Chapter 38: Uncover

464 13 1
                                    

HINDI MAPAKALI si Eunice at hindi pa rin mawala sa kanyang isipan ang natuklasan niya kanina at kahit na pilit niyang iwaglit sa kanyang isipan ang kanyang nalaman ay hindi nito pinapatahimik ang kanyang isipan.

"Pull yourself together, Eunice. Hindi mo kailangan magpaapekto sa nalaman mo. Hindi dapat makita ni Stefan na pinagdududahan mo siya kung 'di magkakaroon na naman kayo ng gulo," saad niya sa kanyang sarili sabay iling nang mariin para ikumpas ang kanyang sarili bago hinain ang pagkain ng kanyang asawa.

Ngunit sa hindi sinasadya ay nahulog ni Eunice ang kutsara dahilan para mabulyawan siya ni Stefan.

"What the hell are you doing?" bulyaw na tanong ni Stefan na magkasalubong ang mga kilay.

"Pasens'ya na, dumulas sa kamay ko," paghingi ng despensa ni Eunice na agad pinulot ang nahulog na kutsara.

"You're such a stupid!"

Muli, nakatanggap na naman nang masakit na salita si Eunice mula sa kanyang asawa ngunit hindi na lang siya umimik at napakagat na lamang sa kanyang labi at nakahawak nang mahigpit sa kanyang palda para pigilan ang kanyang emosyon na nagbabadyang lumabas.

Nanatiling nakayuko si Eunice. "Ikukuha na lang kita ng bagong kutsara. Sandali lang," mahinang wika ni Eunice at naglakad papunta sa kusina para kumuha ng panibagong kutsara.

Nang makarating siya sa kusina ay humugot nang isang malalim na paghinga si Eunice para ikumpas ang kanyang sarili.

"Eunice, gumising ka! Umayos ka!" saad niya sa kanyang sarili.

Matapos noon ay agad siyang kumuha ng bagong kutsara sa lalagyan at dali-daling bumalik sa hapag-kain para iabot kay Stefan ang bagong kutsara.

"Heto na ang kutsara mo—"

Hindi pa man natatapos ang kanyang sasabihin ay agad na inagaw ni Stefan sa kanyang pagkakahawak ang hawak niyang kutsara at binigyan siya nito nang mapanuring mga tingin. Pansin ni Stefan na kakaiba ang ikinikilos ng kanyang asawa habang masusing pinagmamasdan ito na nakatayo sa kanyang harapan nang nakayuko at walang imik.

"You're really frustrating," mahinang saad ni Stefan sabay palatak.

Narinig ni Eunice ang pagpalatak ng kanyang asawa ngunit hindi na lamang siya umimik at nanatiling lamang sa kanyang pagkakatayo.

Nagsimulang kumain si Stefan nang hindi na ulit binigyan ng tingin ang kanyang asawa ngunit hindi niya mapigilan ang sarili na mainis dahil sa presens'ya nito.

"Fuck! Her mere presence irritates me greatly!" naiinis niyang saad sa kanyang sarili. Napailing siya sa kanyang isipan. "Just don't mind her, Stefan. If you give it your attention immediately, it's just a waste of time. She's not even definitely worthy!" saad ng kanyang sarili sa kanya.

Naiinis man ay mas pinili niya na lang na 'wag itong pansinin kaysa mab'wesit ang araw niya.

Dali-daling inubos ni Stefan ang kanyang pagkain para agad na makaalis ng bahay bago tuluyan siyang mawalan ng pasens'ya at mapagbuntungan niya na naman ng galit ang kanyang asawa.

Nang makita na ni Eunice na nakaalis na si Stefan ay bumalik ito agad sa loob at nagsimulang gawin ang kanyang dapat na gawin sa araw na 'yon na lagi niyang ginagawa. Ngunit kahit na gawin niyang abala ang kanyang sarili ay hindi pa rin mawala sa kanyang isipan ang kanyang natuklasan kanina lalo na at hawak-hawak niya ang long sleeve ni Stefan na siya niyang naamuyan ng pambabaeng pabango.

Tiim-bagang tinignan niya ang hawak niyang damit. "Magagawa ba talaga ni Stefan na mambabae?" tanong niya sa kanyang sarili.

Ilang saglit pa ang lumipas at nakatuon pa rin ang kanyang pansin sa damit na kanyang hawak. Magagawa niya ba talaga? Nilulunod ng mga katanungan ang isipan ni Eunice habang pinagmamasdan niya ang damit na kanyang hawak.

Marriage Under Pressure (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon