BUMALIK si Eunice sa k'warto nila ni Stefan matapos niyang mapakalma at mapatulog si Doña Divina.
"Is she already sleeping?" tanong ni Stefan kay Eunice nang sandaling makapasok ito sa k'warto dahilan para mapalukso ito sa gulat.
"Bakit gising ka pa?" gulat na tanong ni Eunice na nakahawak sa kanyang dibdib na ramdam ang pagkabog ng kanyang puso.
"I'm waiting for you," maikling sagot ni Stefan. "So, is she sleeping?" muling tanong nito.
Tumango si Eunice. "Oo. Hinintay ko muna na makatulog si Lola bago ako umalis," tugon nito.
"What was it that took you so long to figure out? What did you two discuss?" sunod-sunod na tanong ni Stefan.
Hindi nakaimik si Eunice at napalunok nang malalim.
"Eunice," muling tawag sa kanya ni Stefan.
Pilit ni Eunice na ikinumpas ang kanyang sarili at umakto nang natural sa kabila ng kabang nararamdaman.
"Wala naman kaming pinag-usap ni Lola. Kung ano-ano lang," sagot ni Eunice sabay tawa nang ilang.
Tinignan siya ni Stefan nang may mapanuring mga mata. "And what is the random topic you two discussed at length?"
Mas lalong kinabahan si Eunice nang sandaling iyon dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya kay Stefan.
"Just that," maikling sagot ni Eunice.
Nagsalubong ang mga kilay ni Stefan sa sagot ni Eunice.
"Is there something you're trying to hide from me?" nagdududang tanong ni Stefan kay Eunice.
Muli napalunok nang laway si Eunice. Kinakabahan man ay pinanindigan niya ang kanyang isinagot kanina kay Stefan.
"Nothing. What would I try to cover up from you?" pagbabalik niyang tanong na pilit na umaktong natural at cool sa harapan ni Stefan.
Hindi umimik si Stefan at patuloy siyang binigyan nang mapanuring mga tingin.
"I need to get away from that intense stare," saad ni Eunice sa kanyang isipan.
Hinintay pa ni Eunice nang ilang segundo si Stefan ngunit patuloy lang siya nitong tinitignan dahilan para siya na ang unang bumasag sa katahimikang bumabalot sa kanilang dalawa. Nagpanggap ng paghikab si Eunice para makagawa ng rason na tapusin ang kanyang pakikipag-usap kay Stefan.
"Kung wala ka ng ibang sasabihin matutulog na ako," saad ni Eunice at muling nagpanggap ng paghikab.
Nanatiling walang imik si Stefan at nakatingin pa rin sa kanya. Ilang segundo pa ang lumipas ngunit walang sinasabi si Stefan dahilan para magkusa na lamang si Eunice.
"Then, I'll go to bed," maikling saad niya at naglakad papunta sa kanilang higaan at humiga.
"Good night," paalam niyang sabi at agad na pinikit ang kanyang mga mata.
Ngunit kahit na nakapikit siya ay ramdam niya ang mga titig ni Stefan sa kanya na nakabaon sa kanya.
"Ano bang nangyayari sa kanya? Hanggang kailan niya ba ako balak tititigan?" tanong ni Eunice sa kanyang sarili. "Bahala nga siya sa sa buhay niya." Dagdag nito.
At pilit na nag-concentrate si Eunice na matulog ngunit imbes na makatulog siya ay ang nangyari kanina ang nag-flash sa isipan niya.
"Hija, nakikiusap ako sa 'yo, huwag mong iwan si Stefan... Handa akong ibigay ang lahat manatili ka lang sa tabi ni Stefan."
Iyong mga pagmamakaawa at luha na ipinakita sa kanya ni Doña Divina kanina—kitang-kita niyang wala iyon halong pagpapanggap. Lahat ng mga binitawan nitong salita ay galing mismo sa kaibuturan nito at hindi itong magpakababa at magmakaawa para lang sa ikabubuti ni Stefan. Gusto niyang tulungan ito ngunit iniisip niya ang kanyang sarili. Sa sandaling tanggapin niya ang kahilingan ni Doña Divina ay mawawala ang kanyang Kalayaan para makasama ang taong mahal niya at mamuhay ng normal.
BINABASA MO ANG
Marriage Under Pressure (COMPLETED)
Romance(This story contains violence and obscene plotline. You should read at your own risk. R-18) Stefan Salvatore, the youngest grandson of the largest and most well-known conglomerate-Divina Salvatore of the Salvatore Group of Companies-was the only sur...