NATIGALGAL sina Astolfo at Gretta sa kanilaang narinig.
"What?" nanlulumong tanong ni Gretta.
"You can either take the 10 percent share or it will be donated to charity," pag-uulit ni Atty. Francisco na mas lalong ikinalumo ng magkapatid.
"This can't be happening..." mahinang usal ni Gretta.
"No, it's happening," nanunudyong wika ni Stefan. "So, will you take it or donate it to the people who are in need?"
Hindi nakasagot agad ang magkapatid dahil sa labis na pagkabigla at pagkadisgusto sa nangyayari.
Tumingin si Stefan sa kanyang relo at ni-tap ang ibabaw nito. "What is your decision? If you can't decide, you may leave; you're taking up too much of my time," wika ng binata nang tumayo ito sa kanyang pagkakaupo.
Ilang segundo ang lumipas ngunit wala pa ring ibinibigay na sagot ang magkapatid dahilan para ibaling ni Stefan ang kanyang tingin kay Atty. Francisco. "I believe they do not want it, so you can donate—"
Hindi natapos ni Stefan ang kanyang sasabihin nang mabalis na lumapit sa kanya si Astolfo at hinawakan ang kanyang kamay dahilan para maibaling ng binata ang kanyang tingin sa matanda.
"Stefan, baka p'wede mo naman dagdagan ang porsyento namin ng Lola Gretta mo, tumatanda na kami at hindi sapat ang sampung porsyento sa aming dalawa," pagmamakaawa ni Astolfo na kitang-kita ang desperasyon sa mukha nito.
"As you mentioned, you two are getting older, so I don't believe 10 percent is unsatisfactory. Elders don't typically spend a lot of money, so what's the point of wanting more?" tanong ni Stefan.
"Apo, maawa ka na sa amin kahit hindi na 25 percent kahit 20 percent na lang, ha? Sige na, apo," pagpupumilit nito pagmamakaawa.
Ngumiti si Stefan dahilan para mabuhayan si Astolfo.
"Stefan—"
"Lolo Astolfo, don't get your hopes up. Because I'm not going to give you what you want. If you can't accept the shares my Lola gave you both, you can leave this house empty-handed," wika ni Stefan saka muling itinuon ang kanyang pansin sa kanyang relo. "This discussion is taking up far too much of my time. I'm going to be late." At ibinaling ang kanyang tingin kay Atty. Francisco. "I'll leave them to you, attorney."
Yumuko si Atty. Francisco para magbigay galang kay Stefan at magpaalam. "I will take care of this, Mr. Stefan."
Matapos noon ay iniwan na ni Stefan ang magkapatid at ang abogado at tuluyang umalis.
Napaluhod si Astolfo sa kanyang pagkakatayo sa labis na pagkalumo. "Hindi maaaring mangyari ito," wika nito na hindi maitatago ang kanyang pagkadismaya.
"Attorney, wala na ba kaming magagawa para makuha ang nararapat na parte namin ng Kuya Astolfo ko?" tanong ni Gretta na hindi makapaniwala rin sa halaga na kanilang makukuha.
"I'm sorry, Ms. Gretta, but other than what's stated in the last will and testament, there will be no more," tugon ni Atty. Francisco.
Tumayo si Astolfo sa kanyang pagkakalugmok sa sahig. "Attorney, wala bang ibang paraan para madagdagan ang shares na ibinigay ni Ate Divina sa amin?"
Huminga nang malalim si Atty. Francisco. "You can speak with Mr. Stefan about it. Mr. Astolfo, I can't help you with that. I'm only responsible for dealing with legal issues that arise between members of your family; aside from that, I can't do anything, particularly with regard to the inheritance left by the family's head," pagpapaliwanag na saad nito.
Napasapo si Astolfo sa kanyang narinig sabay lamukos sa kanyang mukha sa labis na pagkasiphayo. Akmang magsasalita si Astolfo nang pigilan siya ni Gretta.
BINABASA MO ANG
Marriage Under Pressure (COMPLETED)
Romantik(This story contains violence and obscene plotline. You should read at your own risk. R-18) Stefan Salvatore, the youngest grandson of the largest and most well-known conglomerate-Divina Salvatore of the Salvatore Group of Companies-was the only sur...