalan ni Eunice nang sandaling mawala na si Stefan sa kanyang harapan.
"Bakit ang gano'n siya?" naguguluhang tanong ni Eunice sa kanyang sarili na napaupo sa kama dahil sa naipong kaba sa kanyang dibdib habang kaharap ang kanyang asawa.
Napahugot naman siya nang malalim na paghinga sabay buga. "Hindi ko talaga maintindihan ang lalaking iyon!" saad niya na napatingin sa pintong pinaglabasan nito. "Para siyang ice cream, sweet pero malamig. Hindi ko na alam kung sino siya sa mga ugaling ipinapakita niya sa akin." At napailing na lang ang dalaga.
Habang inilalabas ni Eunice ang kanyang saloobin ay nahagip ng kanyang tingin ang sulat na inabot sa kanya kanina ni Vicky na kanyang hawak-hawak dahilan para mapabuntong-hininga ang dalaga.
"Hayaan ko na nga 'yong lalaking 'yon," wika niya at muling huminga nang malalim saka dahan-dahang pinakawalan ang hangin sa kanyang bibig para kalmahin ang kanyang sarili.
Nang ma-reset niya na ang kanyang sarili at huwisyo ay saka niya muling ibinaling ang kanyang tingin sa sulat na hawak niya dahilan para gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi. Kitang-kita ang pananabik sa mukha nito habang maingat na binubuksan ang sobre na animo'y takot itong masira. Nang sandaling makuha niya ang laman ng sobre ay mas lumawak ang mga ngiti nito. Humugot nang isang paghinga si Eunice bago sinimulang basahin ang sulat ni Iñigo.
"Mahal kong Eunice..."
Panimula pa lang ng sulat ay hindi na maiwasan ni Eunice ang mapangiti sa labis na tuwa. Alam niyang ordinaryo na ang ganoong panimula sa isang liham ngunit may kung anong kakaibang kilig ang idinudulot noon sa kanya sa tuwing makakatanggap siya ng liham kay Iñigo.
"Kumusta ka at si Nanay Lucia? Malamang tuwang-tuwa ka ngayon dahil kasama mo na si Nanay Lucia. Isang buwan na ang nakalipas simula nang pumunta ka riyan sa Maynila ngunit wala na akong nakuhang balita kaya napasulat ako para ipaalala sa 'yo ang pangako mong susulatan mo ko sa sandaling makarating ka ng Maynila."
Napatakip ng bibig si Eunice dahil sa ngayon lang sumagi sa isipan niya na nangako pala siya kay Iñigo na susulatan niya ito.
"Sorry, Iñigo. Ang daming nangyari simula nang dumating ako rito. Nawala tuloy sa isip ko na sulatan ka," saad ni Eunice sa kanyang sarili na napasapo sa kanyang noo. "How could I have forgotten about my promise to him?"
Ilang saglit ang lumipas bago niya ikinumpas ang kanyang sarili. "Hindi bale, susulatan ko siya pagkatapos kong basahin ang sulat niya," wika ni Eunice at muling gumuhit ang ngiti at pananabik sa kanyang mukha nang ibalik nito ang tingin sa binabasang liham ni Iñigo.
"Pero okay lang, baka busy ka lang talaga at wala kang oras na sumulat sa akin. Huwag kang mag-alala hindi ako galit sa 'yo, nagtatampo lang. Pero 'wag mo sanang dibdibin ang sinasabi ko kilala mo naman ako, 'di ba? Saka alam ko naman na kaya ka napariyan ay para magtrabaho para na rin makadagdag sa pag-aaral mo ng medisina. Kaya 'wag ka na makonsensya sa hindi mo pagsulat sa akin nauunawaan ko naman ang sitwasyon mo—at hinding-hindi ako magsasawa na unawain ka."
Kumabog nang malakas ang puso ni Eunice nang sandaling iyon at naramdaman niya ang biglang pag-init ng kanyang mukha at tainga.
"Iñigo, bakit ka ba ganito? You're making me fall even deeper in love with you."
Sa tuwa at kilig na nararamdaman ni Eunice ay ipinagpatuloy niya ang kanyang pagbabasa na mas lalong nagpasaya sa kanya.
"Sa totoo lang, kaya ako sumulat sa 'yo ay para ipaalam sa 'yo na pumayag na si Ina na mag-aral ako riyan sa Maynila. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya! Sa labis kong tuwa ay mabilis akong kumuha ng papel at ballpen para isulat at ipaalam sa 'yo ang magandang balita. Luluwas ako papunta riyan pagkatapos ng anihan kaya asahan mo na July ay nariyan na ako. Hintayin mo ko, ha?"
"What—"
Napatingin si Eunice sa kalendaryo para tignan anong buwan na. "April." At mabilis niyang ibinilang sa kanyang daliri ang buwan na kanyang hihintayin bago niya makita si Iñigo.
"May, June, July. Dalawang buwan mahigit na lang," masaya niyang saad at muling ibinalik ang kanyang tingin sa liham na hawak niya.
"Iniisip ko pa lang na makikita at makakasama kita hindi ko na mapigilan ang masabik nang sobra—gusto na kitang makita, Nisa. Miss na miss na kita."
At muli kumabog ang dibdib ni Eunice nang mabasa niya kung gaano nangungulila si Iñigo sa kanya. Tuwa, pananabik at kilig ang nangibabaw sa dalaga dahilan para magpagulong-gulong ito sa higaan.
"Iñigo..." mahaba niyang sambit sa pangalan ng binata habang kinikilig.
I can't wait to see him, either.
Nang maikumpas ni Eunice ang kanyang sarili matapos ang labis na pagkakilig ay tinapos niyang basahin ang liham ni Iñigo hanggang sa matapos ito saka dali-daling kumuha ng papel at ballpen para tugunan ang sulat ng binata. Lingid sa kaalaman ni Eunice ay tahimik siyang pinapanood at pinapakinggan ni Stefan sa labas ng kanilang k'warto sa cellphone nitong hawak.
Inilagay ni Stefan ang kanyang cellphone sa bulsa at saka napatingin sa pinto ng kanilang k'warto ni Eunice. Pinagmasdan niya ito nang ilang saglit bago naisipang bumaba ng hagdan. Nakita naman siya ni Doña Divina dahilan para tanungin siya nito kung saan siya pupunta.
"Apo, where are you going?"
"I just want to get some fresh air," sagot ng binata sa kanyang lola.
Napakunot ng noo si Doña Divina. "May gumugulo ba isipan mo, Apo?" tanong nito na may pag-aalala sa mukha.
Binigyan ni Stefan ng isang ngiti ang kanyang lola sabay iling. "There's nothing to worry about, Lola."
Akmang magsasalita pa sana si Doña Divina nang tumalikod na si Stefan at naglakad palabas ng mansyon.
Hindi mawala ang pag-aalala sa mukha ni Doña Divina. "Ano sa tingin mo, Lucia? May bumabagabag sa kanya—" tanong niya sabay tingin kay Lucia. "Hindi ba?"
BINABASA MO ANG
Marriage Under Pressure (COMPLETED)
Romans(This story contains violence and obscene plotline. You should read at your own risk. R-18) Stefan Salvatore, the youngest grandson of the largest and most well-known conglomerate-Divina Salvatore of the Salvatore Group of Companies-was the only sur...