ONE YEAR LATER...
BGM: Dito Ka Lang by Moira
Nang sandaling bumukas ang pinto ng simbahan ay agad na tumugtong ang piano dahil doon ay sabay-sabay na itinuon ng mga taong naroon ang kanilang atensyon sa babaeng nakasuot ng napakagandang traje de boda. Halos lahat ng taong nasa loob ng simbahan ay hindi mapakali lalo na ang mga reporter na naroon at agad na hinanda ang kanilang mga camera para i-cover ang ikalawang beses na pagpapakasal nina Stefan at Eunice. Samu't saring mga camera ang nagsimulang magsiilaw dahil sa mga flash na ginagawa nito sa walang tigil na pagkuha ng mga litrato lalo na ng magsimula ng maglakad si Eunice papunta sa altar. Lahat ay namamangha sa angking ganda nito na mas pinalitaw pa ng napakaganda at napakagarbong traje de boda na suot nito. Halos walang makakapagsabi na galing sa mahirap na pamilya si Eunice dahil sa napakainosente, napakaganda at elegante nitong kilos nang sandaling iyon.
"She's so beautiful," manghang saad ng isang reporter.
"Sinong mag-aakalang galing sa isang mahirap na pamilya ang asawa ng apo ng isang bilyonaryong doña sa iba't ibang panig ng mundo?" sabi ng reporter na katabi nito habang napapailing sa nasasaksihan nito.
"Hey, watch your words! Gusto mo bang mapalabas at mapahiya sa napakaraming tao?" babalang saad ng isang reporter.
"Alam ko. Ang sinasabi ko lang ay napakas'werte niyang babae dahil nakatagpo siya ng mayamang lalaki na tatanggap sa kabila ng estado niya sa buhay," paglilinaw ng isa.
"Well, I won't argue with that," sang-ayon ng isa habang tumatango.
Itinuon ng dalawa ang kanilang atensyon sa altar kung saan naroon si Stefan na may malawak na ngiti habang hinihintay ang kanyang asawa na makarating doon.
Nang sandaling iyon habang naglalakad papalapit si Eunice ay hindi niya mapigilan ang kanyang sarili na maluha habang pinagmamasdan ang malawak na ngiti sa mukha ng kanyang asawa kasabay noon ay nanariwa sa kanyang alaala ang sandaling kung paano sila napunta sa ganitong sitwasyon, ang mabilis na pangyayari na siyang dahilan kung bakit sila naging mag-asawa, ang mga nakakailang na sandali, at ang pagkawala ni Doña Divina that made their lives turn upside down. Naging mahirap at masakit ang tinahak nilang daan ngunit sa kabila ng lahat ng iyon ay natagpuan nila ang kanilang sarili sa bisig ng isa't isa dahilan para marating nila ang sandaling ito—ang pagmamahal na hindi nila inaakalang matatagpuan sa isa't isa. Ang pagtanggap nila sa nakaraan ng bawat isa ang siyang nagbigay ng daan at pagkakataon para mas mahalin nila ang bawat isa.
"She looks so beautiful," mahinang anas ni Stefan habang nakabaon ang kanyang mga tingin sa kanyang asawa.
Naibaling ni Eduardo ang tingin niya sa kanyang anak na kitang-kita ang labis na tuwa at pagmamahal sa kanyang asawa. Nang sandaling makita niya iyon ay naalala niya ang tanong na binitawan ni Carly sa kanya isang taon na ang nakakaraan.
"What are you going to do now?"
Hindi siya nakaimik nang sandaling iyon at hindi niya alam ang isasagot sa kaibigan ngunit nang sumagi sa kanyang isipan ang alaala ng masayang mukha ng kanyang anak sa tuwing kaharap nito ang asawa ay dinudurog ang kanyang puso.
"You really love her, huh?"
Lumawak ang ngiti sa labi ni Stefan. "Yes, Dad. I do love her. I love her so much and I can't imagine to live without her," sagot nito na hindi inaalis ang kanyang tingin sa pagkakatitig sa babaeng pinakamamahal at papakasalan niya sa pangalawang pagkakataon. "She's my present and my future. My only sunshine."
Nang marinig iyon ni Eduardo ay tahimik na napahugot nang malalim na paghinga saka tinapik ang balikat ng kanyang anak.
"Then, take care of her well," nakangiting saad ni Eduardo.
BINABASA MO ANG
Marriage Under Pressure (COMPLETED)
Romance(This story contains violence and obscene plotline. You should read at your own risk. R-18) Stefan Salvatore, the youngest grandson of the largest and most well-known conglomerate-Divina Salvatore of the Salvatore Group of Companies-was the only sur...