"ANONG SINABI MO?" gulat na tanong ni Doña Divina.
Ngumisi si Astolfo. "Sa tingin mo ba isang aksidente lang ang lahat na nangyari kay Eduardo? P'wes nagkakamalita ka, Ate Divina, dahil lahat ng iyon ay bahagi ng plano namin ni Gretta," saad nito na may ngisi sa labi na animo'y isang demonyo na tuwang-tuwa at proud sa kanyang ginawa.
Nanlaki ang mga mata ni Doña Divina sa kanyang narinig.
"Paanong—"
Hindi natapos ni Doña Divina ang kanyang sasabihin sa labis na pagkabigla sa kanyang nalaman na halos hindi siya makapaniwala na ang may kagagawan ng kanyang kalungkutan, pangungulila at pagkamatay ng kanyang anak at apo ay ang kanyang mga kapatid.
"Paano niyo nagawa ang kasamaang iyon sa nag-iisa niyong pamangkin?" tanong ni Doña Divina na halos hindi magawang maikumpas ang kanyang sarili dahil sa mga nalalaman.
Pumalatak at tumawa nang malakas si Astolfo nang nakakapang-insulto. "Pamangkin?" pag-uulit nito sabay tawa nang malakas at matapos ang ilang paghalakhak ay bigla itong tumigil sa pagtawa saka ibinaling ang tingin kay Doña Divina na may seryosong tingin.
"Kailanman ay hindi namin itinuring ang batang iyon na pamangkin. Hinding-hindi namin matatanggap ang anak ng isang anak ng malanding katulong na sumira sa magandang pamilya namin!" mariing saad ni Astolfo sabay dura sa kanyang gilid. "Ang mga basurang tulad niyo ay kailanman hindi makakatanggap ng karangyaan at kasiyahan na ninanais niyo! Mananatili kayong mahirap at magdurusa!"
Hindi makaimik si Doña Divina nang sandaling iyon, halo-halong emosyon ang kanyang nararamdaman—pagkabigla, galit, pagkadismaya, lungkot at higit sa lahat pagkalito.
"Paano niyo nagawang idamay ang anak at ang pamilya niya sa galit niyo sa akin? Wala naman silang ginawang kasalanan sainyo. Hindi niyo dapat sila dinamay," nanghihinang saad ni Doña Divina na nagsimulang bumuhos ang mga luha sa kanyang mga mata.
Pumalatak si Gretta. "Bakit naman na hindi namin sila idadamay? Ang kasalanan ng ina ay kasalanan din ng anak na kailangan din nilang pagbayaran," mariing saad nito.
"At dahil anak mo si Eduardo at anak ni Eduardo si Damon at Stefan ay dapat din silang magbayad," saad ni Astolfo. "Ngunit dahil maswerte si Stefan ay nagawa niya pang mabuhay hanggang sa puntong ito."
"Malinaw na wala silang kasalanan sa kung anong alitan meron ang pamilya natin dapat hindi niyo sila idinamay!" mariing saad ni Doña Divina.
Tumawa nang malakas ang dalawang magkapatid.
"Bakit naman hindi namin sila idadamay lalo na at sa kanila mapupunta ang pinaghirapan nina Mama at Papa na kompanya?" saad ni Gretta. "Hinding-hindi kami makakapayag na maging sila ay makinabang sa pinaghirapan ng aming mga magulang! Lahat na meron kayo ay babawiin namin!"
"Kahit na ibig sabihin noon ay ang muling madumihan ang aming mga kamay ay handa kaming pumatay para lang walang ibang makinabang ng lahat kung 'di kami!" determinadong saad ni Astolfo. "At sa pagkakataong ito, sisiguraduhin na namin na maging ikaw ay hindi na makakahinga nang buhay."
Napakuyom ng kanyang mga kamay si Doña Divina sa labis na galit.
"Sa tingin niyo ba kapag pinatay niyo ako hindi gagawa si Stefan nang paraan para alamin kung sino ang nasa likod ng aking pagkamatay. Kapag nalaman niyang kayo ang may kagagawan sisiguraduhin niyang pagbabayarin niya kayo sa kasamaang ginawa niyo sa akin at sa kanyang pamilya!"
Ngunit hindi nagpatinag ang magkapatid at humagalpak lang ng tawa sa mga sinabi ni Doña Divina.
"Nagpapatawa ka ba, Ate Divina?" tumatawang tanong ni Gretta.
BINABASA MO ANG
Marriage Under Pressure (COMPLETED)
Romance(This story contains violence and obscene plotline. You should read at your own risk. R-18) Stefan Salvatore, the youngest grandson of the largest and most well-known conglomerate-Divina Salvatore of the Salvatore Group of Companies-was the only sur...