"FUCK! What are you doing here?" bungad na tanong ni Stefan.
Hindi makapaniwala si Eunice sa naging reaksyon ng kanyang asawa sa kanya.
"How could you do this to me?" nadidismaya at nanlulumong tanong ni Eunice sa gumagaralgal na tinig nito. Hindi na rin nagawa nitong mapigilan ang luhang namumuo sa gilid ng kanyang mga mata at tuluyan nag bumuhos sa kanyang pisngi. "Bakit mo ito ginawa sa akin, Stefan?"
Nang sandaling iyon ay hinid nakaimik si Stefan habang nakatingin sa kanyang asawa na umiiyak nang sobra.
"Bakit, Stefan?" hagulgol nitong tanong. "Paano mo ito nagawa sa anak natin?"
Ang kalasingang umangkin sa huwisyo ni Stefan ay biglang naglaho at nagising sa realidad nang makita ang itsura ni Eunice nang sandaling iyon. Ang mga luhang umaagos sa pisngi nito ay nagbibigay ng kakaibang bigat sa kanyang dibdib na hindi niya maipaliwanag. Kitang-kita niya sa mga mata nito ang lang labis na sakit at pagkadismaya habang nakikipagtitigan ito sa kanya.
Akmang magsasalita si Stefan nang magsalita muli si Eunice.
"Napakahirap mong mahalin." Matapos bitawan ni Eunice ang mabigat na mga salitang iyon ay tinalikuran niya si Stefan at naglakad papaalis.
Gustong pigilan ni Stefan ang kanyang asawa para makapagpaliwanag ngunit hindi niya magawang makagalaw sa kanyang kinatatyuan. Tila ba ay napaskil ang kanyang mga paa sa kanyang kinatatayuan kung kaya wala siyang nagawa kung 'di ang pagmasdan ang asawa niyang umalis hanggang sa mawala sa kanyang paningin.
"Eunice..."
Muling nanariwa sa kanyang alaala ang tatlong salitang binitawan ng kanyang asawa kanina.
"Napakahirap mong mahalin."
Nang sandaling iyon, may kung anong kirot siyang naramdaman sa kanyang dibdib na siyang nagpapahirap sa kanya para huminga.
"Napakahirap mong mahalin."
Parang tinatarak ang kanyang puso nang tatlong salitang iyon lalo na kapag naaalala niya ang itsura ng kanyang asawa kanina na umiiyak at labis na nasasaktan dahil sa nasaksihan nito.
"What are you going to do now, baby? Are you planning on divorcing your wife?" tanong ni Astrid na pumulupot sa kanyang katawan.
Natauhan si Stefan at mabilis na inalis ang pagkakapulupot ng mga braso't kamay nito sa kanya saka hinarap.
"What are you talking about?" tanong ni Stefan na magkasalubong ang mga kilay.
Tinignan naman siya ni Astrid nang mata sa mata. "What are your plans? About your wife? About us?"
Napataas ng kilay si Stefan sa kanyang narinig.
"Astrid, there has never been a "us." This is a mistake!" mariing pagkaklaro ni Stefan dahilan para mapaawang ang bibig ni Astrid.
"What do you—"
Hindi natuloy ni Astrid ang kanyang sasabihin nang putulin ni Stefan ang kanyang pagsasalita.
"Like what I said this is just a mistake. And if you're planning on forcing me to divorce my wife, forget it!"
"But, paano na lang ang nangyari sa atin? Wala na lang ba iyon sa 'yo?" hindi makapaniwalang tanong ni Astrid na buong akala ay mapapasakanya na si Stefan.
"Astrid, you were the one who pushed yourself in front of me. I didn't make you do anything. You make the offer, and I'm just a man who has no choice but to accept the grace," paglilinaw na saad ni Stefan.
"You—"
"So, I have no obligation to you."
Matapos bitawan ni Stefan ang mga salitang iyon ay tinalikuran niya si Astrid at naglakad palabas ng opisina.
BINABASA MO ANG
Marriage Under Pressure (COMPLETED)
Romance(This story contains violence and obscene plotline. You should read at your own risk. R-18) Stefan Salvatore, the youngest grandson of the largest and most well-known conglomerate-Divina Salvatore of the Salvatore Group of Companies-was the only sur...