Chapter 29: Changes

400 12 0
                                    

HABANG nagsimula nang magbago ang buhay ni Eunice sa pamamahay ng Salvatore ay hindi naman mapakali si Lemuel.

"Sir, kanina ko pa napapansin na hindi ka mapakali may problema po ba kayo?" tanong ni Abarientos kay Lemuel na kanina pa pinapaikot ang upuan habang hinihimas ang baba nito at magkasalubong ang mga kilay nito.

"Nag-aalala lang ako," mahinang usal ni Lemuel.

"Inaalala niyo po ba 'yong babae kanina?" tanong Harold.

Napangalumbaba si Lemuel sa ibabaw ng mesa at napaisip nang malalim.

"Merong hindi tama sa kasong ito," mahina nitong usal.

Napaupo si Harold sa upuan at inilapag hawak nitong tasang may kape.

"Bakit, Sir? Sa tingin mo ba walang kasalanan 'yong asawa ni Mr. Salvatore?" tanong ni Harold sabay higop ng kanyang kape.

"Mukhang ganoon na nga."

"Pero wala naman tayo, Sir nakitang ebidensiya na magpapatunay sa sinasabi niyang wala siyang kasalanan at may ibang taong involve sa kasong kinasasangkutan niya ngayon," wika ni Harold.

"Alam ko pero kahit anong pilit kong sabihin na siya ang may kasalanan ay may parte ng sarili kong nagsasabi na wala siyang kasalanan," wika ni Lemuel na mas lalong napahinga nang malalim dahil sa magulo niyang isipan.

"Ano ka ba, Sir? Itigil mo muna ang pag-iisip sa mga bagay na may kaugnayan sa kaso ng mga Salvatore. Magpahinga ka muna habang hinihintay ang resulta ng computer forensics dahil panigurado ilang araw na naman tayo magpupuyat," awat ni Harold.

Ngunit hindi nakinig si Lemuel at tahimik na nakikipagduwelo sa kanyang isipan ng mga anggulong nangyari sa kasong kanyang hinahawakan.

***

SA KABILANG BANDA,

Nasa loob ng kanyang k'warto si Stefan habang sapo-sapo ang kanyang ulo.

"What the hell I am doing?" mura niyang tanong sa kanyang sarili sabay sabunot sa kanyang buhat.

Hindi niya maunawaan ang kanyang sarili kung bakit niya pa dinala pabalik sa pamamahay na ito si Eunice—ang taong pumatay sa kanyang lola.

"Stefan, are you out of your mind? Why did you bring in a criminal? What if she tries to murder you?" tanong niya sa kanyang sarili dahilan para mas lalo siyang mapasabunot sa kanyang sarili.

Hindi niya magawang mapigilan ang kanyang sarili dahil habang naiinis siya sa kanyang sarili dahil sa alam niyang mamamatay tao si Eunice ay nagawa niya pa itong dalhin sa pamamahay. Naiinis siya sa kanyang sarili dahil habang nag-aalala siya sa mgiging kalagayan ni Eunice ay natatakot siya na baka matulad siya sa sinapit ng kanyang lola dahil sa labis na pag-aalala sa magiging kondisyon ng kanyang asawa.

"Damn it, Stefan! Wake up and get yourself together!" saad niya sa kanyang sarili matapos sabunutan ang sarili nang malakas.

It's not the time to feel sorry for her. Keep in mind that she was the one who murdered your Lola!

Matapos niyang pangaralan ang kanyang sarili ay ikinumpas niya ang kanyang sarili at tinatak sa kanyang isipan na hindi dapat siya makaramdam ng awat kay Eunice. Paulit-ulit niyang itinatatak sa kanyang isipan na hindi isang mabuting tao si Eunice at nagpapanggap lang ito para kunin ang kanyang loob tulad ng ginawa nito sa kanyang lola. At kapag nakuha na nito ang tiwala saka nito paplanuhin ang pagpatay gaya ng ginawa nito sa kanyang lola.

"So don't let yourself be taken in by her disguise," saad niya sa kanyang sarili habang tinitignan ang sariling repleksyon.

Matapos ang pag-kokondisyon sa kanyang sarili ay lumabas siya ng k'warto at tahimik na pinagmasdan ang dalaga na buong gilas na ginagawa ang trabaho nito nang walang pag-aalinlangan. Hindi niya maunawaan ang kanyang sarili ngunit habang pinagmamasdan niya si Eunice hindi niya magawang makaramdam ng kagaanan sa kanyang kalooban. Ang galit na kanyang nararamdaman kanina at sama ng loob ay tila nawala habang pinapanood niya ang dalaga.

Marriage Under Pressure (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon