IGINALA ni Iñigo ang kanyang mga mata at hinanap si Eunice kanina lamang ay tanaw pa ng kanyang mga mata ito pero sa isang iglap ay bigla itong naglaho.
"Saan dinala ni Stefan si Eunice?" tanong niya sa kanyang sarili habang iginagala niya ang kanyang mga mata sa buong paligid.
Hindi mapakali si Iñigo at nag-aalala pa rin para kay Eunice kahit na tinapos na nito ang kanilang relasyon ay hindi pa rin siya mapalagay na ipagkatiwala ito kay Stefan. Pinuntahan niya si Eunice sa mansyon ng mga Salvatore para kumustahin sa huling pagkakataon dahil sa ilang araw na siyang hindi makatulog kakaisip sa kanyang minamahal. Gusto niyang malaman na hindi nga ito sinasaktan ni Stefan kapag nakita na ng dalawa niyang mga mata na okay lang ito at hindi sinasaktan ng lalaking ito ay handa na siyang pakawalan si Eunice at mag-mo-move on na ito.
Patuloy niyang iginala ang kanyang mga mata para hanapin ang dalaga.
"Eunice, asan ka ba nagpunta?" tanong ni Iñigo sa kanyang sarili.
Habang iginagala ni Iñigo ang kanyang mga mata ay nakita niya si Stefan at mabilis nagtago.
"I can't believe her audacity! She really put on a brave face here to express her desire to say good-by to my Lola?" Napapalatak si Stefan. "How shameless she is!" hindi makapaniwalang saad ni Stefan na animo'y asiwang-asiwa sa pagkatao ni Eunice na kitang-kita ni Iñigo sa reaksyon nito nang sandaling iyon.
Hindi siya makapaniwala na ganoong tao ang nagawang piliin ni Eunice kapalit niya. Sinundan niya ng tingin si Stefan at may labis na panggigigil at gusto niya ng sunggaban sa labis na inis dito. Hindi niya sana ito papatulan nang marinig niya ang sinabi nito na hindi niya maatim.
"It would be preferable if she were the one who died rather than my Lola," palatak na saad ni Stefan na wala man lang pagdadalawang isip sa kanyang sinabi.
Nang marinig iyon ni Iñigo ay hindi niya na nagawang pigilan ang kanyang sarili at mabilis na tumakbo papalapit kay Stefan at isang malakas na suntok ang kanyang iginawad sa mukha nito dahilan para mapaupo ito sa daan.
Hindi pa nakuntento si Iñigo at pumaibabaw ito sa binata saka kinuwelyuhan. "Ang kapal ng mukha mong sabihin 'yan!" nanggigigil sa galit na sigaw ni Iñigo kay Stefan sa pagmumukha. "Wala ka bang puso at nagagawa mong sabihin na parang wala lang ang mga katagang 'yan sa babaeng ikaw ang pinili?"
Hindi pinansin ni Stefan ang mga salitang binitawan ni Iñigo imbes ay isang ngisi ang lamang ang itinugon nito.
"So, what if she decides to go with me? Did I put her under any duress?" palatak na tanong ni Stefan.
"Anong sinabi mo?" bulalas na tanong ni Iñigo na hindi makapaniwala sa salitang lumabas sa bibig ni Stefan nang sandaling iyon.
"What she chooses is irrelevant to me. In any case, it's absolutely meaningless," pagsasawalang pakialam na saad ni Stefan kay Iñigo.
"Ano?"
"Is your intellectual capacity so poor that you can't comprehend a single word I say?" pang-iinsultong tanong ni Stefan sabay tingin kay Iñigo na may pangmamaliit na tingin. "So, what can you expect from a low-level individual like you?" Sabay palatak.
Akmang susuntukin ni Iñigo si Stefan ngunit naunahan siya nito dahilan para pumutok ang labi niya sa lakas na pagkakasuntok nit sa kanya. Tinadyakan ni Stefan sa tiyan si Iñigo nang buong lakas para alisin ang pagkakaibabaw nito sa kanya. Napapilipit naman si Iñigo sa sakit dahil sa malakas na tadyak ng binata.
Inayos ni Stefan ang kanyang suit sabay dura at pinusan ang dugo sa kanyang labi gamit ang kanyang hinlalaki.
"Try to lay a finger on me, I will not hesitate and I will sue you," pagbabantang saad ni Stefan.
BINABASA MO ANG
Marriage Under Pressure (COMPLETED)
Romance(This story contains violence and obscene plotline. You should read at your own risk. R-18) Stefan Salvatore, the youngest grandson of the largest and most well-known conglomerate-Divina Salvatore of the Salvatore Group of Companies-was the only sur...