Chapter 23: Arrest

414 11 0
                                    

GALIT NA GALIT na hinawakan ni Stefan ang braso ni Eunice at saka hinila ito papasok ng ICU room na siyang ikinabigla nito.

"Aray! Stefan, nasasaktan ako," ngiwing saad ni Eunice na labis na nasasaktan sa matinding pagkakahawak sa kanya ni Stefan na para bang mababalian siya anumang sandali.

"Enough of your nonsense, murderer! I was already aware of the truth!" sigaw ni Stefan sa pagmumukha ni Eunice.

"Ano bang sinasabi mo, Stefan? Ilang beses ko ba sasabihin—"

"Shut the fuck up!" galit na sigaw ni Stefan na kulang na lang ay kainin na ng buhay si Eunice nang sandaling iyon. "Kitang-kita ng dalawa kong mga mata kung paano ka pumasok sa k'warto ni Lola at walag ibang tao ang pumasok sa k'wartong ito bukod sa 'yo. Dahil sa walang ibang taong naroon sapat na 'yon para magkaroon ka ng pagkakataon para patayin si Lola. Kaya itigil mo na ang pagmamaang-maangan mo dahil huling-huli ka na, Eunice." Dagdag nito na punong-puno nang pagkamuhi sa kanyang asawa.

Hindi makapaniwala si Eunice sa kanyang narinig. Akmang magsasalita na sana siya para ipagtanggol niya ang kanyang sarili ngunit hindi niya nagawa nang bigla siyang talikuran siya ni Stefan at ikulong sa k'wartong iyon.

Sinubukan ni Eunice na makalabas sa k'wartong iyon ngunit hindi niya magawa.

"Stefan, buksan mo itong pinto!" sigaw ni Eunice habang kinakalampag ng kanyang kamay ang pinto."Stefan, pakinggan mo muna ako!"

Ngunit kahit na anong hampas at kalampag niya sa pinto ay hindi iyon binuksan ni Stefan kung kaya nagtungo siya sa salamin na bintana ng k'wartong iyon. Doon ay nagsimula siyang hampasin ang bintana para makuha ang atensyon ni Stefan na hindi naman siya nabigo.

"Stefan, makinig ka sa akin. Hindi lang ako ang pumasok sa k'warto ni Lola Divina. Pumunta rin sina Sir Astolfo at Ma'am Gretta kanina para bisitahin si Lola Divina," sigaw na saad ni Eunice. "Inutusan ako ni Lola Divina bumili ng maiinumin niya kasi nauuhaw siya. Ayaw ko sana siyang iwan kaso nakiusap si Lola sa akin kaya sinunod ko siya kaya silang tatlo lang nina Sir Astolfo at Ma'am Gretta ang naiwan kasama ni Lola Divina. Pagbalik ko nakita ko na lang na wala ng buhay si Lola Divina. Hindi ako ang pumatay sa kanya, Stefan! Maniwala ka sa akin!" dagdag nito ngunit matapos ang lahat ng kanyang sinabi ay binigyan lang siya nang galit na tingin ni Stefan.

"Stefan! Naririnig mo ba ako?" sigaw ni Eunice ngunit matapos noon ay inalis ni Stefan ang tingin nito sa kanya.

"Stefan!" tawag niya sa kanyang asawa habang hinahampas ang kanyang palad sa bintanang salamin.

"Stefan!"

"Stefan, naririnig mo ba ako? Maniwala ka sa akin!"

Paulit-ulit na tinawag ni Eunice ang pangalan ni Stefan ngunit hindi siya nito pinansin at nanatiling bingi. Akmang sisigaw muli siya nang manariwa sa kanyang alaala ang sandaling nasa loob si Stefan at ni hiyaw nito ay hindi niya marinig nang sandaling iyon. Doon lamang niya napagtanto na soundproof pala ang k'wartong iyon kaya tuluyan na siyang nanghina at napayuko. Biglang nag-play sa kanyang isipan ang mga salitang binitawan ni Stefan sa kanya.

"Kitang-kita ng dalawa kong mga mata kung paano ka pumasok sa k'warto ni Lola at walag ibang tao ang pumasok sa k'wartong ito bukod sa 'yo. Dahil sa walang ibang taong naroon sapat na 'yon para magkaroon ka ng pagkakataon para patayin si Lola. Kaya itigil mo na ang pagmamaang-maangan mo dahil huling-huli ka na, Eunice."

Napaangat si Eunice bigla nang kanyang ulo at tinignang muli si Stefan na nakayuko sa pagkakaupo nito na tila malalim ang iniisip.

"Paanong nangyari na ako lang ang nakita sa CCTV? Napakaimposible na hindi nakunan ng camera ang pagpasok nina Sir Astolfo at Ma'am Gretta sa k'wartong iyon. Bakit ako lang ang nakita na pumasok at lumanas sa k'warto ni Lola Divina? Paanong nangyari na hindi sila nakunan ng camera?" sunod-sunod na tanong ni Eunice sa kanyang sarili.

Marriage Under Pressure (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon